UNANG KABANATA

5.1K 77 65
                                    

              Tumama ang kulay abo na espada sa aking balikat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumama ang kulay abo na espada sa aking balikat. Bahagya niyon nabawasan ang maliit na linya sa itaas at kaliwang sulok ng aking paningin. Kasunod niyon, naramdaman ko ang animo malamig na kamay na tumagos sa aking dibdib.


HP Bar ang tawag sa asul na linya. Ito ang kumakatawan sa aking Life Force. Humigit kumulang 80 porsiyento pa ang natitira doon. O, mas tamang sabihin na 20 porsiyento na ang lapit ko kay kamatayan? 


Tumalon ako paatras bago pa man muling umatake ang kalaban.


Huminga ako ng malalim para makalma ang sarili. Bagaman hindi kailangan ng aking katawan ng hangin sa mundong ito; ang katawan na kasalukuyang nakahiga sa totoong mundo ay maaaring humihinga ng malalim. Baka nga naliligo na sa pawis ang nanghihina kong mga kamay. At baka wala na rin sa barometro ang tibok ng puso ko.


Kahit pa na isa lamang 3D virtual reality ang lahat ng aking nakikita sa ngayon, at isa lamang simpleng numero na nagpapakita ng aking mga Hit Points ang linya na nasa itaas, hindi pa rin magbabago ang katotohanang lumalaban ako para sa aking buhay.


Kapag iniisip mo ang ganoong mga bagay, masasabi mong hindi patas ang labang ito. Dahil hindi isang tao at ni hindi nabubuhay ang kalaban na nasa harap ko. Isa siyang humanoid na may makintab at makaliskis na braso, at may ulo at buntot ng isang bayawak. Isa itong karakter na likha ng system na kahit na paulit-ulit mong patayin, paulit-ulit lang din na papalitan.


Artificial Intelligence o AI ang nagpapagalaw sa taong bayawak. Pinagaaralan nito ang aking mga kilos para mapabuti nito ang abilidad at makasabay sa aking mga atake sa bawat segundong lumilipas. Bagaman nagiipon ito ng data sa aming laban, hindi naman nito iyon maipapasa sa mga unit na mabubuo sa lugar.


In a sense, para na ring may buhay ang taong bayawak-- isang nilalang na kakaiba sa mundong ito.


"...Tama?" 


Bagaman walang paraan para maintindihan niya ang mga pinagsasabi ko sa aking sarili, pumaswit at ngumisi ang taong bayawak-- na isang level 82 monster na tinatawag na Lizard Lord-- daan para lumabas ang matatalim na pangil na tumubo sa mahaba nitong panga.


Ito ang reyalidad. Totoo ang lahat ng bagay sa mundong ito. Walang tinatawag na Virtual Reality , panlilinlang o anupaman.

Sword Art Online: Aincrad [Filipino]Where stories live. Discover now