Chapter XXVIII " AWKWARD "

Start from the beginning
                                    

Bakit na lang kasi hindi ako ... ? * sigh * - sabi ko pa sabay pakawala ng buntong hininga .

Bakit siya pa ... - malungkot kung sabi . Sana hindi niya marinig nakakahiya na . Sabihin nag seselos ako . Which is totoo naman . Ayaw ko lang malaman niya nakakahiya sabihin pa niyang kalalaki kung tao nagseselos pa .

Bakit tuluyan kang nag iba ng pakikitungo sa akin . ? Bakit hindi mo na ako maalala ? Bakit kinalimutan mo na ako ? - mga tanong ko sa tulog kung kausap . Hindi kasi malinaw sa akin ang lahat lahat . Naalala naman niya ang buong barkada except me . Kaya mahirap tanggapin . Pati si Diego na kaaway namin dati , nung mga bata pa kami ay natatandaan pero ako hindi . Hindi katanggap tanggap aah . UNFAiR ^_^ Bakit sa dami ng taong kakalimutan bakit ako pa , diba ?

Hindi na ba ako mahalaga sayo ? Kaya ginusto mo na lang na kalimutan ako at burahin sa buhay mo ? - Sh*t . bat ako napapaiyak . Ang baduy ko . Ang sakit lang eh ! Kasama mo nga siya ngayon hindi ka naman kilala at hindi ka naman ang taong gusto niyang makasama . Selfish na kung selfish, pero ayaw ko talaga na may isipin at lalong mahalin pang iba si Sue bukod sa akin . Mamatay muna ako . Sa akin lang si Sue , sa akin lang . Period .

Mahal na mahal kita , Sue . Mahal na mahal . Sana dumating din ang panahon na mahalin mo din ako . - sabi ko pa . Sabay ng pagtulo ng luha ko . Hinaplos ko ang buhok niya saka . Ako humiga ng maayos pero nakatitig pa rin sa kanya . An'saya lang pagmasdan ni Sue pag tulog . Ang cute niya nakakapanginit ng katawan . Haissst ! Ano ba itong naiisip ko . Erase ! Makatulog na nga lang . Baka ...

°

°

°

°

°

°

°

°

°

Kimberly Sue Yap Chiu   P.O.V

Awkward -_-

I hate this moment . Katabi ang isang lalaki . Ay , nakalimutan ko fiance ko pala . Oo , fiance pa lang at hindi asawa . Pero magkatabi na sa kama , parang ang sagwa lang pakinggan . Hindi ako komportable at hindi makatulog .

Wala akong maisip na dahilan kung bakit ikinulong kami ng matatanda sa iisang bahay at nag iwan lang ng iisang bukas na kwarto . anong iniisip nilang plano sa amin . Bakit ba nila nagawa sa akin to . Especially ang magulang ko . As in duh ? Bakit nila hinayaan na mag kaganito ? Tsssh .

Awkward na nga .. mas pina awkward pa .

Biruin niyo . Kinakausap ako . Akala siguro tulog ako . Sabi ko na hindi ako makakatulog eh . Pumikit lang ako para isipin tulog na ako . Malay ko bang haharap siya sa akin , at mas lalong malay ko bang kakausapin ako at maglalabas ng lahat ng saloobin . Dapat sa MMK na siya nagsulat . Ala teleserye ang kwento eh .

Pero bakit parang tagos hanggang puso . Bakit parang dama ko kung paano siya nasasaktan ? Bakit dama ko ang kalungkutan niya ? Bakit tagos sa puso ko mga hinanakit sa akin . Bakit naramdaman ko at nagalak ang puso ko ng marinig ang katagang " MAHAL NA MAHAL KITA , SUE "  bakit ?

Hindi pwede maapektuhan ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito . Siya ang dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ni Robi . Nanliligaw na ang lalaking gusto ko pero nawala at naputol ng dahil sa lalaking kasama ko ngayon . Kasalanan niya to . Wala akong paki kung malungkot siya . Hindi rin ba niya naisip na mas nasasaktan ako kesa sa kanya . Ako ang inalisan ng karapatan . Karapatan umibig at piliin ang lalaking gusto ko . Walang wala na ako . Sarili ko dapat kung kaawahan at hindi siya . Magdusa siya at umasa siyang walang aasahan sa aking pag ibig . Hindi ko mamahalin ang tulad niya . 

A Parental Wedding Story - kimxi (APWS)  "Editing"Where stories live. Discover now