Bestfriend-Zoned [ONE SHOT]

185 13 20
                                    

Margaux's POV

"Hoy Bes! Tulaley ka diyan? Nagdri-dribble na ang iyong prince charming oh!"

Nasa gym kami ngayon at nanunuod ng practice ng isa naming bestfriend. Kasama ko yung bakla kong kaibigan na si Rosy, Ronald talaga totoong pangalan niyan kaso malandi itong beki na to at Rosy nalang daw itawag sakanya.

"Ang gwapo niya talaga Bes." Tulala akong nakatingin habang nag sho-shoot yung isa naming bestfriend slash kras ko. Alam ni Rosy na kras ko yung isa naming bestfriend.

Apat kaming mag be-bestfriend. Ako, si Rosy, Si Janine, tsaka yung kras ko na si David. Si Janine may klase pa kaya kasama ko tong baklang to sa pagpapantasya kay David.

"Grabe talaga Margaux, ang gwapo ng bestfriend natin."

"Walang sayo Rosy, akin lang si David!" Sabay pa kaming napatawa. Ganto talaga kami ni Rosy. Palabiro kasi kami kaya close na close talaga kami pati yung kaibigan kong si Janine.

"Oy Mag! Nasan si Janine? Bakit di niyo kasama?" Papalapit samin si David habang nagpupunas ng pawis niya. OMG lang talaga, why so gwapo your face. My panty is now hulog na, you know?

"A-ah, may klase pa."

"Tara kain muna tayo." He smiled. That killer smile! Kenekeleg akes.

"Ah Margaux, pupuntahan ko pa yung jowa ko, labasan na ata nila. Babush! Bye David!" Tapos umalis na siya. May kras din kasi yung beki na yun sa kablock namin. College na nga pala kami ngayon. Feeling higschool lang kasi ako ngayon, kasama ko pa naman si Davidbabes.

Humanap kami ng fastfood na makakaininan, pumunta nalang kami sa McDo. Bet ko kasi yung french fries nila dun.

"Mag, ano nga pala plano mo sa birthday mo? Next week na diba?" Sabay subo ng sundae niya. SHET lang! Ang sexy niya kumain ng ice cream!

"Ah, o-oo. Mag papa party nalang ako sa bahay, small party lang naman, tayo tayo lang mag babakarda." Sabay subo ko sa french fries habang nakatitig sakanya. Ang gwapo pakingshet.

"That's good. Para may bonding din tayo mag barkada. Isama mo si Janine ah?" Tapos kumain na siya. Napatulala nalang ako sa sinabi niya. Parang nasaktan ako. Okay, aaminin ko na, nagseselos ako okay?

"S-sige. Isasama ko s-siya. " Kumain nalang din ako. We ate in silence. Nakakainis kasi. Puro si Janine yung bukambibig. Di ko naman kailangan magalit kay Janine kasi best friend ko siya pero shet lang! Di ko maiwasang magselos.

Bumalik kami sa school para puntahan si Janine kasi tapos na yung class nila ngayon. Nakita namin siyang may kausap sa cellphone niya habang tumatawa.

"Ayun si Janine." Narinig kong bulong ni David nung nakita niya si Janine. Nauna na siyang maglakad papunta dun. Nakakainis! Iniwan ba naman ako?! May nahahalata na ako dito kay David eh. May gusto kaya siya kay Janine? No, hindi pwede.

"Hi Janine." Binati niya si Janine. Sumunod naman ako kay David sa likod niya. Binaba naman ni Janine yung cellphone niya. Ang sakit sa mata ng nakikita ko. Dalawang bestfriend ko na nag-uusap habang may malagkit na tingin si David sakanya. Ang sakit lang dre.

"Hi Bestfriend." Bati ni Janine kay David. Parang nasaktan naman si David sa narinig niya, halata kasi sa mata niya. Nandito naman kasi ako!

Nakita naman ako ni Janine. "Margaux!" Niyakap naman ako ni Janine, i hugged her back. Kahit na alam ko na may gusto si David sakanya, mahal ko parin tong isang to, loka-loka din kasi to. Di ko kayang magalit sakanya.

"Si Rosy?" Nagsimula na kaming maglakad papunta sa school gate para makauwi. Sununod naman si David sa likod namin.

"Ayun, nagbabaka sakaling pansinin ng love niya. Yung baklang yun! Ang landi, daig pa yung babae." Natawa kaming parehas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bestfriend-Zoned [ONE SHOT]Where stories live. Discover now