Starry Night

1K 16 0
                                    

Unique S. | You

Badjao De Castro, Blaster Silonga, and Zild Benitez will be playing minor roles in this story.


• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

Mag-isa.

Ito ang aking nakasanayan.

Kasalukuyan akong nakaupo sa upuang gawa sa semento at nakatuon ang aking mga siko sa mesa sa harap ko na gawa rin sa semento. Ang puwestong ito'y katabi lang ng isang bangin, at sa bangin na ito'y masisilayan mo ang isang buong lungsod.

Nagtataasan ang mga naggagandahang gusali na mayroong mga maliliwanag na ilaw na nanggaling sa loob ng mga ito- mga ilaw na tila nakikipag-paligsahan sa mga talang kumikinang nang para bang wala nang bukas.

Siguro'y tahimik ang aking kapaligiran, hindi ko alam pagkat nagiging sagabal dito ang musikang pumapasok sa mga tenga ko. Hindi naman ako aangal rito.

Tinitigan ko ang kandila na nasa gitna ng lamesa, at halos ikinagulat ko nang biglang...

"Y/N?"

Napatingin nalang ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses na 'yon. Nang makita ko ang taong nakatayo malapit sa'kin ngayon ay akala ko namalikmata lang ako, ngunit hindi―hindi ako nagkamali, siya nga.

"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko.

Nakapasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nang marinig niya ang aking tanong ay bumagsak ang tingin niya sa lupa ngunit agad naman niyang binalik sa'kin ang tingin niya.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Malamig na sagot niya. Oo, tanong ang sinabi niya ngunit sagot na ang turing ko diyan dahil naintindihan ko naman agad.

Napailing ako sa inasta ko. Siguro'y may kaunting galit pa rin sa loob-looban ko para sa kaniya, sa unang lalaking aking inibig, at sa lalaking nagturo sa'kin kung pa'no mahalin ang sarili ko.

Nang maalala ko lahat ng natutunan ko dahil sa kaniya'y mabilis namang napawi ang anumang galit na kanina lang ay mayroon ako.

Binalik ko nalang ang mga titig ko sa mga gusali, at nakita ko sa dulo ng mata ko na tumingin rin siya doon.

Narinig ko ang kaniyang mga paang naglalakad papalapit sa akin, ngunit 'di ko ito pinansin.

Nang makarating siya sa may lamesa ay naramdaman kong tumigil siya kaya naman napatingala ako sa kaniya.

"Oh. Where are my manners?" Napatanong nalang ako at tinuro ang upuan bilang senyas sa kaniya na maari siyang umupo. Binalik ko ang paningin ko sa kawalan habang nakikinig parin sa musika, ngunit tinanggal ko na ang sa isa kong tainga para kung may sasabihin siya'y marinig ko nang ayos.

Yellow faces, 1, 2, 3
Lit by fire from underneath
Your hair was tangled in the trees
On the night you darken me

"Y/N.." Muling pagtawag niya sa'kin at madali naman niyang nakuha ang atensyon ko. "Sorry.."

Kumunot naman ang noo ko. "Sorry? Sorry saan?"

Tiningnan niya ako sa mata, pagpapakita ng sinseridad niya.

Tiningnan niya lang ako sa mata pero naintindihan ko naman agad kung ano ang tinutukoy niya.

Nando'n pa rin pala 'yon, nagkakaintindihan pa rin pala ang aming mga mata.

"Ah.. Wala na 'yon sa'kin, Unique." Nginitian ko siya.

Your fingers rose up from the ground
And reached for others in the clouds
Cracked their knuckles so damn loud
And on the spot, king I was crowned

One Shots - IV OF SPADESWhere stories live. Discover now