Caibidil Naoi Deich: The Kitten and the Lion

2.4K 97 22
                                    

Ilang oras kaming tumabay dun. Sinimulan kong basahin ang nobela na rinekomenda niya. Hindi nagtagal ay unti-unting napupuno ang café ng tao. Kaya naman tumutulong na si Eric sa paggawa ng mga order.

"Hey" ang pandidistract ni Eric sa akin. Napatingin ako sa kanya. Napataas naman ako ng noo. "We need some help. May sakit yung isa sa staff ko and sobra ang tao ngayon"

Sinara ko naman ang libro at linapag ang libro sa kesa.

"What do you want me to do?" ang tanong ko naman. Initcha niya ang isang apron sa akin.

"Isuot mo yan" ang utos niya. Tumayo naman ako at sinuot yun. "May experience ka ba sa ganito?"

Umiling naman ako.

"Take and give orders" ang maikli naman niyang paliwanag. Tumango naman ako. Geez, I can't believe I will do this.

"You have to pay me though" ang komento ko naman. "It's against the labor code, you know"

"Okay, okay. Another date in another day" ang tukso naman niya.

"Another free drink will do" ang tugon ko bago siya iniwan at nagsimulang tumulong. Everything is running smoothly when things happen.

'Good afternoon, welcome to Pastel café" ang maligalig kong pagbati sa dalawang lalakeng kakapasok. Hindi naman nila ako pinansin at pumasok lang sa loob at naupo. Inabutan ko naman sila ng menu at naghintay pero nagkwekwentuhan lang sila.

"Nice bag" ang komento ng isa nang mapansinang LV bag ng isa. Napakunot naman ako ng noo.

"Salamat. Binili ko to nung nagpunta ako sa Hongkong. 

"So, mahal yan"

"Medyo" ang pahumble na tugon ni kuya but his tone is overly proud. It's cringey kasi sa unang tingin ko pa lang nung bag; it's fake. Napatikhim naman ako.

"Are you ready to order?" ang cheerful ko pa ring tono and I'm so hating this. Napatingin naman sa akin ng masama at binaling ang tingin sa menu. And finally, umorder na rin sila.

"Tsaka service water" ang pahuling request ni Kuya naka-LV bag. Kumuha ako ng tubig sa bar at linapag sa mesa nila but it slipped causing some of the water to spill into the table and into his bag.

"ANO BA?!" ang galit niyang reaksyon sabay kuha ng tissue at punas na siya ko ring ginawa . "WAG MONG HAWAKAN"

"Anong nangyayari rito?" ang tanong ni Eric nang maka-agaw na kami ng atensyon.

"Yang staff niyo ang tanga-tanga" ang tugon naman nung lalakeng may bag. Can I just punch his face? "Binuhusan ng tubig ang bag ko. Ang mahal pa man din ng bili ko"

"Sorry po sa nangyari"ang magalang pa ring tugon ni Eric. "We'll give you a complimentary snack as an apology"

"Okay, fine" ang tugon naman nung lalakeng napaka. Dumeretso na lang ako sa bandang bar. Tumunog ang phone ko. Hinugot ko naman yun mula sa aking bulsa. Si Kuya Jaypee. Kaagad ko naman yung sinagot.

"Hello" ang pagbati ko.

"Peejay, where you at?" ang tanong naman niya.

"I'm with my friend. Why?"

"You have to meet the event coordinator"ang tugon naman niya. "He set the meeting time in an hour"

"Okay. Just send me the details then" ang bilin ko naman bago magpaalam. Tatlumpong minuto pa ako sa café bago magpaalam kay Eric. Hinatid niya ako palabas ng café. "Today was fun."

"Di bale may next time pa"ang tugon naman niya.

"I'll see you then"ang paalam ko naman.

"Take care cause I care, Teddy bear" ang sabi naman niya na ikinatawa ko.

OLSG 4: RestartWhere stories live. Discover now