Chapter One

281 9 3
                                    

Late ka na naman.

I mentally said it to myself after seeing your vacant chair because it's already 7:30 in the morning na and you're still not here.

Sabagay, wala naman nang bago sa pagiging late mo sa mga morning classes mo.

Parang ako, wala pa ding pinagbabago. 

Ikaw pa din yung gusto ko since day one na nakita kita—ay nabangga mo pala ako noon sa may hallway kasi nagmamadali ka ata?

Hays. 

Pumasok na ako sa loob ng room. Medyo mahigpit pa naman yung prof namin sa CHC111 lalo na't kapag late yung estudyante.

Wala pa din siya? I wrote down after reaching my chair besides Rina, my blockmate. 

Ibibigay ko na sana sakanya itong papel na pinagsulatan ko pero bigla namang dumating yung professor ko.

Napalingon tuloy ako sa bakante mong upuan na nasa likuran ko bago ako napaayos ng upo.

Tuluyan ka na talagang nalate, no?

Napapailing na lang ako na tinitingnan yung pintuan ng room baka saking makaabot ka sa extended time frame ni Ms. Inocencio para sa mga late na kagaya mo.

Lumipas ang sampung minuto pero wala ka pa din. 

Actually, hinintay ka talaga namin dahil may pairing na magaganap para sa project natin kaso ang tagal mo. Kaya no choice kami kundi magpatuloy na lang ng wala ka.

Asan ka na ba kasi? 

Atsaka, kanina pa din talaga kita hinihintay. Kasi pakiramdam ko parang kulang yung araw ko ng hindi kita nakikita.

Pero syempre, biro lang yon.

"Ms. Rivera," tawag ng professor ko sa akin. Medyo kinakabahan din ako kung sino ang makaka-partner ko since di ko naman ka-close lahat ng mga kaklase ko sa subject niya. Tumingin na lang ako sa kanya habang hinihintay kong sabihin niya kung sino ang magiging kapartner ko.

"I'll be pairing you with—" kaso bigla siyang napatigil sa mga sasabihin niya.

Kasi bigla kang dumating.

Kasabay nang pagtigil ng mundo ko kahit alam kong hindi naman ako yung mundo mo.

Kasabay nang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko habang nakikita kong hinihingal ka.

Para ka ngang hinabol ng sampung aso sa itsura mo dahil pinagpapawisan ka na.

Pero don't worry, ang cute mo pa din and I don't know why.

Probably, because I like you.

"Ma'am, I'm sorry. I'm late again." Paghingi mo ng despensa habang pinapaypayan mo ng kamay mo yung sarili mo.

Sinamaan ka lang ng tingin ni Ms. Inocencio saka tumango. "Anyway, I'll be pairing you up instead with Ms. Rivera for our first project in Choral Conduct." She said.

Para akong nabingi that time when our professor mentioned my name and you being my partner.

Teka lang.

Ikaw?

Ikaw talaga yung magiging partner ko?

Panghabang-buhay?

Joke.

Sa project lang pala.

  ━━━━━━  

072418/21:37

Silently Loving YouWhere stories live. Discover now