II: "HUBAD KA NA"

784 6 2
                                    


"Mapa-lalaki man o babae, don't just give yourself right away. It's all about self-preservation and self-respect."--unknown

——————————*

AUSTIN'S POV

"tapos ka na kumaen diba? pwede na siguro tayong maglaba??" tanong ko kay Steff.. ang babaeng 2 weeks ko palang nakilala.. masarap siyang kasama..

bastooooooos -.-

malaswa lang ang utak mo!!..

hindi siya nakakaboring kausap.. ang kyut pa ng mga expression niya kapag naiinis siya..

Kinuha man niya yung number ko, alam ko namang para lang makipagkaibigan.. Alam kong naghahanap ako ng matinong babae.. siya nga siguro yun, pero.. ramdam kong natatakot siya.. Nakwento niya rin kasi sakin yung mga naging karanasan niya pagdating sa isang relasyon..

Hahahaha, naalala ko tuloy yung itsura niya nung una ko siyang dinala dito sa bahay..

flashback:

"Hoy lalake!! san mo ko balak dalhin?!" sigaw niya sakin, habang hawak ko siya sa kamay..

"hoy sumagot ka!! may binabalak ka saking masama no?!" sigaw niya ulit. medyo nakakarindi na siya..

"ang kapal mo no!! di kita type!!" sigaw ko din sa kanya..

"bakla ka no!? bakit wala kang binabalak sakin?!" hahaha, mukang narealize naman niya yung sinabi niya.. dahil after niyang sabihin yun eh tinakpan niya ng dalawang kamay niya yung bibig niya..

"hahaha, grabe ka naman.. ikaw pala may pagnanasa diyan e" sabi ko sa kanya..

"ang kapal mo!! eh bakit mo ba ko dinala dito sa inyo??"

"simple lang!! tulungan mo kong mgbalat nito" sabi ko pa sa kanya habang nakangiti..

"seryoso ka?! pagbabalat mo lang ako ng mangga?! wala talagang mangyayari" siya, hahaha ang epic gulat na gulat yung muka niya..

"bakit gusto mo may mangyari?!" ako

"syempre wala!!" sagot niya.

"ohh yun naman pala e kaya tulungan mo kong magbalat dali na.." utos ko sa kanya..

wala naman siyang nagawa nun.. at mas lalong walang nangyaring TIKIMAN no..

end of flashback!!

Kaya simula non.. kahit nakakarindi na siya, natuwa na kong kasama siya.. lagi ko siyang pinapupunta samin.. tamang trip lang, nood dvd, magluto, kumaen.. kumaen.. kumaen.. at kumaen..

Kaya ngayon nga.. paglalabahin ko naman siya.. bwahahahahaha..

"Maglalaba pa ba tayo o tutunga-nga ka na lang dyan??" tanong niya sakin..

"Maglalaba!! dali na tara na sa rooftop"aya ko. Nasa rooftop kasi yung labahan para rekta sampayan :)

Umakyat na kami sa taas, doon din naman ang kwarto ko kaya kinuha na namin yung maruruming damit..

"palalabhan mo sakin lahat yan?! limang basket?!" sabi niya agad pagkakita niya sa mga nilabas kong marumihan..

"oo bakit? tutulungan naman kasi kita"

"siguraduhin mo lang.." siya, habang hinihiwalay yung putian sa de color..

"ibababad ko muna yung putian, tapos kukusutin ko na lang mamaya.. unahin mo muna yung de color" dagdag pa niya..

Wala naman akong magagawa kundi sumunod diba? baka pag nagreklamo pa ko.. magalit na sakin to ng sobra..

*lumipas ang 3oras natapos ang de color..

UNANG TIKIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon