you will always be my kryptonite (chapter 1)

100 0 0
                                    

Isang umaga nakaupo lang si Pipoy sa tabi ng kama niya at pinagmamasdan niya si Annika habang natutulog. Ilang sandali pa nagising si Annika at nakita niya si Pipoy na nakabihis na at ready na pumasok sa school. Gising ka na baka malate nanaman tayo” sabi ni Pipoy. Nag inat si Annika at nginitian siya, Five minutes pa, ang aga mo lagi nagigisng sinasabi mo late e lagi naman tayo maaga dumadating sa school sabi ni Annika.

At my God naman Pipoy first day of classes ngayon sabi ni Annika habang hinila pa niya ang kumot. Yeah I know pero a lot of things will change already sagot ni Pipoy. Huh? Like what? tanong ni Annika. Fourth year na tayo, last year in high school. Tapos dadating na mommy mo and she will be staying here for good. Makakabalik ka na sa bahay niyo masosolo ko na tong kwarto ko sabi ni Pipoy at tumawa si Annika. Mamimiss mo ako ano? Aminin mo tukso ni Annika. Sus bakit naman kita mamimiss e dyan lang bahay niyo sa tabi sagot ni Pipoy.

Uy, malungkot si Bespren, pwede pa naman ako makitulog dito ah. Ito naman parang magugunaw na ang mundo; sabi ni Annika. Tumayo si Pipoy at nagpunta sa pinto, Bumangon ka na at maligo ka na sabi nya.Five minutes pa! sumbat ni Annika at napabungtong hininga si Pipoy at lumabas ng kwarto.

Nahiga si Annika at pinagmasdan ang kwarto ni Pipoy, napangiti siya pagkat parang kwarto ito ng babae. Eleven years siyang nakitira kina Pipoy, at iisang kama lang ang pinagtutulugan nila. Madaming nagkalat na picture frames sa kwarto at laman ng lahat ay picture nila magkasama. Bumangon si Annika at isa isa niya itong tinignan at inalaala ang nakaraan. Isang larawan ang nakapukaw ng atensyon niya, ang pinakaunang picture nilang dalawa ni Pipoy nung sila at four years old pa. Nakaupo sila sa ilalim ng puno sa likod ng bahay at nakasandal sila back to back. Naalala pa niya yon pagkat ganon sila magkwentuhan lagi ni Pipoy nung bata sila.

Kinuha ni Annika ang larawan at pinasok niya ito sa bag niya, muli niyang pinagmasdan ang kwarto at tila nagpapaalam na. Mamayang gabi doon na siya sa kwarto niya, kasama na niya ang mommy niya na uuwi na galing abroad.

Maaga sila dumating sa school pero nandon narin ang mga barkada nila, naghiwalay sila at nagpunta sa kanya kanyang mga barkada. Nagtungo si Pipoy sa isang bench kung saan naghihintay ang mga kaibigan niyang lalake, agad sila gumawa ng espasyo para makaupo siya.

Whats up Pipoy!? sabi ni Vashsty. Doing fine tsk last year na natin dito pare” sagot ni Pipoy nang naupo siya. Kaya dapat this year enjoy na natin kasi last na to, hindi na mauulit ito sa buhay natin” sabi ni Sarry at bigla sila nagtawanan.”Kailangan na natin maghanap ng girlfriend at kailangan natin matuto nang uminom!” sigaw ni Robert at lahat napatingin sa kanya.”E umiinom ka na diba?” tanong ni Vashty.”Oo pero kailangan natin matutuong uminom nang di nagblack out!” sabi ni Robert at lalo pa sila nagtawanan.

May napadaan sa harapan nila ang isang grupo ng emo na estudyante kaya napatigil sila.”EMOTICONS transform!!!” sigaw ni Pipoy at sabay sabay ang apat na nag acting na umiiyak at nagluluksa. Tumigil ang grupo ng emo at may humarap na siga. Tumayo si Pipoy at nanliit tuloy yung lalakeng emo pagkat six footer siya.”You have a problem with us? You don’t understand what we have been through” sabi ng lalakeng emo sabay pakita ng kamay niya. May pitong laslas doon at tumawa si Pipoy.”Kayo ipapasikat niyo ang laslas niyo, for what? To get sympathy? May tinatawag na moving on! Kung gusto niyo maglaslas sa leeg, tapos laliman niyo! Laslas sa kamay asus takot din lang kayo mamatay…sa leeg!!” sigaw ni Pipoy at nagkapormahan na.

”Pipoy!!!” biglang sigaw ni Annika at nilapitan niya si Pipoy.”Sige na sige na move along people” sabi ni Annika nang paalisin niya ang mga grupong emo.”Ikaw Pipoy ilang beses ko sasabihin wag na wag kang nakikipag away e” sermon ni Annika at napakamot lang si Pipoy. Bungisngis ang mga barkada ni Pipoy pero di sila pinagpas ni Annika.”Hoy kayo din wag niyo idadamay sa away itong bespren ko ha!” banat ni Annika at lahat sila tumahimik.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 11, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

tatayWhere stories live. Discover now