"Wag mag-boyfriend, umuwi ng maaga, wag gala ng gala, sagutin ang tawag. Opo tay!" nag salute pa ako


"Eh yung akin, baka nakalimutan mo" Ate Gina


"Laging mag-update, taasan ang grades at aim for the dream ate" nakangiting sagot ko


"Akin naman bunso, maligo ka lang talaga araw araw" tukso ni kuya


I rolled my eyes at him


"Duh, naliligo kaya ako." 


"Hoy MWF ka lang naliligo no" biro nito


"Di kaya" pag kontra ko


Nag-asaran pa kami sa loob ng airport


"Bunso, halika na. Tinatawag na flight natin" Tawag ni ate Faith


Napatingin ako kina Nanany, tatay, ate at kuya. First time kong mapalayo sa kanila. Napaluha ako at niyakap silang lahat


"Bye po. Pag-uwi ko, flight attendant na din ako" 


Sumama na ako kina ate Faith. First time kong sumakay ng eroplano. Habang papunta na kami sa aming eroplano ay napatingin ako sa window kung saan makikita ang mga eroplanong paalis o padating pa lang. Namangha ako dito. 


"Wow" bulong ko


Nang nakapasok na kami sa eroplano at nakaupo na ay nag demo na ang mga flight attendant about sa safety procedures. Nakinig talaga ako sakanila at lalo akong na excite. Sa susunod, nandiyan na din ako sa pwesto nila.


Magiging Flight Attendant ako. Siguradong sigurado ako dun, kung kinakailangan isasakripisyo ko sa Diyos ang kapitbahay naming si Aling Diding, gagawin ko. Hays, please dear God. Gabayan niyo po ako. Sana po ay makatapos ako sa kursong pinapangarap ko.


Lumipas ang isang linggo at kailangan ko na din magpa-enrol sa magiging paaralan ko. Humayo na ako papuntang eskwelahan at sinabihan na din ako ni Sab na magkita na lang din kami doon.


"Ang laki pala ng skwelahang ito" pag-kausap ko sa aking sarili habang papasok sa gate


"May madre na palang mag-aaral dito" rinig kong bulong ng isang babae sa kasama niya habang nakatingin saakin. Nagtawanan pa silang dalawa


Tiningnan ko ang suot ko. Dark brown skirt na lagpas tuhod at long sleeves na kulay white. Okay naman ah. Sabi kasi ni Kuya Charlie wag mag-susuot ng mga "showy" na damit eh.


"Aray naman!" Natumba ako nang binangga ako ng isang lalaking amoy alak


"Ba yan! Di kasi tumitingin sa dinadaanan eh" pag-rereklamo ko habang pinupulot isa isa ang mga libro kong nahulog


"Sorry" Sabi nito at tinulungan ako pulutin ang mga libro ko


nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses niya. Tinitigan ko siya, hmm. Di naman siya pogi ah bat parang ang pogi ng boses niya?


Luh, landi ko naman. Pogi agad ang hanap first day ko pa nga lang dito.


"Hey Ryan! Come here!" inis na sigaw ng babaeng puno puno ng make up ang mukha. 


Nabitawan naman nung Ryan daw yung mga libro kong pinupulot niya kahina


"Aypucha" bulong nito


baho ng hininga ha. Parang nag-shot lang din ako


"Mag-toothbrush ka kaya muna bago lumapit sa girlfriend mong clown" taas kilay kong sabi sa kanya at pinulot ang mga hinulog niyang libro ko at tumayo


He gave me a glare. Aba, edi sinamaan ko din siya ng tingin.


Lumapit siya sa babae at napakamot na lang din ng ulo. Nakita kong pinagalitan siya ng babae at dinuro-duro. Tiningnan din ako ng masama ng babae. Luh, di naman ganon ka pogi jowa niya ah. 


"Makaselos naman akala mo may mag tatangka pang agawin jowa niya" bulong ko sa sarili ko sabay irap


"Hoy! Kanina pa kita inaantay bruha" 


"Ay titi!" Nagulat ako nang mag-salita bigla si Sab


"Manyak mo talaga. Tara na nga"  natatawa nitong sabi at hinila pa ako


binalikan ko ng tingin ang lalaki at nakita kong naka-sunod na siya sa likod ng gf niyang clown at naka-yuko lang.


Nanlaki ang mata ko nang binalikan niya rin ako ng tingin. Umiwas agad ako ng tingin at yumuko na lang.


_

Pizzawt! :D

One Way Ticket to LoveWhere stories live. Discover now