006

75 9 7
                                    


dalawang buwan na ang nakalipas at limang buwan na ring buntis si manuela. ang kanyang kasintahang si ferdinand ay cashier pa rin sa kfc.

ngayong araw sila magpapacheck sa ospital, magpapaultra soung kumbaga. 

nakafloral na bestida si manuela na umaabot sa kanyang tuhod. tube top ito kaya nakikita talaga ang baby bra niya. si ferdinand naman ay nakablack na tuxedo with bow tie at khaki shorts na pangsummer. 

summer outfit ampota.

sumakay sila sa sikad dahil wala na silang budget na ipambabayad sa ob-gyn.

bumaba sila sa sikad at inalalayan pa ni ferdinand si manuela yung parang sa movies. natisod naman si manuela kahit inaalalayan na siya kaya natumba siya.

"ARAY!" malakas na sigaw niya. 

si ferdinand naman ay nataranta kung anong gagawin niya. mas lalo pa siyang nagpanic nang nakita niyang may umaagos na dugo pababa sa hita ni manuela.

"AAAH! ANG BATA! ANG BATA!" sigaw ng extra na itatago natin sa pangalang kimberly.

parang natauhan si ferdinand at kinarga niya ng panghoneymoon style si manuela at pumasok sa loob ng ospital. di niya pinansin ang receptionist at ang mga taong nag-aalok sa kanila ng stretcher, kinakarga niya lang si manuela kahit di niya alam kung saan pupunta.

pumasok lang siya sa isang room nang bigla bigla at may nakaupo sa wooden table na babae na may brown na buhok— ang doktor.

"hoy, we meet again, hi my name is ferdie!" masayang bati nito. sa harap niya ay isang planggana ng gravy na parang may cauliflower.

"hala tangina, di mo pa nauubos ya? two months na yan ah?" puna ni ferdinand at binaba muna si manuela sa isang sofa.

"pake mo ba? mas masarap kung sweet and sour eh." sabi naman ng doktor.

halos limang minuto na silang nag-uusap nang narealize ni ferdinand ang kanyang pinunta sa clinic na yun.

"HALA SHIT! DOC BELINDA! ANG GIRLFRIEND KO PALA DINUGO!" nataranta na si ferdinand.

"HALA BAKIT? MAY REGLA SIGURO?" si doc.

chineck ni doc ang perlas ni manuela at nakikinita niya na ang ulo ng bata.

"ah okay naman siya, nandiyan na ang ulo ng bata." mahinahong sabi ni doc.

"ah okay, akala ko malala na siya— ANO!? ANDIYAN NA ANG ULO NG BATA!?" pasigaw na tanong ni ferdinand.

"we will do a cesarean delivery to your wife, mr. ferdie." sabi ni doc sa seryosong tono.

"opo, doc." hinawakan ni ferdinand ang kamay ng kasintahan.

hiniwa ni doc ang puson ni manuela kaya nagulantang si ferdinand nang umungol si manuela.

"POTA!" sigaw ni manuela

"DOC!? WALANG ANESTHESIA?"

"ay shit, nakalimutan ko hehe." sabi ni doc with a peace sign at tinurukan ng droga si manuela. nahimatay naman ito kaya naipagpatuloy na ang operasyon.

kasalukuyang kinukuha na ang bata sa sinapupunan ni manuela at nang lumabas na ito ay ginupit ng doctor ang pusod ngunit ang nakakonekta lang sa kay manuela.

"YEHEY! YOUR DAUGHTER IS A BOY!" maligayang bati ni doc at ihinandog niya ang bata sa kay ferdinand.

"WOW" sabi ni ferdinand at napatulala sa anak ni manuela... anak niya... anak nila.

ito pala ang feeling na malunod sa mata ng isang tao. feeling niya nakuha na ng anak niya ang puso niya. ilang minuto niya pa lang itong hawak ay mahal na mahal niya na ito— mas mahal niya pa ito kaysa sa ina nito. naluluha na siya habang karga karga ito.

kfcWhere stories live. Discover now