Nagising ako na yakap yakap ko ang picture naming dalawa.

Natulog ba ako? Parang hindi. Kasi sobrang nanghihina ako. Parang may sakit, pero wala naman. Ganito pala epekto. Haay. Nakakalungkot isipin.

Ang tanga ko! Ng dahil sa galit ko na walang katuturan nawala ang aking pinakamamahal.

Training pala namin ngayon, at kasabay pa namin sila.

Sana lang pansinin niya ako, alam kong sobra ko siyang nasaktan. Alam kong galit siya sa akin ngayon.

Haay bahala na! Pumunta na akong banyo para maligo.

Andito na ako ngayon sa kusina kumakain,kasama ko ang aking mga teammates.

Ella: Besh? Okay ka lang? Bakit namamaga mata mo?

Den: Okay lang besh, di lang ako nakatulog.

Tapos na kaming kumain at naglalakad na.

Sinadya ko magpahuling maglakad para hindi nila mahalata na nawawala ako sa sarili ko.

Ella: Besh, kilala kita. Alam kong hindi ka okay. Anong problema?

Den: Besh, (napayakap) wala na kami. (Umiiyak)

Napayakap ako at eto na naman umiiyak na naman. Pero agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Ella: Huh? Panong nangyari yun?

Den: Kasalanan ko Besh. :(

Ella: Pano? Bakit?

Den: May sinabi kasi si Bang sakin, siniraan si Alyssa. Ako naman si tanga, naniwala. Ang sakit ng mga nasabi ko sakanya besh.

Den: Natulak ko siya besh, nasampal. At nakipaghiwalay ako.

Ella: Hala ka! Besh grabe naman yung ginawa mo. Ginawa mo lahat yan ng di pa siya nag eexplain?

Den: oo besh. Tapos sinabi mismo ni Alyssa na noon daw nangyari lahat ng sinabi ni Bang, nung hindi pa kami magkilala.

At hindi ko na napigilan tuluyan na naman akong umiyak.

Ella: Besh, sa totoo lang grabe yung ginawa mo. Kung ako man si Alyssa, masasaktan at magagalit dun.

Den: Besh alam ko, ang tanga ko. :( huli na. Wala na siya sakin :(

Ella: Besh, ssshhh. Tahan na. (Sabay yakap) hindi pa huli besh, kausapin mo siya. Alam kong mahal na mahal ka ni Aly, at mapapatawad ka nun. Yun pa.

Den: Sana nga besh. Sana nga. Mahal na mahal ko din siya.

Ella: Alam ko yun besh. Maayos din yan. Ayusin mo na sarili mo, baka sabihin pa nila pinaiyak kita. Haha

Den. Haha sira. Thank you besh ha.

Inayos ko na ang sarili ko, andito na kami sa BEG.

Nakita ako ni Aly, lalapit sana ako pero natakot ako sa kung anong pwedeng sabihin niya sakin.

Walang expression ang kanyang mukha. Alam kong galit siya sakin. Ramdam ko, ni hindi man lang ako pinansin. (Asa ka naman papansin ka)

Tuluyan na siyang dumiretso sa side nila para makapag training siya.

Heto ako nasa bleachers lang, di mapakali.

Hindi ko maiwasan hindi tumingin sakanya. Seryong seryoso ang mukha niya. Ngayon ko lang nakita na ganito siya katahimik at kaseryoso.

Hindi ako makapag isip. Hindi makapag concentrate. Haay! (Kaya mo to dennise, kaya mo to.) sa isip lang yan.

We still (AlyDenWhere stories live. Discover now