LIZ’ POV
Ano ba yan, mag aala-una na pala ng madaling araw and I’m still wide awake and blogging. Ang dami ko kasing naiisip na topics ‘twing ganitong oras eh.
Ako si Lizzy- Lizzy Marie Aquino. Liz na lang for short. Isa akong blogger sa iba’t ibang sites. Oo, kinacareer ko ang mga ito. 16 na ko at mag 1st year na sa pasukan at dito ako sa Manila nakatira. Political Science ang kukuhanin ko kasi ito ang hilig ko.
Ang maging bukas ang isipan sa lahat ng bagay sa gobyerno. Teka malalim na ata. Haha! Hindi kami ganong mayaman. Yung sapat lang.
*may nakita siyang nagfollow sa kanyang blog
“Sino kaya ito? URL pa lang parang loko na. Handsomeboy daw? Haha! Macheck nga.”
“Mukha namang magaling magblog at aba, Polsci din!”
*Minessage niya yung guy
“Hello. Salamat ha?”-thesweetgirl
“Hi sweetgirl, you’re sweet huh? ^__^V”-handsomeguy
“Haha! Loko hindi! Bakit, ikaw? Handsome ka ba? Lol.”-thesweetestgirl
“Hindi rin. Haha! Quits na tayo ha. XD”-handsomeguy
“Haha! Osige matutulog na ko, mag 2:30am na rin pala. :>” thesweetgirl
*Followed back
Grabe siya. Handsome guy daw? Haha Baliw. Ni wala ngang pictures sa blog niya eh. Makatulog na nga, at may meet up bukas sa isang site na may blog din ako.
Di pa rin ako makamove on sa letseng handsomeguy na yan. Baliw baliwan kasi eh. XD
CHASE’s POV
Ala una na ng madaling araw at nakatunganga ako sa harap ng laptop. Ako si Chase- Chase Justin Cruz. Tiga Cebu at 1st year college na pagpasok. 17.
*scroll
*scroll
*nakit a ang blog ni Liz (thesweetgirl)
Aba, Polsci, kagaya ko! At Woah. Astig yung mga posts niya ha.
*followed
“Hello. Salamat ha?”-theswetgirl
“Hi sweetgirl, you’re sweet huh?”-handsomeguy
“Haha! Loko hindi! Bakit, ikaw? Handsome ka ba? Lol.”-thesweetgirl
“Hindi rin. Haha! Quits na tayo ha. XD”-handsomeguy
“Haha! Osige matutulog na ko, mag 2:30am na rin pala. :>” thesweetgirl
Grabe yung babae na yun! Sweetgirl daw eh! Lol. Hay anong oras na ba? Nako 3am na pala, lagot ako kay Bea bukas! May date pa naman kami!
*nag alarm ng 8:30am
Sunday ngayon at may meet up sa Manila, pero may date naman kami ni Bea, girlfriend ko. Kaedad ko siya, mag 17 din at Accountancy naman ang kinukuha niya. CPA siya, Lawyer ako. Haha! Parehas kami ng school. Dito kami sa Cebu nakatira.
“Anak! Bumangon ka na! Andito na si Bea ano ka ba? Mahiya ka naman!” Sigaw ni Mama yun galing sa baba.
Bumangon na ko at nagbihis agad. May kaya kami, ganun rin sila Bea. Pero mas pinili namin mag aral dito dahil mas masarap ang simoy ng hangin. J
Bumaba na ko para puntahan siya.
“Hi Baby! Good morning! :*” bati ko.
“Baby, late ka! Ikaw talaga, ni hindi ka pa nagmumumog eh” lumayo naman siya ng bagya. haha
Chinita si Bea pero medyo malaman ang katawan niya, hindi siya payat pero hindi rin mataba. Pa-girl siyang magayos. Laging naka dress at heels. Kikay din. 2 taon na kami, 1st year high school pa lang, nililigawan ko na siya.
Umalis na kami, para magsimba at mag date. Gamit namin ang kotse kong medyo hindi naman kabaguhan, pamana lang sa akin ito ni Papa dahil college na nga raw ako.
LIZ’ POV
“AAAAAAAAHHHH! SHEEEEMAY! 1pm na ko nagising?! May meet up ngayoooon ng 3!”
Okay. Exagge ako eh. Haha. May meet up kasi ngayon yung mga bloggers at aattend ako. Sabi sa inyo kinacareer ko ang pag bblog eh! ;)
Gagayak na muna ko. Ano kayang magandang isuot? Hindi ako Kikay. Simple lang ako, may red highlights ako sa buhok. Rockers to teh! Idol ko kasi si Hayley Williams ng Paramore. Haha!
“Ah. Magvavans na lang ako, itong shirt ko ng Paramore at itong pants ni padala ni Mama.” Nasa Hawaii kasi si Mama. Nagttrabaho siya dun bilang nurse para matustusan ang pag aaral ko. Wala rin naman kasi akong kapatid.
Aalis na ko at makikipagkita sa MOA. Dun kasi ang meet up. Makikita ko na yung mga hinahangaan ko! Nagpaalam naman ako sa boyfriend ko, alam kong seloso yun kasi alam niyang madami akong makikitang gwapo. Haha! ^_____^V
YOU ARE READING
It Started With A Click (On Hold)
Teen FictionSana basahin niyo. Para sa mga bloggers na nainlove sa kapwa bloggers. ^________^V
