Kabanata 4

39.7K 1.1K 65
                                    

"Patawarin mo ako, anak ko. Hindi kita pwedeng isama sa kung saan man ako pupunta."

Nakita ko ang isang babae na may hawak na sanggol. Ang babae ay nakasuot ng puting saya at ang ulo niya ay pinapatungan ng hood ng suot niyang kapa. Nakatayo ako sa tabi niya pero mukhang hindi niya ako nakikita.

Inilapag niya ang sanggol sa tapat ng pintuan. May nakapatong na nakatuping papel sa sanggol at bago siya tuluyang umalis ay hinalikan niya ang ulo ng sanggol. Patuloy siya sa pagluha at matagal siyang nakatitig sa mahimbing na natutulog na sanggol at dahan-dahan siyang naglakad papalayo. Nakita ko siyang nagtago sa likudan ng malaking puno at sakto namang nagbukas ang pintuan ng bahay. Lumabas ang isang lalake na nasa mid 20's na. Napakunot ang noo ko ng para bang nakita ko na siya dati. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita noon.

Pagkagulat ang rumehistro sa mukha ng lalake at 'agad niyang binuhat ang sanggol. Tumingin siya sa paligid at muling tumingin sa sanggol na mahimbing pa ring natutulog na walang kaalam-alam na iniwan na siya ng kanyang sariling ina. Tumingin ako roon sa babae at nakatakip ang kanan niyang kamay sa kanyang bibig habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Tumalikod na siya at tumakbo papalayo.

Lumakad naman ako papunta sa pintuan at bago pa masarahan ng lalake ang pinto ay pumasok ako sa loob ng bahay. Pamilyar din ang bahay na ito ngunit mukha pa siyang bago pati na rin ang mga gamit sa loob. Pakiramdam ko rin ay nakapunta na ako rito. Nasaan na ba talaga ako? Nanaginip ba ako sa mga oras na 'to?

Pagkapasok ng lalake sa loob habang buhat ang sanggol ay sinalubong siya ng isang magandang babae. Kita ko ang gulat at tuwa sa kanyang mukha.

"Saan...p-paano...s-sino..." Hindi makabuo ng tanong ang babae dahil sa pagkagulat. Kinuha niya ang sanggol sa bisig ng lalake at inugoy-ugoy ito sa kanyang bisig.

"Nakita ko lang siya sa labas ng pintuan. Mukhang iniwan siya ng magulang niya rito."

Ngumiti ang babae. "Hulog siya ng langit. Nagdadasal ako kanina na sana biyayaan na tayo ng anak, hindi ko inaakalang ganito ko kabilis makukuha ang hinihiling ko. Salamat sa Panginoon. Napakabuti Niya," naluluhang sabi ng babae.

Lumapit ang lalake sa babae at hinalikan ang noo nito. "We'll take care of him and make him feel like his our own, right?" sabi ng lalake habang pinupunasan ang takas na luha sa pisngi ng kanyang asawa.

"Yes, and we will name him--"

Mabilis akong napadilat at tinamaan ng sinag ng araw ang aking mata. Napapikit ako at inihara ang akIng braso sa liwanag. Dahan-dahan akong bumangon at inilibot ang tingin ko sa paligid. Napakunot ang noo ko nang makitang hindi ko naman kwarto ito. Bakit ako nandito? Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi at awtomatikong napahawak ako sa aking leeg. Naramdaman ko ang band-aid na nakadikit dito. Napalunok ako at biglang umagos sa aking isipan ang itsura noong lalakeng binugbog ko kahapon sa school. Mahahaba ang kanyang pangil at ang pula ng kanyang mga mata. Tangina, bampira? Bampira ba talaga siya o nagsuot lang siya ng pangil at kinagat ako sa leeg para takutin ako? Kung gano'n nga, gagantihan ko ang gagong 'yon! Wala pang nakakagawa sa akin nang ganito. Hindi ako titigil hanggat hindi ko napapadugo at napapapaga ang nguso niya.

Pero para talagang...kakaiba siya kahapon.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo. Hindi na dapat ako masyadong nag-iisip dahil baka ma-stress ang kaguwapuhan ko, mahirap na. Hindi puwedeng mabawasan ang kaguwapuhan ko kahit 0.00000001% lang. Tumayo na ako at lumakad papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ang pinto pero bigla itong nagbukas. Bago pa ako makaiwas ay humampas na sa mukha ko ito kaya napahiga na lang ako sa sahig. Humawak ako sa aking ilong dahil sa sobrang sakit.

Rosario AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon