Chapter 1 - Kaizer

34 0 0
                                    

Hi, I am Jhon, I am 15 years old, an incoming Grade 11 student this coming June. Payatot ako, siguro sa lahi na rin namin, matangos ang ilong (slight), maputi, at matalino (hahaah). Sabi nila, young edad ko is different from my looks kasi I'm still young daw kung tignan. I am only son pala. My mom work as a public elementary teacher while my father work as a supervisor in a textile company here in Cebu. Kaya nga minsan, napapaisip ako kung bakit mag-isa lang ako. Pero according to my mom, she's the type of person na nahihirapan magbuntis kaya naging solo lang nila ako na anak. Though minsan, I wanted to have a sibling kaso di pwede. Kaya parati akong tumatambay sa bahay nila tita Elena, kapatid ng mom ko. Kasi doon, may kalaro ako, ang pinsan kong si Michael at Elly. Teens na din sila katulad ko.

Mahilig pala ako makinig ng music kahit na hindi ganun kagandahan boses ko. I locked up myself inside my room kasi I consider it as my haven. Dito ko nagagawa lahat ng mga kabaliwan ko. I tried vlogging pero sa sobrang shy ko, di ko talaga pinagpatuloy kasi baka ma-bully lang ako ng kapitbahay kong si Kaizer.

Oo si Kazier, ang kapitbahay kung mahilig mam-bully. Bat ko nasabing ma-bully sya kasi ang dami ng instances na tinutukso niya akong bakla though noon di ko pa alam kung anong ibig sabihin nun. Mas matanda kasi sya sa akin ng 2 years kaya siguro puro kantyaw at pagpapansin lang ang ginagawa niya sa akin. Pero ako naman, heto, love na love ko naman na ma-bully. Siguro, na immune na ako sa kakabully nya. Ewan ko ba, dati di ko naman gusto si Kaizer. Kasi dati, sya 'yong tipong palaging umaagos ang sipon sa ilong, at tsaka di marunong maligo. Pero kahit ganun 'yon, matangos ang ilong, maputi, at nakakabighani ang mata, parang nangugusap. Di ko nga kayang makipagtitigan dun kaya pag nagkikita kami, parati akong nakayuko.

Pero, umalis si Kaizer pumunta sya ng Maynila para makipagsapalaran. It's been two years since he left Cebu and I missed him. Hahahah Mag Grade-11 na sana sya kaso di natuloy dulot ng nagkaproblema sila financially at kinakailangan nyang magtrabaho dahil namatayan sya ng ama. By the way baka magtaka kayo ha, yes, you heard me, bakla ako. This is no secret to my mom, pero sa dad ko, di pa nya alam. I remember pa nga noong nalaman kong nagkakagusto ako sa mga lalaki di ko talaga matanggap kasi nga naman lalaki ako at ba't ako magkakagusto sa lalaki din. Natatandaan ko pa nga noong sinabihan ko mama ko noon tungkol sa akin,

Ako: Ma, may sasabihin po ako sa'yo... importante lang po.

Mama: Mamaya na anak, may ginagawa pa ako eh.

(habang tinitignan ang mga folders nya)

Ako: ma, pwedeng ngayon na.

(nagstop sya sa kanyang ginagawa)

Mama: ano bayan at di pwedeng ipagsabukas yan?

Ako: Maa-aa, (pautal-utal ang boses sa sobrang takot nab aka mapagalitan). Ok lang po ba na magkagusto ako?

Mama: Oo naman...

Ako: sa lalaki po!?

(tumingin si mama sa akin at parang na gulat sa sinabi ko)

Mama: Anak, bat mo naman natanong yan?

Ako: Eh kasi po ma, pag nakikita ko po yong crush kong lalaki, bumibilis po tibok ng puso ko, eh di ko naman alam kung bakit ganun at di ko po sya nararamdaman sa mga babae.

Mama: anak, baka paghanga lang ang nakikita mo sa katulad mong lalaki, baka ma-iba pa yan pag tumanda ka na ng bahagya....

Ako: pero ma...

Mama: basta anak, huwag mo munang isipin yan. Mas mabuti pang matulog ka na at gabi na rin. O sya, sige na at pumasok ka na sa kwarto mo.

