1st ALGORITHM

2 0 0
                                        

'' Ezekiel gising, Ezekiel gising, Ezekiel gising '' narinig ko na ginigising ako ng alarm clock na gawa ko mismo ang ringtone.

Unang araw ngayon ng pasukan, at 3rd Year College na ako ngayon sa kursong Nutrition and Dietetics. Ito ang pinili kong program kasi ito ang isa sa pinakamasayang Pre Med Program kung saan alam kong mag e enjoy ako.

Nakaayos naman ang mga gamit ko na, dahil iniayos ko yun kagabi bago ako matulog.

Pero hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko ang napanaginipan ko noong isang araw. Walang lumilipas na araw na hindi sumasagi sa isip ko ang eksaktong pangyayare ng panaginip kong yoon.

Ano ba yung ALGORITHM na yoon? Hindi ko pa kasi na e encounter ang ganoong salita.

*Nag search ako sa google
Ito ang lumabas..
"Algorithm"
a process or set of rules to be followed in calculations or other problem-solving operations, especially by a computer.

Sa totoo lamang ay lalo akong naguguluhan dahil wala akong alam sa computer at lalong lalo na sa pakikipaglaban ng kung ano. Ang tanging hangad ko lamang ay makapagtapos ng Medisina at mabili ang lahat ng gusto ko. Dahil pag naging Doktor ako, alam kong malaki ang kikitain kong pera at magiging maganda ang buhay ko sa hinaharap.

Pagkatapos kong mag almusal at mag ayos ng sarili ay sumakay na ako sa jeep papuntang eskwelahan.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa Gate 3 na ako ng school namin, as usual ay binabati ko ang mga Guards na nakabantay sa pagpasok at paglabas ng mga estudyante

"Sir, hindi ka pwedeng pumasok na wala ang I. D. mo" narinig kong sinabi ng Guard doon sa isang estudyante.

"Hindi po pwede? Nakalimutan ko po kasi dahil sa pagmamadali ko, sige na po kuya papasukin nyo na po ako, 1st day of school po ngayon. Hindi po ako pwedeng hindi maka attend doon" ang pagmamakaawa ng estudyante sa guard

Lumapit ako sa kanila at kinausap ko si kuya Aldrin, ang guard na kausap noong estudyante.

"Kuya Aldrin, baka naman pwede mo syang papasukin, kawawa naman po mukhang malayo ang bahay" ang sabi ko kay kuya Aldrin

"Naku Ezekiel, hindi pwede yoon. Kami naman ang mapapasama sa administration pag nalaman na nagpapasok kami ng mga hindi sumusunod sa batas ng school" ang sagot naman sa akin ni Kuya Aldrin

"Sige ganito na lang, kuya dala mo ba ang Registration Form mo?" ang tanong ko doon sa estudyante na wari ko ay kasing edadan ko lamang

"Ahh opo, dala ko. Ito ohh" sabay labas ng kaniyang Reg Form sa loob ng Bag na nakasingit sa isang notebook

"Sige utoy pagbibigyan kita ngayon, pero mahigpit kasi ang batas ng school na ito, kaya kailangang sumunod tayo parati. May I. D. ka nanaman diba?" ang sabi at tanong ni Kuya Aldrin sa estudyanteng iyon

"Opo meron po, kaso po ay sa malayo po talaga ako nakatira, at medyo nalate po ako ng gising. Pasensya na po kayo Kuya" ang paghingi ng paumanhin ng estudyante kay kuya Aldrin

"Sige utoy pasok ka na" ang sabi naman ni Kuya Aldrin

At tuluyan namang pumasok ang estudyante sa loob ng school namin. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat.

"Salamat po ng marami sa pagtulong ninyo, ako nga po pala si Malachi Montenegro " ang pagpapakilala niya at sabay abot ng kamay

"Ako si Ezekiel Beltran, nice meeting you" ang sagot ko naman sa kaniya at nakipag shake hands din. Biglang may kung anong nangyare sa loob ng katawan ko, para akong nadagdagan ng energy. May dumadaloy na kakaibang enerhiya sa katawan ko at pakiramdam ko ay para akong na rerecharge.

