"Were here to party" sabi ni Kc
Tapos unang dumating yung wine at nag binigyan kami ni KC, tapos may ibang inabot kay EJ
"Try it, its good" sabi ni EJ tapos ininom niya yung parang sprite na nasa baso niya
"Why is your drink different from us?" Tanong ni KC
"I refrain from alcohol as much as possible, madali kasi akong malasing" sabi niya
"Plus the wine will go well with the food here"dagdag niya
"Madalas kaba dito?" Tanong ko
"Hindi naman madalas, actually yung friend ko favorite niya dito kaya ayon nasama lang ako plus dahil regular yon dito may discount ako kaya malakas loob ko" sabi ni EJ na tumatawa pa
"Sinong friend?" Tanong ni KC
"You'll meet him in a short while may kinuha lang sa sasakyan" sabi ni EJ
Tapos dumating na yung pagkain unang sinerve yung hindi ko maalala ano sa hirap bigkasin basta mukhang salad lang tapos meron soup na hindi ko matanggi ang bango, nakakagutom.
"Buon appetito" sabi ni EJ
"Hindi ka kakain?" Tanong ko dahil hindi niya ginagalaw ang pagkain
"Nope naki upo lang ako habang hinihintay ko yung kasama ko" sabi niya tapos uminom ulit siya
Tinikman ko din yung wine na inorder niya at masarap naman siya gaya ng sabi niya pero hinay hinay lang ako sa pag inom mahirap na
Tapos may nag ring na phone yung kay EJ
"I'm inside" sabi niya sa phone pero mahina lang at medyo nag side siya
"In the far left end dumbass" sabi niya tapos binaba niya
"I'm sorry andito na siya" sabi ni EJ tapos may dumating na lalaki naka white polo at Jeans jusko parang hinugot mula sa magazine! Hindi ako magaatubiling sabihin na mas gwapo ito kay kuya Neil!
"Hey" sabi niya tapos tinaggal niya yung salamin niya
Jusko uwian na may nanalo na brown eyes siya mga besh BROWN eyes! Tapos yung pilik mata ang haba!!!! Yung kilay ano ba!!! Mowdel ba ang nasa harap ko?
Maging si KC nashookt sa lalaking nasa harap ko dahil yung sinusubo niyang salad hanggang ngayon naka subo at hindi pa nakasara ang bibig
"Everyone meet Bench" sabi ni EJ
"Bench this is Carlyn and Kc" sabi pa ni EJ
"Hi ladies" sabi niya tapos ngumiti, huyyy ayoko na ang gwapo grabe 😭
"Sige na enjoy the rest of the meal nakakahiya naman sa inyo at naabala ko pa kayo" sabi ni EJ tapos tumayo na siya
"Nope its okay, if you want you can join us para makapagkwentuhan pa kayo ni Carlyn if you want" sabi ni KC na bigla ako
"Really?" Sabi ni EJ na kinatuwa naman niya
"Oo nga" yon nalang nasabi ko
Lilipat sana ako sa tabi ni KC para mag katabi kami at para mag tabi si EJ at Bench
"Stay there, Bench will be fine. Right Aragon ?" Sabi ni EJ tapos may dumating na upuan ulit bali isang table kasi, isang malaking table lang na tig isang upuan bawat side, sa harap ko si KC sa left side ko si Bench at sa right naman ay si EJ.
Nung umupo na si Bench jusko ang bango din niya alam niyo dalawa mong katabi ang bango pero hindi over powering at for some reason complementing yung amoy nila
YOU ARE READING
Diary ng Panget
Teen Fictiondear diary yung feeling na college nako pero wala padin ako mga kaibigan ? Dahil itchura ko ?mukha kasi akong nerd eh T.T hellllllpppppppppppppppp...
Chapter 71
Start from the beginning
