Prologue

5 0 0
                                        

Algorithm

Habang naglakakad sa gitna ng kakahuyan ay nakita ko ang isang lalaking nakapiring ang mga mata, nakasuot ng mahabang itim na damit na karaniwang sinusuot ng mga mandirigmang samurai. Na sinusundan pa ng isang lalaking ganoon din ng kasuotan.

Dahan dahan itong naglalakad sa kanyang likuran at wari ko ay hindi ito napapansin ng nakaitim na lalaki.

Itinaas ng sumusunod na lalaki ang kanyang mga kamay sa hangin at lumabas ang kulay lilang bilog na bagay sa ere at biglang lumabas sa gitna nito ang dalawang palasong nababalot ng lilang kulay, wari ko ito ay lason at pinuntirya ang lalaking nakaitim. Nagitla na lamang ang lalaking naglabas ng mahika na parang walang nangyare sa kanyang ginawa.

Pagkalipas ng ilang minuto ay biglang tumusok sa kaniyang unahan ang mga palasong kanya ring pinakawalan kanina at bigla siyang tumumba.

'' Akala mo ba ay mabilis mo akong mapapatay sa pamamagitan lamang niyan? '' at biglang tumawa ng malakas ang lalaking nakaitim habang naglalakad papalayo.

Sa totoo lamang ay natatakot ako na baka makita rin ako ng lalaking ito. Hindi ko alam ang maari niyang gawin sa akin. Kaya sinubukan kong lumayo sa lugar na kinaroroonan ng nakaitim na lalaki at ng lalaking kaniyang pinatay.

Ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isa pang lalaki na nakasuot ng makabagong damit na nakikita mo lamang sa mga palabas sa anime at sa cosplay. At mula sa mga mata nito ay lumabas nanaman ang isa pang uri ng bilog na bagay na kulay dilaw na halos kagaya rin ng sa mahikang bilog na inilabas ng namatay na lalaki. Ito ay parang lumikha ng ilusyon ng isang malaking dilaw na telescope na gawa rin sa pinagdugtong dugtong na bilog na mahikang iyon. Pinagmamasdan niya ang nakaitim na lalaki na naglalakad ng papalayo. Ngunit tumigil ang mundo ko ng makita kong ang kaniyang kapangyarihan na inilabas sa ere ay nasa likod na niya mismo at biglang lumabas sa kanyang likod ang lalaking nakaitim na kanina ay papalayong naglalakad.

'' Bakit kaya hindi ka gumamit ng computer para masuri ako'' sabi ng lalaking itim na ikinagitla din ng lalaking nagmamasid sa kaniya kanina.

Tumalon ang lalaki papunta sa kanyang unahan at umikot sa ere sabay sabing

''Ahh, wala naman pinagmamasdan ko lamang itong mga mansanas na malalaki, baka gusto mo?' ' at bigla nitong pinutol ang mansanas sa puno gamit ang kutsilyong hawak nito at nagbagsakan ang mga ito sa harapan ng nakaitim na lalaki

Biglang tumingin sa akin ang lalaking may dilaw na salamangka at sinabing '' ikaw na ang bahala dito, nagawa ko na ang parte ko''

Sa sobrang takot ko ay di ko alam ang gagawin dahil bigla ko na lang nakita ang sarili kong nakapwesto sa lugar kung nasan silang dalawa ay napakalapit.

At bigla na lamang akong nagitla ng may lumabas na malalaking Genie na hawak ang mga mansanas na nagbagsakan sa harapan ng nakaitim na lalaki.

Algorithm...

Yan ang huli kong narinig at bigla na lamang akong nagising.
Panaginip lang pala.

Algorithm Where stories live. Discover now