CHAPTER 20

8 1 0
                                    

Ervin pov
Tumakbo si cath at hindi na nakasagut sa tanong ko, ano ba talaga ako sakaniya? Yan ang tanong sa isip ko ngayun, pinunasan ko naman ang mga luha kong pumatak ,hindi na ako tumuloy sa ibang subject ko umuwi nalang ako sa bahay namin

"Oh anak ano bang nangyayari sayo? Wala naba kayong klase?" Tanong ni mama pagkauwi ko

"Ma merun pa po kaso sumama ang pakiramdam ko,sige po pupunta lang ako sa room ko" sabi ko at naglakad na hindi naman na ako kinulit ni mama

Nagkulong ako sa room ko, habang iniisip ko ang mga nangyari, noon napakasaya lang namin pero ngayun ganito na ang nangyayari sa relationship namin, kailan paba maayus ang lahat? Hindi kuna alam ang gagawin ko,susuko naba ako? o pagpapatuloy kopa ang kabaliwan kong ito?

Willie pov
Bigla namang nawala si ervin sa paningin namin, hindi nadin siya pumasok sa next subject

"Pare " tawag ko kay tristan

"Bakit?" Tanong niya

"Kawawa naman si ervin pre, palagi nalang siyang lasing" sabi ko

"Shempre ikaw naman ang heart broken tiyak gagawin mo din yan" sabi niya

Pauwi na sana kami nong biglang may tumawag

Calling tita trishia...

"Hello tita" sabi ko

"Hello willie pwedi bang pumunta kayo dito sa bahay dalian niyo" sabi ni tita

"Ah bakit po tita?" Tanong ko naguguluhan na kasi ako

"Si hik ervin kasi hik nagwawala sa room niya hik" sabi ni tita at alam kong umiiyak siya

"Sige po tita" sabi ko at binaba na ang tawag

"Oh willie anong nangyari?" Tanong ni steve

"Si tita tumawag nagwawala daw si ervin " sabi ko na may pagaalala sa boses ko

"Ano pang ginagawa natin tara nA" sabi ni steven at pumasuk na sa kotse niya at pinaharurut ito grabi naman to

Sumakay nadin ako sa kotse ko at pinaandar na ito
After 30 minutes nakarating na kami sa bahay nila ervin

Pagbabako agad naman bumungad si tita na umiiyak

"Tita ano ba ang nangyari?" Tanong ko agad

"Umuwi siya kanina, sabi niya masama daw pakiramdam niya,hindi nagtagal may narinig na akong nabasag sa room niya" sabi ni tita

"Sige po tita pasuk na kami" sabi ko pero bago ako pumasuk kinausap ko si steve

"Steve tawagan mo si cath kailangan niyang malaman ito" sabi ko at pumasuk na

"Pare tumigil kana jan!" Sigaw ko para marinig niya

"Knock knock knock!!" Kinatuk katuk ko pa
"Pare umalis na kayo" sabi niya sa loob ng kwrato niya

"Hindi kami aalis kaibigan mo kami ervin!!" Sigaw ni tristan

"Sabi ko umalis na kayo!! Pabayaan niyo na ako!" Sigaw niya

"Anong pabayaan ka jan ha! Naririnig moba ang sarili mo ha!" Sigaw ni steven

"Pesti umalis na kayo!!" Sabi niya at nagbasag pa ulit

"Ano steve nakausap muna ba si cath?" Tanong ko kay steve na parating

"Oo papunta nadaw sila" sabi niya

"Mabuti kong ganun alam ko si cath lang ang makakausap sakaniya ng matino" sabi ko

Cath pov

Pauwi na sana kami nong biglang tumawag si steve

"Hello steve bakit ka napatawag?" Tanong ko agad

"Kasi cath si ervin" sabi niya bigla naman akong kinituban

"Bakit? Anong nangyari sakaniya?" Tanong ko agad agad

"Nagwawala si ervin pumonta ka dito sa bahay nila" pagkasabi niya yun binaba kuna ang tawag niya

