- hold me tight -

363 18 14
                                        

"your eyes are pure stars."

"and your smile is my sunshine."

+

"do you believe in love at first sight?"

"no." i mumbled, kumuha ako ng gatas sa ref at agad itong ininom, "siguro attraction. but not love. parang ang oa." i shrugged.

"ako kasi, feeling ko nakita ko na ang babaeng mahal ko!" nagniningning ang mata na sabi ni joy. napairap naman ako sa sinabi nya. agad agad?

"seryoso ka ba dyan?"

"oo nga!" giit nya, "napakaganda nya, kahit na medyo masungit sya. nakasimangot sya pero di non matatakpan ang kagandahan nya." okay, mukhang tinamaan na nga talaga tong si sooyoung.

"good for you then." sarcastic na sabi ko.

"thanks!" masayang sabi nya at kukunin na sana ang kamay ko para hawakan nang bigla ko itong ilayo.

"wag mo nga sabing hahawakan ang kamay ko!" inis na sabi ko sa kanya kaya napanguso sya.

"oo nga pala, sorry naman!" sabi nya sa akin, "seryoso ba talaga yan? bakit ganyan ang kamay mo?" tanong nya kaya napakibit balikat ako, ewan ko din.

"hindi ko din alam, basta huling nahawakan to ni wendy, isang buwan kaming magkahawak kamay dahil di namin maalis ang kamay namin. malas yun, ayoko ng maulit. kaya pati kamaganak ko, di nila hinahawakan kamay ko dahil alam nila ang sitwasyon ko." sabi ko.

ang malas nga e, kaya tuloy lagi kong iniiwas ang kamay ko sa iba dahil baka may biglang humawak. patay ako non.

"hmmm," napangiti sya, "eh paano pag nagkajowa ka na?" malokong tanong nya kaya napangiwi ako.

"hindi ako magkakajowa, tatanda akong dalaga!" prangkang sagot ko. ayoko sa mga manliligaw ko, di kami talo.

"sinabi mo yan ah." she giggled.

hindi ako umimik at nilagay na sa lababo ang baso. swear.

hold me tight | ksg + bjhStories to obsess over. Discover now