Napag-usapan nga pala namin na NEXT WEEK na ang kasal. Eh bakit pa namin papatagalin diba? Kasal lang naman. Sus! Titira na ata ako sa kanila eh? Makakasama namin sa bahay yung papa niya. Haler! Alangan dun niya ko sa club patirahin no? Ganda ko lang! Naiisip ko na! Kabilis talaga ng utak ko. Hahaha. Magtatabi kaya kami sa kama?! May magaganap kayang milagro? Ahhhhh! Bakit ba ang polluted ng utak ko?!

"Huy nasan na ba tayo?" nawala tuloy ako sa pag-iimagine ko ng biglang magsalita si Stan kaya naman napatuwid ako ng upo. Sakto naman na nasa tapat na kami nung kubo ni Lola Loleng kaya pinahinto ko na siya at tumapat sa kubo. Nag aalangan pa nga siyang bumaba kasi totoo namang ang weird talaga dito. Hahaha. Pagkapasok namin sumalubong agad samin yung mga binebentang agimat/langis chuchu ni Lola tapos ayun nagdadasal ata siya. Hahaha. Kunwari pang aakbay sakin si Stan eh alam ko namang natatakot siya.

"AHHHHH UHMMMMM... AHHHHH UHMMMM! BOOM!" halos mapalundag kami ng humarap samin si Lola Loleng. Kaloka talaga ng matandang 'to eh! Hahaha! Si Lola Loleng may takip yung kaliwang mata niya. Muntikan na daw siya ma-rape nung araw eh. Echusera!

"Anong masamang hangin at nadaan ka dito Jackie Pukengkeng?" nanlaki yung mga mata ko ng tawagin niya ko sa nakakapunyeta kong nickname! Oo! Jackie Pukengkeng nickname ko! Napansin ko na nagpipigil ng tawa si Stanley kaya agad kong tinakpan ng kamay ko yung bibig ni Lola. Kainis talaga! Ang ganda naman ng pagbati niya sakin!

"Lola naman bakit sa harap pa ng mapapangasawa ko?" bulong ko kay Lola at inalis na yung kamay ko sa kanya.

"Aba! Akalain mong may nagkamali sayo?! Gwapo 'tong mapapangasawa mo ah. May abs ba naman yan ha?" I rolled my eyes! Sabi na mahilig 'tong matandang 'to eh. 

"Meron yan siyempre! Kaloka naman nito! Ay La, si Stanley nga pala. Stanley si Lola Loleng pala lola ko." magmamano sana si Stan kaso itong si Lola na manyak ang gusto pa beso-beso. Hustong pagka beso ni Stan ay inilayo ko na siya kay Lola kasi mahilig sa mababangong lalaki yun. Kainis!

"Napaka selosa naman nitong apo kong si Jackie Puk---" hindi ko na siya pinatapos at tinakpan ulit yung bibig ko itong si Stanley naman humagalpak lang ng tawa. Arghhh! Alam ko na talaga kung kanino ako nagmana!

After makipag chikahan ng konti dito kay Lola Loleng nagpaalam na din kami. Pinabaunan pa ko nung mahiwagang langis niya ah! Nakakaloka! Effective at subok na daw talaga niya! Para daw gumanda pagsasama naming dalawa ni Stan. Grabe lang talaga! Hahahaha. Pero gagamitin ko sayang naman. Mga hapon na din kami nakabalik ng Manila at dumiretso kami sa isang boutique para bumili ng isusuot namin sa wedding. Okay lang talaga na hindi CHURCH WEDDING ang kasal ko. Hay. Sa aming tatlo nina Biancx at Sheila wala man lang ata naikasal sa simbahan. Nakakalungkot naman talaga. Si Brooke pa lang ata makakaranas pag natuloy na yung naudlot nilang kasal ni Steven.

Pagkatapos  nun nag dinner naman kami kasama yung papa niya na walang ginawa kundi kulitin ako kaya itong si Stanley laging sinusumpong. Matutuwa akong isipin kung nagseselos nga talaga siya.

