xxiv

59 2 8
                                    

Summer's POV

"May I take your order sir?" pabebeng tanong ni ate waiter kay Frazer. Tumingin naman siya sa amin dahil hindi niya alam ang oorderin. Kaya naman nagsalita na si Yuri.

"Ate limang nga pong large fries,tapos limang cheese burger, tapos isang cheese pizza, tapos isang nacho platter with extra cheese." sabi ni Yuri. Malakas ang loob niyang umorder ng ganyan karami kasi kami ni Xander ang magbabayad. 😓

"Drinks niyo po?" sabi ulit ni ate waiter. Sinasabi ko sa inyo kanina pa ako nakakahalata e. Pano ba namang di man lang siya tumitingin kay Yuri na umorder at panay tingin kay Frazer habang nakakagat sa labi niya. Tingin niya ba hot na siya sa ginagawa niya? Mukha kaya siyang rabbit. Napairap nalang ako dahil doon.

"All large coke please."

"Ah sprite yung isa please hehe." sabi ni Xander kay ate waiter

"Di ka pa rin nagbabago, ayaw mo pa din sa coke hihi." bulong ko sakanya.

"Coke still taste weird to me."bulong niya sakin pabalik at umirap kaya napatawa nalang ako.

"Hello nag-eexist pa kami." singit ni Risse.

"So care to explain what happened?" tanong ni Yuri habang nakikinig lang sila Frazer. Sinimulan ko na ang pagkwento ko.

flashback

"Alex? Yung kalaro ko dati? Ikaw yun?" tanong ko sakanya. Di maipagkakaila na siya nga si Alex. At patunay doon ang peklat niya sa braso. Naglalaro kami noon ng tagu-taguan at noong nahanap ko siya ay naitulak ko siya ng sobrang lakas na nagkasugat siya sa siko niya.

Si Alex ay isa sa mga kababata ko. Madalas kaming maglaro noon sa park kung saan malapit ang mga bahay namin. Pero nahiwalay kami dahil nagmigrate sila sa ibang bansa kasama ang mga pinsan niya na mga kalaro din namin.

"So you do remember me now!"

"So pano mo ko nahanap?"

"I have my connections you know."

"Eh bakit di ka kaagad nagpakilala sa akin? Tsaka bakit Wang na ang surname na gamit mo?"

"Well hindi ko kasi alam kung paano sasabihin yon hehe. At Wang na rin ang ginagamit kong surname dahil hiwalay na sila mommy at daddy."

"Halaaaa bakit naman?"

"Tanda mo ba nung nagmigrate kami sa China? Malala na yung sakit ni Lola kaya pinapunta niya kami doon. Noong nawala si Lola nagluksa ng mahigit ilang taon si Mommy kaya nawalan na siya ng oras para sa amin ni Daddy. Dahil dun nambabae si Dad hanggang sa naghiwalay na sila." magkahalong lungkot at galit ang makikita sa mga mata niya.

"Sorry, dapat hindi ko na itinananong."

"Nah, kalimutan na natin yun."

"Soooo, asan sila Connor?"

"Ayan buti natanong mo. Babalik na sila dito next week. Alam kong excited na silang makita ka ulit."

end of flashback

"Ah so ibig sabihin matagal na kayo magkakilala? Nice." sabi ni Risse.

"Hihihihih" bumungisngis si Yuri kaya napatingin kami sakanya.

"Tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko sa kanya.

"May nabasa ako dati parang kayo din. Childhood friends tapos nahiwalay sa isa't isa pero bumalik yung lalaki at naging sila. Malay mo kayo din diba hihihihi."

"Pfft ano ka ba magkaibigan lang kami ni Xander, diba?"

"Yep, no more no less."

"Here's your order sir." sabi ni ate waiter kay Frazer. Oo kay Frazer lang, kunwari sa kanya lahat yung inorder hmmp.

******

☆ hello guys uhm so antagal kong di nagupdate no? medyo naghiatus ako and im sorry for that. hehe actually matagal na to sa drafts ko kaso medyo nawalan ako ng tiwala sa sarili ko like di ko alam kung maayos ba yung nagagawa kong flow and all that pero im back now and will continue this story, thank you for waiting. love lots♡

also this chapter is dedicated to @msyellowpixie 😉

cold as ice || shen yue x hu yi tian ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon