Chapter 7

6 0 0
                                        

"Max, I don't think this proposal will work. Ang taas ng presyo natin compare sa ibang kalaban natin of course sa mas mura pupunta ang mga buyers." Back to work na ako. And back to meeting with Max.

"Karly, wala tayong kikitain kapag tinapatan nila ang baba ng presyo nila. Sa ibang factors na lang tayo bumawi." Hanggang kelan ko ba ipapaalala sa kanya na wag na nya akong tawaging Karly lalo na pag anjan si Carl.

"Like what?"

"Of course after sales service. 24 hours costumer service."

"Pero will that be effective?"

"Believe me." Okay, I concede. Alam ni Max ang ginagawa nya. And kahit papano, napatunayan ko naman na un sa tagal na naming magkatrabaho.

I sigh.

"Guess I won again against you." Panloloko ni Max.

Eh ano naman?

Ganyan talaga kase si Max masyadong competitive sa lahat ng bagay. Siguro un din ang isa sa mga naging grounds namin kung bakit kami hindi naging compatible. Ayaw nyang magpatalo. Ayaw nyang tinatawag syang talo. Pero sa kabila ng ugali nyang yun, isa syang mabait na tao. Mapagmahal. Sa halos 4 na taon namin, wala syang ibang ipinaramdam sa akin kung hindi ang kanyang pagmamahal. Hindi ko alam kung bakit naiisip ko ang lahat ng nakaraan namin ni Max pero para sa akin kase ay nakalaya na ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro nga wala na ang pag ibig na dati ibinigay ko sa kanya, buong pagkakaibigan na lang ang kaya kong ibigay ngayon dahil ang dating pwesto nya sa puso ko ay pinalitan na ni Carl. Si Carl at wala ng iba.

"Hoy Karly, lalim ng iniisip mo jan!" Sabay kiliti ng gago kaya nagulat ako.

"Max!" Sabay hampas ko sa kanya.

Medyo natigilan kaming dalawa dahil napansin namin na pinagtitinginan kami ng mga katrabaho namin.

Minabuti ko na lang na ibahin ang usapan.

"Max, kamusta girlfriend mo? Ano pala name nya?" Usisa ko kahit wala akong alam sa buhay pag ibig nya.

"Girlfriend? Sino sa kanila?" Ha! Kahit kelan itong mokong na to. Palabiro! Or baka naman playboy na nga sya!

"So madami ka palang girlfriend ha." Tukso ko at napaisip ako na nung kami ba, madami din syang tinatawag na girlfriend.

"Karly, alam ko iniisip mo. Ikaw lang girlfriend ko nun."

"Wala akong sinasabi ha. Masyado kang defensive dyan."

"Kase yang mata mo, napakajudgemental."

"So sino na nga girlfriend mo ngayon?" Masyado kase akong curious. After namin maghiwalay wala na ako nabalitaan na nagkagirlfriend sya. Pero sigurado ako, may babae yan. Hindi pwedeng wala.

"Masyado kang matanong Karly." Ooops. Mukhang naiinis na sya. Minsan kase pikon din itong lalaking ito eh.

"Masama ba magtanong?"

"May meeting pa ako mamaya. Sasama ka ba?" Ay, iniiba nya tanong.

"Wow bilis ah. Change topic agad." Biro ko.

"Karly. Ang kulit mo e?" Tumayo na sya sa kinauupuan nya at lumabas ng pinto ng kwarto ko.

"Hoy Max." Pero hindi na nya ako binalikan. Anong problema nya?

Nagcheck na lang ako ng emails ko tutal katatapos lang din naman ng meeting ko ngayong araw.

May isang email galing kay Carl.

Si Carl?

Bakit may email sya?

Hi Babe! I miss you. What are you doing right now? Busy ka ba? Punta ako dyan?

Why does he likes to go here?

I was about to reply pero tumatawag si Max as flashed on the telephone.

"Yes Max."

"Karly, medyo nabother kase ako. You know, sorry for being rude kanina. Pero of course I am the gentleman you know so I think you should know who is my girlfriend right now." And I was like. What? May pagtawag ka pa pero yan lang sasabihin mo.

"Oh! So sino?" Might as well sabayan ko na ang kalokohan nya.

"Ayaw mo bang hulaan muna?"

"Hay naku Max."

"Hahahaha. Sige na. Mainipin ka nga pala."

"So sino nga Max?"

"Hmmmm. Si..."

"Si....?"

"Si Karlaine Gemenea Guevarra."

"Max naman! Sino nga?" At bakit pangalan ko binanggit nya. Loko to eh.

"Binibiro lang kita."

"Naku Max! Mabuti pa, magtrabaho ka na lang. Bye!"

"Teka lang! Gusto ko lang naman makausap ka pa eh." Geez. Max, konti na lang talaga iisipin ko na may gusto ka pa rin sakin. Tama na uy.

"Max, I am ending the call right now." Kung kanina ako ang nang iinis sa kanya, ngayon sya naman ang nang iinis.

"Freya Santiago."

"Ha?"

"I thought you're asking..."

"Yah. But I mean, who is she?"

"You'll gonna find out soon. Got to go. Bye!" And he ended the call right away. Bwisit ako pa ang binabaan!

Naku sino naman kaya yun? Maybe a girl he just met somewhere. Anyways, that is his life. I should just be happy with his relationship right now.

A knock on the door interrupts me. At sumilip si Dina mula sa siwang nito.

"Yes Dina?"

"Ma'am, Mr. De Dios is on the other line. Kanina pa daw po sya tumatawag."

"Please transfer the call asap." Oh my. He must be angry. Shoot. I forgot to reply on his mail. I check my phone and he has 4 missed calls and 7 text messages.

"Hey Babe. Sorry." Pambungad ko.

"So busy ah."

"Yeah. Medyo."

"I mean busy sa kausap?"

"No. Napatagal lang usapan namin."

"With Max. Yeah, I know."

"Babe naman. It is about work naman."

"Kahit magkalapit lang opisina nyo, kelangan babad sa usapan sa telepono."

"Babe naman. You are just jealous."

"Extremely jealous."

"Don't be. You know I love you right?" Kahit nagtatampo ako sayo dahil hindi ko alam kung gusto mo ba akong pakasalan. Nauna pa sa atin si Cheska.

"I know. I love you."

"I love you too. Anyways, can you come over? I think I miss you na." Naiisip ko na ang ngiti ng loko kahit magkausap lang kami sa telepono.

"My pleasure." At narinig ko ang nakakainlove nyang pagtawa.

"Bilisan mo na lang."

"Sure. Gonna end the call. I will be there in 30 minutes." Hay, excited lang ang mahal ko na makita ulit ako kahit halos 4 hours pa lang kaming naghihiwalay.

"Bye! Be safe coming here!" Paalala ko lagi sa kanya.

Halos maparanoid na ako kaiisip kung bakit hindi nya ako niyayaya pang magpakasal. Ako na kaya ang magpropose sa kanya? Nakakatawa pero tunay na handa na naman akong magpakasal sa kanya kahit yun nga lang mukhang sya ang walang balak. Forever ba nyang gustong maging binata? Grabe, hindi sya forever gwapo ha.

Hayst. I must do something.

Stand By MeStories to obsess over. Discover now