Tree Planting (part 2.1)

Start from the beginning
                                    

"Ok"

"Tapos, hawak ka sa kamay ko hihilahin kita paakyat." -Uno.

"salamat Uno, you're the best talaga" -Me

"Talaga ba? Tsssss baka 2nd best."

"Ano po yun?, hindi ko narinig"

"Wala, sabi ko puwesto ka na dyan sa gilid tapos hawak ka sa bar, para hindi ka matumba."

"Sabagay, kapag kasi natumba ako walang sasalo sakin, kaya kakapit nalang ako ng mabuti."

"Wag kang mag alala nandito lang ako sa likod para kung sakaling matumba ka, masalo kita agad." -Uno

"Hehehehe, sige kakapit ako ng mabuti para hindi ka na mahirapang saluhin ako, ang bigat ko kaya. Ayyyy speaking of mabigat akin na yang bag ko, kasi mabigat yan"

"Kaya nga, mabigat nga to."

"Ohhh, akin na."

"Sabi mo nga diba mabigat to, kaya bat mo kukunin?"

"Ehhh kasi bag ko yan, kaya ako dapat magdala"

"Hindi na, hirap ka na nga dyan tapos gusto mo pang magbuhat ng mabigat?"

"Ahhhh panu yung bag mo?"

"Ok lang to, magaan lng naman to eh."

"Ahhhh sige ganto, ako nalang magdadala ng bag mo."

"Ah sige, pero kunin ko lng yung lunch box ko, para hindi na talaga mabigat, tapos dito ko nalang lagay sa bag mo. Hindi naman ata to masisira?"

"Ahhhh sige sige, hindi naman yan masisira"

Pahirap ng pahirap yung daanan habang paakyat yung sasakyan, kaya delikado para samin dahil pwedeng mahulog kami since wala namang harang yung truck maliban sa bars na mababa lang naman. Kaya inadvise kami na bumaba nalang at maglakad hanggang sa baranggay. Yung mga plants namin pinaiwan sa truck para hndi na kami mahirapan sa pagbibitbit.

It started with a DareWhere stories live. Discover now