Sa tuwing pumapasok kasi ako ay hindi naman ako ganoon ka energetic, kasi hindi naman healthy at complete food ang kinakain ko sa agahan. Kumakain lang ako ng skyflakes na dinurog durog at inilalagay ko sa Milo pero hindi ko rin naman nauubos dahil mabilis ako mabusog, kaya siguro mahina ang katawan ko. Pero dahil sa pag shake hands nya na iyon ay naramdan ko na maraming glucose ang na produce na liver ko kaya siguro nagka energy ako ng ganoon.

Pagkatapos nang pakikipagkamay ni Malachi ay nagtanong siya sa akin kung saan ba ang Department of Medicine and Allied Health Sciences.

Nagkataon naman na parehas kami ng department

Sinabi ko na lang sa kaniya na sumunod sa akin dahil parehas lang kami ng Department. Sinubukan kong hiramin ang kaniyang Reg form upang makita kung ano ang Programs at subjects niya.

"Pwede bang hiramin ko yung Reg Form mo?" tanong ko sa kanya

"Ahh sige. Oh ito" pagkakuha niya ng Reg Form mula sa notebook ay biglang pumatak ang school I. D. niya sa kanyang bag

"Hala, yan pala ang ID mo oh. Sabi mo nakalimutan mo" ang buong pagtataka kong tanong, batid ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat at para siyang nalilito at hindi alam ang sasabihin o gagawin.

"Ahh, ehh, nandito pala to, kala ko kasi nakalimutan ko" ang pagsagot nya sa tanong ko na medyo nangangatal pa.

Pero di ko na lamang pinansin at nginitian ko na lamang siya.

"Sa susunod kasi tignan mo muna sa bag mo" at bigla akong napabulalas ng tawa. Mukha kasi siyang batang di alam ang gagawin kaya pinulot ki na ang ID niya at ibinigay sa kaniya

"Oh ang ID mo, baka makalimutan mo nanaman" ngumiti naman sya at kinuha ang kaniyang ID mula sa akin.

"BS Nutrition and Dietetics ka din?" ang bigla kong nasabe ng makita ko ang kaniyang Reg Form. At nakalagay na Regular Student siya. Pero hindi ko pa siya nakikita sa school namin simula noong nag 1st year ako.

"Ahh oo, galing ako ng ibang school at nagkataon namang parehas lang ang lahat ng description ng Program natin kaya siguro ako naging Regular Student" sabay ngiti ulit niya sa akin.

Naging magaan ang loob ko sa kaniya, 1st time kong magkakaroon ng kaklaseng lalaki din. Puro babae kasi ang mga kaklase ko.

"Nandito na pala tayo sa Building natin, tara na sa Room natin" at inakbayan ko na sya sa likod na parang magkaibigan lang kami na matagal na at sabay na pumasok ng room.

*Sliding door

Pagkabukas ng pinto ay biglang nagtinginan ang mga kaklase kong babae sa akin na parang nagitla, at muli nilang binaling ang mga matang naglalakihan sa isang side ng silid namin, mayroong tatlong lalaki pa bukod sa aming dalawa ni Malachi. At maski ako ay nagitla din sa nakita ko.

Paanong nagkaroon kami ng mga panibagong kaklase na transferees na puro lalaki pa. Alam naman naming mahigpit ang school namin tungkol sa ganito. Sapagkat bawat semester ay may nalalagas at nalalagas sa amin at mula sa 90 na population namin ay 24 na lamang kaming natitira at ako na lamang ang nag iisang lalaki sa batch namin. Kumuha din kaya sila ng Battery Exam at nakapasa bilang 3rd year sa aming Batch? Mag do doktor din kaya sila na kagaya ko?

Napakadami kong tanong sa isip na gustong malaman pero wala akong maisip na sagot.

Sino sila?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jun 21, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Algorithm Donde viven las historias. Descúbrelo ahora