1- Student

143 5 0
                                    

Naglalakad ako ngayon. Nasa mall kasi ako para mamili ng pinapagrocery sakin ng boss ko. Inutusan nya akong bumili ng mga pagkain para sa anak nya.



Hindi ko naman trabaho yun, Pero naaawa ako sa boss ko dahil wala naman syang mauutusan kaya nagpresenta na lang ako.






"Pakilapag na lang yung mga naipamili nyo, Maam. Salamat po." Nilapag ko ang mga napamili ko doon. Masyadong marami akong napamili kaya baka mahirapan ako sa pagbubuhat. "5,550 po lahat, Maam." Inabot ko sa babae yung 6,000.



"Salamat po, Maam. Come again po."



"Hehe sige." Hindi ko masabi doon kay Ate na baka hindi na ako makapunta dahil mahirap lang naman ako at hindi ko afford ang ganitong mga mahal na paninda nila dito.





Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng makaramdam ako ng pagsakit ng puson ko. Nilapag ko muna sa sahig ang pinamili ko.






"A-anong nangyayari sa'kin?" Tanong ko sa sarili. Hindi naman ako nadudumi or what. Napatingin ako sa G-shock na regalo sa'kin ng boss ko noong birthdag ko. "Shems! Meron ata ako." Halos maghurumentado ako ng makita ko ang date ngayon. 6-9-18







Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa meron ako. May nakita akong isang lalaki na malapit lang sa'kin kaya no choice ako at kinalabit ko sya.








"K-Kuya..." Tawag ko dito. Pagharap nya ay parang slow motion ang lahat. Gwapo sya! Kahit naka eyeglasses.





"A-Anong nangyayari sayo?" Gulat na tanong nya. Tinignan nya rin ang mga grocery na napamili ko. "Nabalian ba ang braso mo?"






"P-Pahatid po ako sa C.R." pakiusap ko. Hindi sya nag-alinlangan. Binuhat nya rin ang dala kong mga grocery at ang isa nyang kamay ang may dala non, Samantalang yung isang kamay nya ay nasa bewang ko.







Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko. Parang sasabog ako na ewan.






Ang sweet naman nila..



Kakainggit naman.




Gentleman si kowyaaa








Napatingin pa ako sa mga taong pumupuna sa'min pero si Kuyang naka eyeglasses ay nakafocus lang sa paglalakad ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti kahit ang sakit na ng puson ko.






Pagpunta namin sa C.R. ay iniharap pa nya ako sa kanya. "Bibilhan muna kita ng sanitary napkin mo at Undies. Wait for me." Bilin nya sa'kin tanging tango lamang ang nasagot ko.






Kaya pumasok ako sa cubicle at umupo sa bowl. Napabuntong hininga ako habang minamasahe ang puson ko na parang ginegera sa sakit. Bakit naman kasi sa mall pa ako dinatnan? Bakit ngayon pa?! Naistorbo ko tuloy si kuya. Nakakahiya ako.






5 minutes...




10 minutes...




15 minutes....









Napaiyak na lang ako dahil ang tagal ni Kuyang naka eyeglasses tapos sobrang sakit pa ng puson ko. Napatingin na lang tuloy ako sa mga grocery na nasa paanan ko.








"Baka magalit sa'kin si Maam nito e." Bulong ko sa sarili. Ang tagal ko na kasi dito e.







*TOK TOK*







"Ms? E'to na oh." Napatingin ako sa baba. At doon ko nakita ang isang plastik na nilusot nya. "Intayin na lang kita sa labas ha."






Agad kong binuksan ang plastik na yun. Nanlaki ang mata at nalaglag ang panga ko ng makita ko ang binili nyang panty para sakin...





"B-Barbie?" Gulat na bulas ko. Nakakagulat lang kasi na may lalaking bumibili ng panty na barbie.







Hindi ko na pinairal ang pagkamaarte ko. Sinuot ko na ang panty at nilagyan ko na rin ng sanitary napkin. Masyado akong nahihiya kaya bumuntong hininga muna ako bago labasin si Kuya.







"Sabihin ko lang na 'thank you' then okay na yun, Diba?" Pagpaparactice ko sa sarili. "Woooo! Kaya ko to." Agad kong kinuha ang mga grinocery ko at lumabas.








"Yes?--- I'm busy--- I'm with a girl-- No.--- A friend of mine-- Yeah, Bye." Bigla syang lumingon sakin pagkatapo nyang sagutin ang tawag. "Tara na?"






"Huh? Saan?"





"Ihahatid kita." Nakangiti nyang sabi. "Ang bastos ko naman kung hindi ko ihahatid ang isang babae sa pupuntahan nya lalo na't may iniinda ka."







Namula ang pisngi ko don. Grabe naman to! Nakakakilig sya. "S-Salamat po." Sabi ko dito.










Nang makasakay kami sa kotse nya ay medyo nailang pa ako. Lalo na't nakakahiya ang ginawa kong pabor sa kanya. Kasi naman! Sinong lalaki ang bibilhan ng napkin at undies ang isang babaeng hindi nya kakilala diba?








"Saan ba kita ihahatid?" Pambabasag nya sa katahimikan.




"Sa Lesha Cafe lang po." Magalang kong sabi. Napansin ko namang tumingin sya sakin kaya napatingin ako sa bintana ng sasakyan.





"Wag mo na akong i-po. Nagmumukha akong matanda e. Ang bata bata ko pa e. I'm just 22 years old." Sabi nito. Napatingin tuloy ako sa kanya. Grabe akala ko 18 lang sya.




"Ay hehehe. Pasensya na." Sabi ko rito.




"Forgiven. Marami ring nag-popo sakin kasi nga Professor ako sa Eastern University kaya medyo nasanay na din ako. Pero ang pangit talagang pakinggan ang 'po' e." Pabiro nito sa'kin.





He's a Professor, And I'm just a student.









*****


"Sorry po, Maam. Nalate ako." Kanina pa ako nanghihingi ng sorry sa kanya pero tawa lang sya ng tawa.




"It's okay--- Teka? Kilala mo si Shawn?" Napatingin ako sa likuran ko. At nakita kong si Kuyang eyeglasses ang tinutukoy nya na Shawn.






"Tinulungan ko sya Ate. Nagkaroon kasi sya, You know, Girl thingy." Biro ni kuya Shawn.




"Ah. And By the way, Shaw--- Shawn this is Luna Quidor, My employee." Pakilala sa'kin. Medyo nailang pa akong tumango. "And Luna this is Shawn, Shawn Gacillo."



"Nice meeting you, Luna." Sabi bya sakin at kinamayan pa ako."Hope to see you, Again."



"Hehehe Opo."



"How old are you?" Medyo nagulat pa ako sa tanong nya. "Parang ang bata mo pa kasi para magtrabaho e."



"17 years old po. Nagtitinda lang po kasi ng Yakult si Nanay. Kaming dalawa na lang po ang magkasama kaya dapat po kaming magtrabaho para may pangkain at pangpaaral sakin." Paliwanag ko sa kanya. Tumango naman sya.






"Then, You should enroll to our University. Be my student.."







***

A/N

At dahil meron ako ngayon ay ganyan ang aking update HAHAHA

Different World Between Us.Où les histoires vivent. Découvrez maintenant