Gaya ng sabi niya ay kumain ako. Paunti-unti dahil pakiramdam ko ay sumisikip ang aking dibdib. Nang maubos ko lahat ay inubos ko ang tubig na nasa aking baso. Helion stared at me in amusement.

" Good." bulong niya kaya ngumiti ako. Balak ata akong patabain ni Helion kapag nagkikita kami. He would always buy more food for the two of us, minsan ay sobra pa nga. We sometimes end up giving the left over food to some street kids.

" Tita, malapit na po pala ang birthday ni Lola." sabi ko nang magsimula kaming mag-ayos ng kusina. Sinulyapan ako ni Tita.

" Balak ko sanang dalhin ang inay sa parke, Raya. Hindi ko naman alam kong pwede ba iyon pero mas mapapanatag ako kung dito na lang sa bahay. Imbitahan mo si Helion, maghahanda ako ng hapunan." ani Tita at inabot sa akin ang puting bowl.

Wala akong masyadong nagawa ng sumunod na mga araw. Panay lang din ang palitan namin ng text ni Helion at minsa'y tumatawag siya para kumustahin ako.

Palagi kaming magkasamang dalawa simula nang sabihin niyang liligawan niya ako. Hindi ko nga rin alam kung bakit pumayag ako. Siguro ay dahil sa katotohanang gusto kong maranasan kung paano magkaroon ng kasintahan. What we have right now is something to cherish for a moment.

Hindi ko rin alam kung saan kami hahantong pero sana nama'y may magandang dulot ito sa aming dalawa. We both know that we need to give an extra effort for everything. Sa nakikita ko naman kay Helion ay seryoso siya sa akin. He's passionate after all. Mahal niya kung ano man ang nagagawa niya. That man did not fail to amaze me everytime. Kahit sobrang misteryoso ng dating ni Helion, alam ko na isa siyang mabait na tao. Beyond those sharp physical appearance lies a man who would do anything just to get what he loves.

Dumating ang lunes at sinundo ako ni Helion sa bahay. Bumati siya saglit kina tita bago kami tumulak papuntang school. Sa ngayon wala naman akong nakikitang bagay na di magugustuhan ni Tita kay Helion. Sa kwento pa nga ni Tita ay malaki ang tiwala niya kay Helion na maaalagaan ako nito nang maayos. I believe in that thought.

Ngumiti ako kay Helion nang makapasok kami ng sasakyan. Umusog siya palapit sa akin at hinawakan kaagad ang aking kamay.

" Good morning!" bati niya.

" Good morning!" bumati ako pabalik at binati na rin si Geo na nagsisimula nang imaniubra ang sasakyan.

" Did you sleep well last night?" tanong ni Helion nang makalabas na sa aming street ang sasakyan. Tumango ako sa kaniya at tinanaw ang binabaybay naming daan.

" Ikaw?" balik kong tanong.

" I did. I woke up early too just to call my mom." aniya at pinaglaruan ang aking daliri. Isa-isa niyang pinaraanan iyon ng kaniyang hinlalaki. He would draw circles on my palm simultaneously.

" Nakakain ka na ng agahan mo?" tanong ko sa kaniya nang madaanan namin ang isang drive thru.

" Yeah. I had coffee and bread this morning." aniya kaya napanguso ako. Ibinaling ko ang tingin sa kaniya at sandaling pinaningkitan siya nang mata.

" You should've eat rice. Marunong ka namang magluto." suway ko. Amusement rose in his eyes and kissed the back of my hand. Ang kaniyang labi ay sandaling ngumisi sa akin.

" I want you to cook for me." aniya. Umirap ako ngunit hindi nakatakas ang ngiti sa akin. Palagi niyang hinihingi sa akin na ipagluto ko siya. Minsan ko naman siyang naipagluto noong dumaan siya sa bistro para kumain. Sakto namang nakatoka ako sa kitchen at talagang tinanong niya pa si Ate joy kung nasaan ako.

Nang makarating kami sa university ay hinatid na ako ni Helion sa building namin. Nagpaalam na rin siya sa aking hindi na makakasabay sa tanghalian kaya okay lang naman sa akin. Nangako rin siyang magtetext kahit hindi naman suya obligadong gawin iyon.

Nang naglunch ay nagpaalam muna ako kay Jeni na pupuntang cr. Ilang pawis ang pinunasan ko at naglagay rin ako ng powder sa aking mukha. Namumutla ang aking labi kaya naman naglagay ako ng kaunting lipstick.

Bumukas ang pinto ng cr at pumasok ang isang pamilyar na babae. With her curly hair and fair complexion, she looks like a goddess. Pinaraanan ako nito ng tingin bago nagtaas ng kilay. Her mouth twitch in the corner before standing beside me. Humigpit ang hawak ko sa aking bag na nasa ibabaw ng sink.

" Nuraya, right?" rinig kong tanong niya. Nang sulyapan ko ito ay naglalagay siya ng lipstick sa kaniyang labi. She slightly puckered her lips before facing me. Ngayon ko lang napansin na may suot siyang kolorete sa mukha but it looks natural.

"Ako nga, bakit?" tuluyan na itong humarap sa akin nang sumagot ako. She crossed her arms and stared back at me. Pinaraanan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Umayos ako ng tayo at kinagat ang aking labi.

Ngayong nakita ko siya nang malapitan, natitiyak kong siya nga ang kasama ni Helion nang minsang mapadpad ako sa building nila.

" I don't know what he sees in you. You're just a commoner." aniya at bakas ang panunuya sa boses. Naikuyom ko ang aking mga kamay.

" Hindi ko alam ang sinasabi mo." tanggi ko kahit na may hinala na ako lung saan hahantong ang usapang ito.

She smirked. Hinawi niya ang kaniyang buhok bago ako tinaasan ng kilay. " Don't play dumb, Nuraya. We both know that this conversation only goes to one particular person. Tss, hindi ko alam kung bakit at ano nga ba ang nakikita ni Helion sa'yo. I'm better than you in any aspects. "

Mas lalong dumiin ang pagkakakuyom ko sa aking kamay. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero kailangan ko na itong iwasan. Wala akong ginagawa sa kaniya pero bakit ginagawa niya to? Dahil ba kay Helion? Gusto niya ba si Helion?

" You know what? I like Helion. We've been close ever since we're freshmen and a trash like you actually doesn't belong in our circle. Sa tingin mo ba ay bagay kayo ni Helion? Well, think again girl. " Umirap siya sa akin bago ako tinalikuran.I took a step forward but stopped myself in an instant. Hindi ko kayang gumanti pero gusto kong magbilin sa kaniya. Hinding-hindi ko papalagpasin ang panlalait niya sa akin.

" Kung basura ako, ano ka na lang? Pilit mong isinisiksik ang sarili mo sa taong ayaw naman sa'yo. Hindi ka ba nakikiramdam?" ganti ko. Huminto siya sa paghakbang at humarap sa akin.

" Oh please, Raya. Stop dreaming. Time will come, Helion will leave you. Akala mo ba ay magtatagal kayo? I am capable of stealing him away from you, Raya. Sobrang lapit lang namin sa isa't isa, you think you can beat that? " She turned her back on me and walked gracefully. Napasandal ako sa sink dahil bigla akong nanghina. Hindi ko alam kung doon ba sa sinabi niyang iiwan ako ni Helion o yung kaya niyang agawin si Helion sa akin.

Ilang minuto pa akong nanatili bago ko naiayos ang akong sarili. Nalipasan na ako ng gutom at nagtext na lang ako kay Jeni na sumama ang pakiramdam ko. Napadpad ako sa garden ng school na walang masyadong tao probably because tapos na ang lunch break at ang iba ay may klase na.

Isang text galing kay Helion ang nakapukaw ng aking atensyon.

Helion:

Please don't skip lunch, okay?

Sumikip ang dibdib ko sa text niyang iyon. Kahit simpleng paalala niya lang iyon ay nararamdaman kong concern sa akin si Helion. Huminga ako nang malalim bago nagtipa ng irereply.

Ako:

I'm done eating. Please don't skip lunch too.

All I have to Give (Absinthe Series 1)Where stories live. Discover now