"Oh cath anong nangyari? Sinu ba ang tumawag?" Tanong nila

"Si ervin nagwawala daw tara puntahan natin siya" sabi ko at pumasuk na sa loob ng kotse ko at pinaharurut kuna ito

Ervin huwag mo namang gawin sa sarili moto oh pls lang,sabi ko sa utak ko

After 30 minutes nakarating na kami
Agad akong bumaba sa kotse ko pumasuk ako sa loob nakita ko naman si tita

"Tita ano po ang nangyari?" Tanong ko

"Hindi kuna alam ija" sabi niya at agad akong nagtungo sa kwarto niya nakita ko naman sila steve,steven,tristan at willie sa tapat ng kwarto niya

May narinig naman akong nabasag ulit sa kwarto niya

"Ervin ako to buksan mo ang pinto" sabi ko

"Umalis na kayo!! Hindi ko kayo kailangan" sabi niya at ako naman naiyak na kaya mo yan cath kaya mo yan

"Tangina naman ervin!! Bubuksan muba ang tanginang pintong to o sisirain ko ito!" Sigaw ko tinignan ko naman ang mga kasama ko nakatulala lang sila

Wala naman akong narinig na sagut niya

"Sige pag dimo ito binuksan hindi muna ako makikita pa!!" Sigaw ko

Bigla naman niyang binuksan ang pinto at hinila ako papasuk
Sinara din niya ito

Nakita ko naman ang kalat na basag na gamit, nakita ko din ang mga kamay ni ervin puro dugo na ito

Bigla ko naman siyang niyakap
"Ervin hik ano bang hik ginagawa mo hik bakit mo ginawa to hik" hindi kuna napigilan ang sarili ko at umiyak na ako

"Shhhh wala to cath naglalaro lang naman ako eh" sabi niya at humiwalay sa pagkakayakap ko

"Anong klasing laro to ervin! " sigaw ko at sinuntok ko siya sa dibdib pero hindi malakas

"Naglalaro ako kong pano ako mamatay pag nawala ka" sabi niya at ang mga ngiti niya napalitan ng lungkot at lumuha na siya

"Huwag mo namang gawin to hik please lang hik huwag mong saktan ang sarili mo hik" sabi ko at lumuhod sa harapan niya

"Tumayo ka jan my princess" sabi niya at tinayo ako

"Bakit moba ako iniwan hik bakit cath hik ?" Tanong niya sakin

"Para sa kaligtasan mo hik kapag hindi pa ako lumayo sayo hik mapapahamak ka" sabi ko at niyakap ko siya

"Ayus lang naman ako cath ,at ano bang sinasabi mo na mapapahamak ako?" Tanong niya kailangan ko ng sabihin ang lahat lahat

"Alam mo ba nong napahamak ka? Nong araw na nasa garden tayo at bumili ka ng pagkain natin,ako ang nagligtas sayo" sabi ko

"Isa akong mafia boss ervin,kaya naman nong napahamak ka napagtanto ko na hindi tayo para sa isat isa kasi mafia boss ako baka hindi mo ako matangap,ayukong mapahamak ka dahil sakin ,ayukong mawala ka sa buhay ko ok na sakin pag alam kong ligtas ka,huwag ka lang mamatay dahil diko kaya,pero mali pala ang ginawa kong pangiwan sayo, lahat ng ginawa mo sa sarili mo nasasaktan din ako dahil alam ko ako ang dahilan kong bakit ka nasasaktan" sabi ko at kumalas sa yakap ko

"Cath tangap kita kahit sinu kapa,kahit mafia boss kapa huwag mo ng uulitin ang paglayo mo sakin my princess hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari yun" sabi niya at hinalikan niya ako namiss ko ang halik niya namiss ko ito sana ganito nalang kami yung walang problema

"Promise mo huwag mo na akong iiwan" sabi niya

Tumango nalang ako at niligpit lahat ng kalat dito sa room niya ,pagkatapos ko non yung kamay naman niya ang ginamut ko

"Huwag mona itong uulitin" sabi ko

MISS FAMOUS MEET MR. LOSER(Complete)Where stories live. Discover now