Uno to the Rescue

56 6 0
                                    

H.E subject na namin at separate ang girls sa boys...

And since katabi lang ng homeroom namin yung H.E room ng girls idinadaan muna kami ng mga boys bago sila dumiretso sa room nila (which is pinakadulong right pa ng campus) computer naman kasi yung subject nila.

Oo unfair kasi gusto din naming girls mag computer subject. Hindi katulad nito na magtatahi, magbuburda kung anu anu pa. Tsk

Si Uno ang nagdadala ng bag ko ngayon. Hindi dahil hindi ko kayang dalhin o maarte ako kaya siya ang dadala ng bag ko.

Sadyang mabigat lang talaga ang bag ko at andami ko pang bitbit bitbit na gamit namin sa pananahi at pagbuburda.

Meron naman sa room ng mga gamit nato kaso syempre hassle naman kung maghihiraman kami diba?

Baka hindi pa kami matapos dahil sa pag aantayan na matapos ang isa.

Kung tatanungin niyo naman ako kung bakit hindi ko nalang iwan sa H.E room?

Dahil po personal gamit ko po ito at hindi lang naman kami ang gumagamit ng room kaya baka magkawalaan lang din.

Hindi ko naman to dinadala sa bahay pauwi, hehehe masyadong hassle yun. Iniiwan ko sa homeroom namin may cabinet naman kami dun na pinag iiwanan ng mga belongings namin.

Si Uno yung nagbitbit ngayon :( don't get me wrong hindi naman sa ayaw ko na siya ang nagbibitbit at maghahatid sakin sa room.

Nasanay lang kasi ako na si Toni gumagawa nito.

Andun na po siya sa computer room.. Nag teleport po ata kaya sobrang bilis.

Pagdating namin ng room namin inilagay lang din ni Uno ang bag ko sa upuan sa nagpaalam na din.

Me: Salamat :)

Uno:  Anytime Ses.

~~

Ma'am: Ok class may dala na ba kayong fabric na pagbuburdahan niyo?

All: Opo

Ma'am: Good!!! Ayusin niyo muna ang mga pwesto niyo para hindi na kayo magkatamaan, at kumuha na din kayo ng mga tools niyo.
1st fabric, initial niyo muna, 2nd name nyo naman first name lang huh? Tapos 3rd flowers maybe? Yung favorite flower niyo..

Para mas madali pwede nyo lagyan muna ng light na drawing yung fabric para sundan niyo nalang ang drawing.

Nagstart na agad akong mag burda ng initials ko saka ko na poproblemahin ang flowers na yan.

Ang mahalaga may matapos ako.
Nakakatawa kasi wala namang magaling magdrawing sa aming mga babae, ay meron naman pala dalawa ata sila, pero malamang hindi naman nila matutulungan yung mga walang alam sa pag ddraw dahil busy din sila.

Bakit ba kasi hindi ako natutong magdraw?
Hay kasalanan to ni Kuya ei sinanay niya kasing magdepend ako sa kanya, tapos isa pa yung best friend ko, yung tipong hindi ko pa na ttry idraw yung mga pinapagawa saamin natapos na niya akong ipagdraw.

Kaya ngayon nganga ako.
Ako kayang gagawin kong flower? Hmmmmmm gumamela ang favorite ko ei, madali lang naman siyang idraw. siguro? Kaso wala naman akong talent talaga.

It started with a DareWhere stories live. Discover now