Chapter 52 Dark Kingdom

8.4K 178 8
                                    

Someone's POV

Abala ang lahat sa Dark kingdom...naghahanda ang mga kawal ni King Drake para sa pagsalakay sa darating na koronasiyon ng kaniyang anak.

Ngunit hindi alam nang lahat na may isang kawal na palihim na inilalagay ang isang bagay na maaring makasira sa kanilang mga inihandang sandata.

Isang mapagpanggap na kawal.

Hindi lamang ito nag iisa dahil pati sa paghahanda ng pagkain may kasama rin ito palihim nitong inihahalo ang lason na bigay ng taong nag utos sa kanila...ito lamang ang kanilang maitutulong sa darating na digmaan.. ang bawasan kahit kaunti ang mga kalaban.

Pagkatapos ng ilang oras nag tagpo ang dalawa sa isang tagong pasilyo sa palasyo.

"Nailagay mo ba?"tanong ng isa sa kasama nitong naka assign sa pag lalason.

"Oo nailagay ko sa lahat ng putahe..ikaw kamusta ang utos sa iyo?"

"Walang problema walang nakakita sa ginawa ko"

"Kung ganon tayo nang umalis baka may makahalata pa"

"Tara na"

Sabay na naglaho sa hangin ang dalawa.

Nakangiting nagmamasid naman ang dalagang si Athena sa abalang paligid ng palasyo ni Drake.Isa ito sa mga plano niya...ang bawasan ang kalaban habang wala pa ang araw. Tama kayo ng nababasa siya ang nag utos sa dalawang nagpanggap na kawal na gawin iyon.

Mas lalong napangiti ang dalaga ng nag simula ng magkagulo ang lahat..kita mula sa kaniyang pwesto ang mga kawal na naunang kumain na unti-unting nawawalan ng buhay at nagiging abo...marami-rami rin ang nakakain ng pagkain na pinalagyan niya ng lason.Hindi lamang ito basta-bastang lason dahil wala itong gamot.

Nabaling naman ang kaniyang atensiyon sa mga nagsasabugang mga kagamitan ng mga kawal para sa digmaan.

Good

Ani ng isip nito.

Nagkakagulo na ang lahat dahil hindi nila alam kung ano ang uunahin....ang mga kawal na namamatay o ang kanilang mga sandata na sumabog. Balisa ang lahat sapagkat alam nilang buhay nila ang kapalit sa mga nasirang sandata.

Napatingin ang dalaga sa isang kwarto kung saan ang trono ng Kaniyang Uncle..ang uncle Drake niya. Kita niya dito ang paglapit ng isang nanginginig na kawal palapit sa kanilang hari.

Ginamit niya ang kaniyang hearing sense upang marinig ang pag uusapan ng kaniyang uncle.

'M-mahal na H-Hari m-may naglason po sa ating mga k-kawal a-at may n-nagpasabog ng ating mga S-sandata'

Tinignan lang ito ni King Drake ng nasama at unti-unting nawawalan ng hininga ang kawal na iyon.

Dali-dali namang lumapit ang isa pang kawal upang palitan ang kawal na pinatay ng kanilang hari.

"Mga walang silbi hanapin niyo ang may gawa nito!!"galit na sigaw nito na ikinanginig sa takot ng kawal na nasa harapan.

Dali-dali itong umalis at inutusan ang ibang kawal na hindi nakakain ng may lason at hinanap ang may gawa.

"ARGH!!Demonic!!" Tawag nito sa kaniyang Fairy

"Kamahalan" biglang litaw ni Demonic sa harap nito.

"Hanapin mo ang lapastangang gumawa nito sa aking kaharian..dalhin mo sa akin!"utos nito sa kaniyang Fairy.

Agad-agad namang sinunod ng Fairy ang utos nito.

Ngunit sa kaalaman ng lahat matagal ng naka alis ang dalawang kawal na gumawa ng kaguluhan. Ramdam sa buong kaharian ang galit ng kanilang Hari.

Napangiti ng malapad ang dalagang si Athena at nag teleport sa kwarto kung saan naka upo ang nag ngingitngit sa galit na hari.

"My...my. What's this commotion all about?"tanong ng dalaga habang papalapit sa Hari.

"Sino ka?" Tanong sa kaniya ni King Drake."Ano ang ginagawa ng isang binibini dito?"

"Binibini? Hindi ko alam na may paggalang ka palang natitira sa iyong katawan Haring Drake"saad ng dalaga na ikina inis ng Hari.

"Lapastangan! sino ka upang pumarito sa aking kaharian? At ako'y kutyain?"galit na tanong nito.

Tumawa lang naman ang babae sa tanong nito.

Nakaramdam ng takot ang Hari ng biglang may malakas na aura ang kaniyang naramdaman na alam niyang galing sa binibining nasa harapan niya.

"S-sino ka? Ano ang sadya mo sa aking kaharian?"

"Ako si Athena. At naparito ako upang ikaw ay balaan. Isa pa lamang ito sa kaya kong gawin Haring Drake kaya kung ako sayo tigilan mo na ito. Ang pagiging sakim sa kapangyarihan ay magdadala lamang sa'yo sa kapahamakan"saad ng dalaga sa seryosong boses nito.

"Kung ganun ikaw ang lapastangang gumawa nito sa aking kaharian? At sino ka ba para sabihan ako ng ganyan? Kapag naging akin na ang  mundong ito ako na ang magiging pinaka makapangyarihan sa buong Magical Kingdom at makukuha ko na ang kahariang kinuha nila mula sa akin!" Galit na saad nito.

"Ikapapahamak mo lamang at ng iyong anak ang iyong hangarin Haring Drake. At wala silang kinuha mula sayo dahil sa umpisa pa lamang ay hindi naman sayo ipinasa ng dating hari at reyna ang palasyo ng Magical kingdom"

"Hindi...kung hindi sana nag maggaling ang traydor kong kapatid hindi sana sa kaniya ipapasa ang trono, sa akin dapat dahil ako ang  panganay sa amin"

"Ikaw nga ang panganay ngunit kong umasta ka naman ay parang ikaw ang bunsong kapatid. Sakim ka sa kapangyarihan noon pa man. Dahil sa iyong ugali kaya napag pasyahan ng dating Hari't Reyna na ipasa sa iyong kapatid ang trono imbis na sa iyo"

"Kaya ko nga ito ginagawa dahil babawiin ko ang kung ano ang dapat sa akin at walang makakapagpigil nun..kaya kung ako sayo binibining  Athena wag muna ulit akong pag salitaan ng ganyan  dahil kaya kitang patayin anomang oras"

Napa iling na lang ang dalaga sa inasta ng hari.Wala ng pag-asa.

"Bahala ka Haring Drake babala lamang ito sa mangyayari kung ipagpapatuloy mo pa ito. Dahil kailanman hinding-hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan"
Saad ng dalaga bago nawala.

Galit na nakatingin lamang ang Hari sa pwesto kung saan huling nakita ang dalaga bago mag laho.

************************************************************************************************************

Sana nagustuhan niyo!!

Okay less that ten chapters na lang siguro mag wawakas na ang storyang ito.Antabayanan niyo na lamang po kung ito ay may part two!!

Salamat.

Please don't forget to:

Vote and comment.

Kamsa~~

MAGICAL ACADEMY:The Lost Princess Is Back (COMPLETED) Under Revisionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن