IV

47.4K 722 41
                                    

CHRISTINE POV


Naka tulog ako sa byahe sa sobrang pag iisip nagising ako na naka hinto na ang sasakyan sa lugar na hindi ko alam kung nasaan

Nakaharap ang sasakyan sa isang establishment na aabot sa limang palapag lamang

May kumatok sa Bintana ng sasakyan kaya agad ko naman binuksan at napagtanto na may hawak palang riffle ang lalaki na ang mukha ay nakakatakot

Parang anu mang oras ay pwde nya na akong saktan

"B-bkit p-po?" Nauutal kung sagot dahil kinakabahan ako

"Pwde kanang bumaba,kanina kapa namin inaantay na magising nandto na tayo sa university" malamig na sagot ng armadong lalaki sa akin

Agad naman ako tumalima at bumaba sa sasakyan

Tumambad sakin ang napakagandang garden na napapalibutan ang buong lugar ng puro namumukadkad na mga rosas na pula

Sa pinaka center ng garden ay makikita mo ang malaking fountain na naka structure sa imahe ng Goblin.

Maganda na sana ang lugar bakit goblin nman ang design ng fountain.
Sa loob loob kulang

"Kuya ito naba ang university na sinasabi mo?" Lakas loob kung tanong sa lalaking nag bukas ng pinto ng sasakyan kanina.

"Oo"tipid nyang sagot habang nka tingin lang sakin "sumunod ka sakin" dagdag pa nya

Pumasok kami sa building at nakita ko sa malaking name plate na naka sabit sa pinto ang katagang SSG OFFICE

Dumiritso kami sa 3nd floor ng building at kumanan at huminto kami sa pangalawang kwrto

Akmang kakatok ang lalaking armadong kasama ko ng biglang bumukas ang pinto

Nakasimangot na lumabas sa pinto ang isang babae na maganda
Oo talagang ang ganda nya

Mala porselanang kutis maalon along buhok na abot hanggang balikat at mga nsa 5'7 ang taas nya

Nilagpasan lang kami nito ni hindi man lng kami tinapunan ng tingin

Agad kaming pumasok sinara din kagad ng lalaki ang pinto

"Maupo ka muna" sabi ng lalaki sakin

May nakita akong naka set na isang magarang crystal table sa gitna at sa magkabilaan nitoy may mga sofa ang na parang ang mamahal kasi napaka eleganti nito tingnan

Mga 1hour na akong naka upo at ang lalaki Sa gawing kanan ko ay naka tayo parin Sa sulok Simula Pag dating ko

Di ba sya napapagod tumayo? Sa isip isip kulang

Sa totoo lang nayayamot na ako.

Mag sasalita sana ako ng biglang may nag "ding"

At biglang may lumabas na tao sa isang gilid ng dingding

Puchaaa di ako makapaniwala na may elevator pala ang building na ito bakit di ko napansin.

"Sumama kana sa kanya"

Sabi ng lalaki na kasama ko.

Pumasok ako sa elevator dahil sumenyas sakin ang bagong dating na lalaki.

Nakita ko pinindot nya ang last floor ang #5

Pagkadating sa 5th floor kumatok sya sa nag iisang pinto sa floor na yon at pumasok kami.

"Supremo" bungad ng kasama ko sa lalaking naka upo sa swivel chair na naka talikod "kasama kuna po si Ms.Christine Ruiz" dagdag pa nito.

Pag kasabi ng lalaki ay lumabas na sya at naiwan na nman ako sa bagong tao ngyn.

Sino kaya ang lalaking ito at supremo ang tawag sa kanya.
Sa pagkakaalam ko sumpremo ang ibig sabhin ay pinuno.
Sabi loob loob ko.

HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon