Tree Planting (part 1)

60 3 0
                                    

It's Friday already.

At gaya ng ipinangako ni Uno ipinagdala niya ako ng seedlings.

Yung target namin na mapagtaniman ay apat na baranggays, una yung place ng school, brgy nila Uno, brgy nila Tony, tapos yung pinakamalaking brgy. malapit sa school.

Hindi kasama yung brgy. namin dahil out of way nga.

Habang naglalakad bitbit bitbit na din namin ang mga bag namin dahil hassle na kapag bumalik pa kami sa school.

Lahat ng studyante hindi na  komportableng tingnan dahil bukod sa bag nila dala dala pa nila ang mga seedlings nila. Eh kamusta naman kaya si Uno? Doble yung bitbit niya dahil ayaw niyang ibigay sakin yung dala niyang seedlings para sakin.

Lakad... After ilang meters tanim... Lakad ulit.. Nalagpasan na namin ang bahay nila Uno... Lakad ulit.. Lagpas na sa bahay nila Tony... Lakad ulit... Nasa huling brgy. na kami ng biglang umulan last seedling ko nalang din naman at tapos na akong magbungkal kaya kahit anong awat na sakin ni Uno, para sumilong sa waiting shed nasobrang layo na din naman samin, hindi din ako nagpa awat at tinapos ko talaga ang pagtatanim.

Me: Tatapusin ko nalang to, sige na mauna ka na dun at sumilong.

Him: ano ka ba Kirsten, gusto mo bang magkasakit ka?

Me: Hindi ako magkakasakit promise, saka basa na din naman tayo. Wala na ding use kung makikipagsiksikan tayo dun.

Him:Bakit ba ang hardheaded mo? Sige na nga at sasamahan nalang kita dito.

Me: We can't stop the rain. But we can enjoy with it.
Look!!! Tapos na ako... Sana lang tumubo.

Him: at least you tried diba? Kung hindi man yan lumaki ok lang hindi ka dapat umiyak. Kasi may mga bagay na hindi Hindi talaga meant to be. Baka kasi may mas magandang darating o plano para dito.

Me: Pero diba sayang efforts, para lang mauwi sa wala?

Him: Baka kasi hindi naman talaga sa wala mauuwi?

Me: Tara na nga... Tumitila na din ang ulan. Asan pala si Tony? Nasa kanya kasi yung bag ko. Baka di ako makauwi.

Him: nandun ata sa shed, sumisilong, malamang malalagot ka na naman dun. Hala patay na...

Me:  hala, bakit?

Him: patay talaga tayo nito, may baon ka bang damit?

It started with a DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon