Lunipas ang isang linggo na hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ng lalaki. Minsan kahit alam nyang nakamasid lang ito sa kanya mula sa kabilang building ay pinipilit nya ang sarili ng wag bumaling sa gawi niyon.
Alam nya naman na hindi nya ito matatakbuhan forever pero hanggat maari ay wag na lang muna silang magkita o mag-usap.
It was lunch time, absent si Jhesy for some unknown reason kaya mas pinili nyang magstay na lang sa loob ng classroom.
She was browsing on her Facebook's newsfeed ng mahagip ang isang post ni Miguel.
Miguel Andrew Sandoval 3 hours ago
I miss you. I miss your smile. I miss your laugh. I miss everything about you.
She idea of that message being meant for her crossed her mind but she decided to brush it away. Sigurado syang para ito sa girlfriend nya.
"Gab. May nagpapabigay sayo." She looked up to see one of her classmates na iniaabot sa kanya ang isang piraso ng pulang rosas, isang sandwich at isang bote ng orange juice.
Nag-aalangan naman nyang kinuha iyon. "Sino daw?" Tanong niya dito. "Andun sa labas, kanina pa sya dun. " "Ah, sige thank you."
Humugot sya ng isang malalim na buntong hininga bago nagdecide na labasin ang taong iyon.
"Gab..long time no see"
It was Adrian. He was all smiles at her samantalang hindi nya naman malaman kung matutuwaba sya o malulungkot dahil hindi ito ang taong inaasahan nya.
But still, she smiled.
"Oo nga. Kamusta ka na? Thank you dito ha."
"Okay lang, eto, hindi pa rin nakakamove on. Gab, I know this may be a bit too sudden. But, can you give me another chance to prove myself to you?"
Saglit syang natigilan. Kalahating taon na rin pala mula ng bastedin nya ang lalaki, and she was never the type na magpapaasa dahil alam nya kung paano kasakit iyon.
Akma syang sasagot sa sinabi nito ng mahagip ng kanyang mga mata ang papalapit na si Miguel.
Hindi nya alam kung saan sya kumuha ng lakas ng loob o kung ano man ang pumasok sa isip nya but she decided to hug Adrian bago pa tuluyang makalapit ang lalaki.
"Thank you for loving me Adrian." She closed her eyes and faked a smile. "Yes...I will give you a chance." She opened her eyes and looked at Miguel who stopped walking towards them. He looked serious. That look that she never saw in him before because he always smiles.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Thank you Gab, I promise you hinding hindi ka magsisisi.. Gagawin ko ang best ko para maipakita sayo na you and I are meant to be with each other."
She replied with a smile pero ang mga mata'y nakatuon sa lalaking totoong nilalaman ng kanyang puso. Mali ba? Mali bang protektahan nya ang sarili from hurting again?