Di na nadugtungan ang tanong ko tungkol sa kasarian ko kay mama. At tsaka awkward na rin para ipagpatuloy ko pa ang pagtatanong sa kanya.

Sa totoo lang, si Kaizer ang tinutukoy ko kay mama na crush ko. Di ko rin naman maamin ni mama kung sino yon baka pagbawalan na akong makipagkita sa kanya.

Dumating na nga ang araw ng pasukan at...

(bleep bleep bleep)

Mama: Jhon, gumising ka na, malalate ka na sa skol mo. First day pa naman ngayon. Maligo ka na at sabay na tayong kumain ngayon.

Jhon: Opo ma, maliligo na po.

(sa hapag kainan)

Jhon: Si daddy po?

Mama: Ah, ang daddy mo, ayon umalis nang maaga, may problem daw sa office kaya pinabaunan ko na lang ng pagkain.

Jhon: Ganun po ba.

Mama: Sige na, tapusin mo na yang pagkain mo at malalate na tayo. Ihahatid pa kita sa skol mo.

Sa totoo lang, di ako excited na pumasok sa skol sa araw na 'yon kasi nga, naputol yong panaginip ko. Lintik na alarm clock na 'yon. Kung di sya nag-alarm, malamang sinagot ko na si Kaizer, hahaha kahit man lang sa panaginip ko lang.

Elly: Hoy, insan Jhon, bat ganyan mukha mo. Agang-aga at parang napagkaitan ka ng mundo?

Jhon: Ha, di ah! Sad lang kasi gising ko kasi di ko nakita daddy ko ngayong araw na to.

Elly: Ows, daddy talaga?

Michael: Oo nga, daddy talaga?

(patuksong nagtatanong)

Jhon: Tumigil nga kayo. Oo naman, si daddy, eh sino pa ba?

Michael: Akala ko si Kaizer...

(habang nakatingin sa akin ng may panunukso)

Jhon: Oy, umaayos ka nga at baka marinig ka...

Elly: Marinig ka dyan, wala na nga si Kaizer eh, iniwan ka na... hahahha (pabirong tumatawa)

Michael: Kaizer, Kaizer, Kaizer, Kaizer.... (patuksong sinasambit pangalan niya)

Jhon: Tumigil na nga kayo, magagalit na talaga ako sa inyo pag di pa kayo tumigil nyan. At tsaka walang libre.

Michael: Oo na, titigil na kami... wala kasing manlilibre sa amin eh.

Elly: hihii... oo nga insan. Peace.

Habang patuloy kami sa paglalakad papuntang silid-aralan, di namin namalayan na sa likuran namin, may tumatawag sa pangalan namin. Di ko na nilingon pero itong sa Elly, lumingon sya at nakita nya si Kaizer na patakbo papunta sa amin. By the way, kababata rin pala namin si Kaizer, mas malapit lang siya kay Michael at Elly kasi nga mag kumpare papa nila. Ninong ni Michael papa ni Kaizer at ninong naman ni Kaizer papa ni Michael at Elly. Kaya ganun na lang ka-close ang dalawa. Ako kasi, 8 years old na ako noong lumipat kami sa Cebu. Taga-Maynila talaga ako, kaso, noong nag-resign si daddy sa work nya, naisipan nyang umuwi province nya which is Cebu kaya ganun.

Nagulat na lang ako ng may biglang umakbay sa balikat ko.

Michael: Ka-Kaizer.... Musta? (naglapat mga kamay nila habang tuwang-tuwa na nagkita sila)

Kaizer: Mabuti naman, heto, sa wakas makapag-aral na din ng tuluyan.

Di ko maintindinhan damdamin ko noong panahon na yon. Ang lakas talaga ng kaba ng dibdib ko, di ako makahinga, lalong-lalo na nakaakbay sa balikat ko ang taong nagpapa-blush sa akin.

Kaizer: Musta Jhon? Miss kita....

(di ako makapagsalita, nauutal boses ko, tumatagaktak na pawis ko at halatang nagblublush cheeks ko.)

Sa sobrang kaba ko, imbes na kamustahin ko si Kaizer, lumakad na lang ako ng mabilis na mabilis...

(to be continued)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His name is KaizerWhere stories live. Discover now