Chapter 37

2.1K 34 0
                                    

Chapter 37

Julia's PoV

Tinanghali na kaming magising the next day kasi napuyat na naman kami. Kawawa naman ang baby ko, nadadamay sa pagpupuyat ko.

Pagkagising ko ay dumeresto na ako sa kitchen para makapagbreakfast. Naabutan ko na sina Quen, Joseph at Daniel na nagkakape. Tingin ko ay seryosong usapan na naman sila. At alam kong kay Deej na naman ito.

Hi babe, hi guys!bati ko sa kanila.

Morning babe!bati din napakagwapo kong asawa

Tulog pa si Miles?baling kong tanong kay Joseph.

Oo eh. Pero pagising na rin yun.sagot naman nya

Si Deej naman ay tahimik pa rin, may pinagdadaanan eh. Kawawa naman ang kaibigan naming to. Kung may magagawa lang sana kami eh. Hindi naman namin pwedeng pangunahan si Kathryn, pinagdaanan nya rin yun kay Dj, kaya sana naman maintindihan ni Deej kung bakit nangyari ang lahat ng ito.

Maya maya ay pumasok naman si Miles, masigla pa syang bumati sa amin.

Hi guys! Hi sweetie!bati nya sa amin at masuyong lumapit kay Joseph saka humalik sa labi neto.

Ganda ng gising natin sis ah!biro ko

Syempre naman!sagot naman nya

Napatingin sya kay Dj, saka inginuso. Tinapik tapik pa nya yung puso nya. Loko lang talaga.

Pagkaupo nya ay kumuha agad sya ng loaf bread at naglagay ng palaman sa bread. Bago pa maisubo yung tinapay ay mabilis syang tumayo saka lumapit sa sink, sumunod naman si Joseph sa kanya. Nakita kong hinihimas ni Joseph ang likod ni Miles.

Hindi kaya?

Tutop ni Miles ang bibig nya nung bumalik sila sa amin.

Anong nangyari sis.i asked

Di ko alam eh bigla na lang akong nasusuka. Kahapon pa to eh. Siguro may nakain lang akong hindi maganda sa tyan ko.sagot nya

Baka naman buntis ka.singit ni Quen

Ha? Buntis? Magiging daddy na ako? Woooooowwwww! Daddy na ako!sigaw ni Joseph saka binuhat si Miles

Nakakatuwa lang silang panoorin.

Sweetie, awat na, ibaba mo nga ako. Ano ba. Wala pa, okey, hindi pa ako nakapagpacheck up.sabi naman ni Miles.

Hindi ibinaba ni Joseph si Miles bagkus kinarga pa nya ito saka kinausap mata sa mata.

Alam ko, pakiramdam ko buntis ka. Don't worry sweetie pananagutan kita. Sa lalong madaling panahon iaayos na natin ang wedding natin.he sincerely said to Miles

Eh sweetie naman. Ibaba mo nga muna ako.-Miles

Ayaw.sabi nya at umiling iling pa.

Humalik sya sa labi ni Miles, i will love you forever sweetie, kayo ng anak ko,sabi nya

Aww...andito pa po kami oh. Pwede wag masyadong sweet.sabi ko naman at nagtawanan kami except for Dj.

Guys una na ako.sabi ni Daniel

Pipigilan pa sana sya ni Quen pero inawat ko na lang at binulunhan kong kailangan yun ni Daniel.

Sige tol. Ingat. Tawag ka lang ah pag may kelangan.sabi ni Joseph

Ge. Salamat.sagot naman ni Daniel at umalis na.

Ibinaba naman ni Joseph si Miles. Saka umupo sila. Nag usap usap kaming lalabas ngayon pero bago pa kami magmall ay dadalhin muna namin si Miles sa OB.

Mr. Perfect meets Ms. Perfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon