Nag order ng pagkain yung dalawa tapos habang naghihintay kami nagkamustahan lang

"Boyfriend mo?" Biglang tanong ni KC tapos si Bench nasamid

"Makapag react Aragon" sabi ni EJ tapos mag naramdaman ako sa ilalam ng mesa na sipa

"Nope bestfriend ko siya since bata" sabi ni EJ tapos sinubo niya yung steak, yung steak na sobrang laki good for 4 na, binigyan niya kami

"Lalaki pa sakin yan eh" sabi naman ni Bench at napa-iling pa habang naka ngiti

So may pag-asa pa si kuya OJ? Naisip ko at napangiti ako

"Anong ngini ngiti ngiti mo dyan" sabi ni EJ nung napansin niya ko

"Wala lang" sabi ko

"So paano mo nakilala si CJ?" Tanong ulit ni KC

"Sa school niya sa Pampanga actually I'm looking for a school kasi" sabi ni EJ

"Pampanga ka mag-aaral?!" Nabigla naman si Bench mukhang hindi niya alam

"Its not final yet" sabi naman ni EJ

"Tapos?" Tanong ni KC

"Narinig ko kasing kumanta si Carlyn non and since then I've been a fan" sabi niya tapos tinignan niya ako at kinindatan halatang ayaw niya sabihin nagkakilala kami dahil kay kuya OJ

"Wait aren't you the same girl na kumanta ng lips of an angel yung ball namin?" Biglang sabi ni KC

"What?!!!" Nabigla kaming lahat sa reksyon ni Bench

"Kumanta ka?!!!" Nanlalaking mata pa niya

"She's not my friend" sabi bigla ni Bench hahaha halatang kilang kilala niya ang best friend niya

Tapos nag tawanan kami except EJ nag roll lang siya ng eyes na napaka sexy! May naalala akong mahilig mag roll ng eyes at sexy!!!

"Pero aminin niyo bumilib kayo dami niyo kayang pumalakpak" sabi niya

"Parang si OJ lang ang naalala kong pumalakpak?" Sabi naman ni KC

"Well at least may pumalakpak" sabi niya with a proud smile alam ko yung ngiti niyang yon hahaha

"Anyways it really nice meeting you two but we have to go" sabi ni EJ tapos na kaming kumain actually nag kkwentuhan nalang kami marami nadin kaming napag kwentuhan at hindi naman namalayan na quarter to 4 na.

"Ay hindi kayo naka check-in?" Tanong ni KC

"Nah wala kaming pambayad" sabi ni EJ na natatawa

"Dito kayo naka check-in?" tanong niya

"Yeah" sabi naman ni KC tapos may lumapit at inabot yung bill hindi man lang ako nagka chance tignan magkano yung kinain naman dahil si Bench yung nag bayad binigay lang niya yung credit card niya.

"Ay mayaman" biro naman ni EJ samin

"Magkano ba ang room dito?" Tanong ko out of curiosity

"Hmmm" sabi ni EJ mukhang nag-isip pa siya

"Pinaka mura na yung 20k" sabi ni KC

"What!!!!!" Sabi ko tapos tinignan ako ni Bench at tumawa siya

"Di mo alam?" Tanong niya sakin

"Ang alin?" Tanong ko din

"You're in the most expensive hotel here in the Country and one of the most expensive outside the country" sabi niya

"Ano bang meron dito?" Sabi ko

"Service, experience and wait until you see the view" sabi niya sabay kindat, jusko kung yung view ko si Bench eh talagang mapapabayad ka ng mahal di joke lang hahahahaha

Bumalik na yung babae at binalik na yung credit card tapos nag abot ng isang libo si Bench ano yon Tip?! 1000 na tip grabe 😳

"Anyways we have to go kwentuhan niyo nalang kami ng experience niyo when we meet again" sabi ni Bench tapos tumayo at tumayo nadin si EJ jusko para silang couple!!!!

"Bye" sabi ni EJ tapos bineso niya ako at si KC

"Ladies" sabi naman ni Bench tapos bineso din kami huyyyy ano ba walang ganyanan😍😭😭

Nung nakaalis na sila tinginan kaming dalawa ni Kc

"Ang gwapo" sabay namin sabi ni KC

"Totoo bang friend lang niya yon?!" Tanong ni Kc

"Sabi nila eh" sabi ko kasi ang alam ko may gusto si EJ kay kuya OJ hahaha

"Ang yaman pa!" Dagdag pa ni KC

"Excuse me can we have a copy receipt" sabi ni kasi sa waitress

"Aanhin mo resibo?" Tanong ko kay Kc kasi binayaran na bakit kailangan pa ng resibo?

"Hindi kaba curious magkano kinain natin?" Sabi niya sakin

"Oo nga no wala naman price kasi yung mga pagkain nila dito?" Tanong ko

"Kaya nga may resibo" sabi niya ng nakatawa pagbalik ng babae may hawak na siyang resibo tapos nung tinignan ni Kc yung Bill medyo lumaki yung mata niya tapos inabot sakin

"F*ck" napa mura ako ng makita ko yung bill

"Ano tong 13000 nato?" Sabi ko ang tinuturo ko is yung isang item lang na worth 13000

"Yung wine" sabi niya tapos tinignan ko yung wine na hindi man lang namin naubos sa halaga niya ito halos kulang sa 40 000 yung kinain namin at hindi ko maipaliwanag bakit ganito ang bill namin may ginto ba sa kinain namin? Kaya pala walang price mga magkain dahil baka pag nalaman mo hindi kana umorder!

"Pangatlong baso mo nayan" sabi ni Kc kasi sayang naman yung 13000 kung hindi ko to uubusin no

"Sayang!" Sabi ko tapos binigyan ko din yung baso niya at nagtawanan kami

5:30 na kami nakapanik ng room namin at totoo nga na view ang binabayaran sa hotel na ito at ang experience pang world class. Kahit na hindi pako naka labas outside the country lol

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now