"Excited na ko sa kasal niyo. Itong si Stanley gusto pa kasing sikreto yung kasal niyo. Tsk. Dapat sa katulad mo Jackie ay yung pinagmamalaki sa mga tao." sabay kindat pa sakin nitong si Papa. Nawindang naman daw ako! Yung biyenan mong hilaw panay pa-cute sayo. Hahaha! 

"May sakit ka ba sa mata ha? Bakit ka ba kanina pa kindat ng kindat kay Jackie? Tss. Tusukin ko yang mata mo eh." siniko ko si Stan kasi naman kung makapagsalita sa Papa niya akala mo kaedad lang.

"Eh bakit ba? Gandang ganda ko kay Jackie. Kung di mo lang talaga nasabi na fiancee mo siya edi sana madrasta mo na siya ngayon. Hahaha. Ano Jackie?" nasamid naman daw ako sa mga pinagsasabi ni Papa. Nakakaaliw talaga siya. Kung siya lang din naman magiging biyenan ko wala akong reklamo. Hahaha. Malas lang ni Sheila dati sobrang epal nung ex-biyenan. Buti na lang talaga hiwalay na sila nung asawa niya. Kaaga kasi bumigay eh, dinaig pa ko?! Di nga ako makapaniwala nung sinabi niya na ikakasal na siya 5 years ago. To think na 18 pa lang kami nun?!! Tapos itong si Bianca kinasal sa asawa ng kapatid niya. Ba naman!

"Oo na!" naiinis na sagot ni Stanley.

"Oh kailan na ba ang kasal? Pwede bang ngayon na? Gusto niyo tawagan ko na yung mayor?" natawa lang ako kasi halata yung excitement sa itsura ni Papa. Bagets talaga!

Tahimik lang si Stanley sa buong dinner kami lang ni Papa ata yung di na naubusan ng pag-uusapan at hindi ko mapigilan ang tumawa ng tumawa kasi nakakaaliw talaga siya. Kung hindi lang din ako naging fiancee ni Stan baka nga madrasta na niya ako ngayon. Hahaha! Kahit sino mapapamahal kay Sander. Muy simpatiko eka nga. Nagsimula ng sumayaw yung mga tao sa kabilang table hinintay kong ayain akong sumayaw ni Stan pero wala ata sa mood. Hays. Buti na lang gentleman si Sander at inaya akong sumayaw.

Bigla na lang nag change yung kanta sa masaya at maharot na sayaw kaya wala kaming nagawa kundi sumayaw sa maharot na tugtugin na iyon. 

"Magaling ka pala sasayaw Jacques." nginitian ko lang si Sander at piangpatuloy yung pagsayaw. Natutuwa ako sa kanya. Kaya niya kong sakyan kahit may edad na. Hahaha. Naging slow yung tugtog at magsasayaw na sana kami ng biglang sumulpot sa harap ko si Stanley at hinawakan ako sa baywang upang isayaw. Nakita ko na lang na nag thumbs up si Sander at bumalik na sa table namin. 

Isinandal ko na lang yung mukha ko sa dibdib ni Stanley at niramdam yung moment na 'to. Kahit ganito lang maramdaman ko naman sana na mahal niya ko kahit kunwari lang diba? Naramdaman ko na humigpit yung yakap niya sa akin.

"Overprotective ba ako kung babawalan kitang lumapit kay Papa? Wag mo ng tanungin kung bakit. Hindi ko din masasagot." humarap siya sa akin na seryosong seryoso. Napatulala na lang ako kasi ano ba!! Nalilito na ko! Hinalikan niya ko. Passionate.

Guess what kung kailan ang kasal?!!

Sa July 27, 2012!

to be continued...

Kailangan ko ata dalasan update ko kasi naman baka abutin 'to ng next year kung ganito. Hahaha! Joke! Ayun ang haba pa ata? siguro bibilis na after wedding. 

Jackley moments or Jander moments?

VOTE COMMENT AND RECOMMEND

Tatry ko mag-update ng madalas. Try po ah.

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsWhere stories live. Discover now