Tagpuan ni Bathala [Part III]

130 67 71
                                    

A/N: Nandito na ang part III ng story. Sana magustuhan niyo lalong lalo na kay Efer na kasquad ko.

Sana kiligin ka habang iniisip mo si Karl. Hahahaha 😂 Loveyah!

Here na!

~~

Jenifer's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas ng bumalik kami ng Manila pagkatapos ng pagshoot ng advertisement for Mister Wilfred's Company. At sa huling araw namin ay hindi ko na muna pinagtuunang pansin si Karl.

Napapansin ko na, he is trying to approach me pero akon na mismo ang umiiwas sa kanya.

Kakausapin ko naman siya e. Gagawin ko naman iyong payo sa akin ni JC, paraan para maliwanagan ako. Pero hindi muna sa ngayon, hindi pa ako handa.

Nasa bahay ako ngayon walang trabaho dahil Sunday kailangan din ng pahinga.

Ako lang mag-isa dito sa bahay ngayon dahil may pinuntahan sila Lola at Tita, may susunduin daw silang bisita. Ewan ko kung sino dahil hindi naman nila sinabi sa akin.

Nagbabasa ako ng book written by Andrew Clement. Wala kasi akong magawa at ang sarap lang magbasa habang nagkakape.

Lumipas ang ilang minuto ng paghihintay at biglang may sasakyan na nasa tapat na nang bahay at bumusina.

Lumabas ako at pinagbuksan sila ng gate. Wala kaming katulong ngayon dahil day off rin nila kaya ako na ang nagbukas. Pagkaopen ko at nang makita ko ang sasakyan  ay nakaramdam ako ng kaba na parang may mangyayaring hindi ko inaasahan.

Bumaba si Tita sa driver seat at inalalayan niya si Lola. Tinignan ko sila nang nginitian nila ako. Hindi ko alam ngunit sa mga tingin nila para bang may kakaiba. Para bang may lungkot sa mga ito at hindi ko alam kung bakit.

Mas lalong naghurumentado ang puso ko at hindi ko alam kung ano ba dapat ipag-alala pero ramdam ko may kakaiba.

Then biglang bumukas ang pinto sa backseat at lumabas ang isang babae na pamilyar sa akin. Mukhang mas bata lang sa akin ng kunti.

Nginitian ako nito nang makita niya ako pagkatapos ay agad siyang pumunta sa kabilang side at binuksan ang pintuan doon.

Inalalayan nito ang isang lalaki na may katandaan na. Hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil hindi pa ito nakaharap sa direksiyon ko ngunit sa tanaw ko palang sa likod niya ay may kutob na ako.

Biglang namuo ang sakit sa puso ko. Kung tama ang kutob ko na siya 'yan ay bumabalik lahat ng alaala. Dumadaloy na rin ang mga luha na mula sa mata ko. At patuloy ang pahina ng tuhod ko.

Hindi ako pwedeng magkamali dahil ramdam kong siya iyan pero mukha na siyang mahina. At nakumpirma ko na nga ang kutob ko. Siya nga, ang tatay ko. Maputla at sobrang hinang hina na siya.

I don't know what to react. Hindi ako nakaramdam ng galit, pero hinanakit yun ang aking naramdaman.

"J-Jen, Anak..." nanghihinang sambit nito.

Hindi ako umimik dahil wala akong mahanap na salita para isagot. This is so unexpected at hindi ko alam na darating pa itong araw na ito, ang makita ko siyang muli.

"Apo... Nais kang makita ng Ama mo." sambit naman sa akin ni Lola.

Ama ko? Naging ama ba siya sa akin? Bakit niya ako nagawang iwan?

"Bakit naging ama ba siya sa akin?" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nila.

"Jen, nandito siya para humingi ng patawad sa'yo." sabi naman sa akin ni Tita.

Tagpuan ni Bathala [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon