xxii

62 2 0
                                    

5:43 AM

Freezer❄
Active now

Frazer: morning

Frazer:  i fell asleep last night that's why didnt reply
Delivered

******

Third Person's POV

"Frazer!!!" Lunch nila ngayon at hinahabol ni Summer ang binata na kanyang nagugustuhan.

"Wait mo naman ako. Ang bilis bilis mo namang maglakad."

"Mabagal ka lang talaga."

"Hindi kaya! Binibilisan mo lang talaga." nakarating na silang dalawa sa lamesa kug saan naroon ang kanilang mga kaibigan. Nauna na ang mga eto dahil gutom na 'daw' si Risse pero sa totoo lang ay tinutulungan niyang masolo ni Summer si Frazer.

"Eto oh, may binake akong brownies kagabi." ibibigay na sana niya ito sa binata ngunit inunahan na siya nito.

"I don't like brownies." halos mabasag ang puso ni Summer sa narinig niya. Pinag-aralan niya pa namang magbake para sa binata pero wala ding nangyari.

"Akin nalang! Hehe ako Mer mahilig ako sa brownies!" pagkuha ni Xander sa supot ng brownies ng dalaga. Kanina niya pa ito pinapanood kaya nakita neto ang ekspresyon ni Summer ng tanggihan siya ni Frazer.

"Ah sige hehehe." sagot ni Summer at umupo na sa tabi ni Xander. Habang kumakain si Xander ay napansin niya ang ang peklat nito sa kanyang siko.

"HAHAHAHA SI SUMMER TAYA"

"Ako nanaman? Ang daya niyoooo"

"Bilang ka na ng 1 to 10 magtatago na kami!"

"Found you!"

"Ikaw din!"

"Pati ikaw!"

"Yoohoooo Alex nasan ka naaa"

"Found you!"

"WAAAAAHHHH Summer! Dumudugo yung siko koooo! huhuhuhu"

"Alex?" wala sa sariling tanong ni Summer sa katabing si Xander. Nginitian nalang siya ng binata.

******

"Class dismissed."

"Tara na?" tanong ni Xander kay Summer na kakatapos lang mag-ayos ng kanyang gamit.

"Tara hehe"

******

"Hinay hinay lang. Kaya ka tumataba e." pang-aasar ng binata kay Summer.

"Excuse me hindi kaya ako mataba! Sexy ako." sagot naman nito.

"Wag ka ng managinip. Pader ka kaya HAHAHAHA bleh bleh" nag-asaran lang ang dalawa habang sila ay kumakain.

"Summer." seryosong pagtawag ni Xander. Medyo nabigla si Summer dahil dito.

"O-Oh?"

"Kanina tinawag mo kong Alex. May naaalala ka na ba?"

"Ha?" naguguluhang sagot nito. Itinaas ni Xander ang sleeve ng kanyang sweater para ipakita ang peklat niya sa siko.

"Wala ka bang naaalala dito?" tanong niya sa dalaga.

"Alex? Alex na kalaro ko dati? Ikaw yun?"

******








feel ko masyadong mabilis yung flow ng story???? hehehehehe

cold as ice || shen yue x hu yi tian ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon