Chapter 48

2.5K 51 0
                                    

Chapter 48

Daniel's PoV

"Ano Belle, handa na lahat? Okey na Rhai?"tanong ko sa kanila habang inaayos ko ang sarili ko

"Yes na yes sir."sagot nila sa akin

"Eh yung venue? Dapat wala syang mahalata ha."

"Don't worry sir, go with the flow na lang po, kami pong bahala."

"Sige, so pwede na akong umalis? Ah by the way, kayo ng bahala sa mga magulang namin ha. Yung lightings pala Belle nakausap mo ba ang government?"

"Oo naman sir, all clear na po, peanuts sir!"sagot ni Belle

Napafrown ako, di ko kasi magets kung inaalok ba nya akong peanuts.

"Mani sir, so easy!"sabi nyang parang nabasa ang nasa utak ko

"Tsk! Puro ka kalokohan!"sabi ko at tumalikod na ako.

Pagkatapos kung ayusin ang sarili ko ay tumawag na ako sa baba ko. Sinabi kong susunduin ko na sya.

Natuwa ako dahil sa inasal nya, halos magsisigaw kasi sya nung sabihin nyang bihis na sya and excited sa dinner date namin. Yun palang tuwang tuwa na sya, how much more mamaya.

But wait, relax mode muna tayo baka mahalata nya ako eh.

Pagdating ko sa bahay nya ay agad din naman sya lumabas.

"Baba!"bati nya sa akin saka yumakap ng mahigpit

Speechless ako, angganda naman nya kasi. Tinitigan ko sya, sa isip ko, mamaya lang aking akin ka na talaga.

Humalik ako sa pisngi nya and whispered her some encouraging words.

"You look so stunning!"puri ko sa kanya

Ngumiti sya, "Ikaw talaga baba!"sabi nya

Syempre pa inalalayan ko syang sumakay sa passenger's seat, isang limo kasi ang inupahan kong sasakyan namin. Syempre may driver kami.

Dinala ko sya sa isang classy restaurant sa Somerset. At gaya kanina ay inalalayan ko syang pumasok sa resto.

Nakareserve na ang table namin kaya iginiya na lang kami ng waiter dun sa reserved table namin.

"Baba, anong meron? Bat parang sobra sobra naman yata to?"she asked

"Syempre baba, sobra sobra din kitang mahal kaya itotodo ko na, sabi ko nga babawi ako di ba?"sagot ko

Maya maya ay dinala na sa amin ang mga pagkaing inorder ko, i mean pinaorder ko na kay Belle, dahil sila din ang nagset nito.

Hindi ko maiwasang di tingnan sya, napakaperfect nya talaga in her own way. Sya yung tipo ng babae na hindi pinakakawalan, she's like something na tinitreasure. Yung kahit ano ay di kayang tumbasan, she's priceless.

And i'm ready to treasure her forever.

"Baba, tahimik ka jan?"untag nya sa pananahimik ko

I cleared my throat. "Ha? Um, wala baba, nag eenjoy lang akong panoorin ka"sagot ko

"Kain ka na rin."sabi nyang nakapout

Angcute cute nya lang talaga pag ginagawa nya yun.

"Okey baba."sagot ko na lang at kumain na rin ako

Mga isang oras din kaming nagstay sa restaurant. Nagkwentuhan.

Ikwenento nya kung bakit sya nandito at sobrang asar na asar sya. Pero mabuti na lang daw at nandito na ako. Sa loob ko, natatawa ako dahil hanggang ngayon pala ay wala syang ideya na ako ang may pakana ng lahat. Na buong akala nya ay kaya ako nandito ay dahil sinundan ko sya.

Mr. Perfect meets Ms. Perfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon