“Sinong mga kaibigan?”

 

“Yung mga kaibigan kong Fine Arts ang course. Sabi nga nila, pati raw yung kay Trent, naisama eh.”

 

“Si Trent? Yung photo collage niya?”

 

“Teka paano mo nalaman na ay kinalaman sa photography yung ginagawa ng kumag na yun? Nasabi ko na ba sayo yun?”

Natigilan bigla si Richelle. Hindi pa nga pala niya nasasabi kay Shane yung pagsunud-sunod sa kanya noon ni Trent para lang kuhaan siya ng pictures ng walang paalam. Pero dahil nag-sorry naman ito sa kanya, mukhang ‘di rin naman magiging problema kung sasabihin niya ang totoo kay Shane—kahit pa may konting pagbabago ito.

“Um… kasi nagpaalam saakin noon si Trent. Ayun sabi niya nga photographer siya… tapos kinuha niya akong subject para sa project niya.”

 

“Talaga? So nag-photoshoot kayo ng ‘di ko alam?”

 

“Hindi! Actually, stolen shots yung ginawa niya.”

Napa-isip si Shane sa sinabi ni Richelle. “Stolen shots? Bale parang sumusunod-sunod siya sayo? Parang—”

 

“Stalker?”

 

“Hindi! Paparazzi!”

 

“Ah oo… paparazzi. Parang ganun nga.”

 

“Lalo tuloy akong na-curious sa ginawa niya sa mga pictures mo.”

 

Agad nang nagpunta ang dalawa sa NEU Museum para tignan ang gawa ni Trent. Sa may featured photography section sila nagtungo at doon ay inisa-isa ang mga gawa ng estudyante. Ngunit nang mahanap na nila pareho ang pangalan ni Trent, ibang photo collage niya ang naka-display.

“Hindi naman ikaw ‘to, Iche.” Saad ni Shane habang nakatitig sa pinagpatong-patong na litrato ng iba’t ibang babae. Kahit pa inisa-isa na niya ang mga yun, wala siyang nakita na kahit na anong picture ni Richelle.

“That’s weird. Sabi niya, gandang-ganda siya sa mga kuha niyang pictures saakin.” Medyo napasimangot na komento ni Richelle. Maging siya ay nagtataka kung bakit hindi yung pictures niya ang ginamit ni Trent. “Ginoyo lang siguro ako ng kaibigan mong yun.”

 

“O pwede ring magaganda talaga yung mga pictures mo. Sinolo lang ng kumag na yun.” Napapailing na sabi ni Shane. “Kapag nagkita kami ni Trent mamaya. Tatanong ko nga sa kanya.”

Habang nag-uusap sila tungkol kay Trent ay sakto namang napadaan din ang isa sa mga kaibigan ni Shane na nakakakilala rin kay Trent. Sinadya talaga nitong tumigil sa harap nila. “Shane, hinahanap mo si Trent?”

Psycho's Love Interest ✔Where stories live. Discover now