"Bes, bakit ako masasaktan? Hindi naman kami diba? Yan na rin siguro yung sagot sa tanong mo kung bakit hindi sya nanliligaw.. Baka naman, may iba na talaga syang gusto at friendship lang ang habol nya sa kin diba?" Tototo naman. Wala silang relasyon, kaya, anong karapatan nyang masaktan? "Tara na, gutom na gutom na ko." She smiled saka tinalikuran ang kaibigan.
Hindi na nila napag-usapan pa ang tagpong iyon. Naging tahimik lang sila sa pagkain hanggang sa hindi na rin natuloy ang plano niyang sleep over. She decided to just go home dahil hindi man nya aminin ay alam nyang apektado sya sa nakita.
Alas nwebe na ng magising sya sa ingay ng kanyang cellphone.
Miguel calling.... Accept|Decline
Ilang minuto nya rin iyong tinitigan. Nagdadalawang isip kung sasagutin ba ang tawag ng lalaki.
Call ended.
Kusa na rin iyong tumigil sa pagriring, pero Maya Maya lang ay tumunog ang alert niyon para sa isang text message.
From Miguel: Gisingka pa? Kung tulogkana, goodnight. See you tomorrow :)
Mas pinili nyang wag na lang magreply dito. Her heart is still heavy and she just wants to be alone and sad right now. Matapos I silent ang cellphone ay agad rin syang nakatulog.
"Gab. I love you." She cried when she felt his arms wrapped around her waist. She turned to cup his face and kissed the tip of his nose. It has been a long time...
"I love you too..."
"Ang sakit ng ulo ko." Nakapout niyang hinilot ang sentido habang pinapanuod si Jhesy na kumain. Wala na naman syang gana, matapos kase nyang magising ng alas tres ng umaga dahil sa panaginip na iyon ay hindi na sya nakatulog pa ulet. It has been a long time Simula ng huli nyang mapanaginipan si Mr.Man of her dreams.
Dahil puno ng puno sa cafeteria ay napili nilang kumaen na lang sa Garden ng school. Mabuti na lang at hindi na masyadong nag-uuulan these days at hindi rin naman mainit masyado ang panahon.
"Naku, bagaynabagaytalagasila no? Parasilang power couple."
At dahil na rin sa curiosity ay sinundan nila ng tingin ang tinitingnan ng dalawang babae.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Miguel and a girl were sitting in a bench not too far from them. Masyado silang seryoso sa pag-uusap na ni hindi man lang sila nito napuna.
The girl was pretty. No, she was gorgeous. Maamo ang mukha, elegante at mapostura.
A tear fell from her eyes. There's the sharp shard of pain in her chest again.
"Bes, okay ka lang?" "H-huh? O-oo bes, okay lang ako, bakit naman ako hindi magiging okay?" She smiled after wiping the tear without letting jhesy notice it.
So sya pala yung tinutukoy ng mga Babae kanina na umagaw kay miguel sa girlfriend nito. Why? How? When?
Wala namang interest sa kanya ang lalaki in the first place. They're just friends. Right? Oo, she likes him...siguro nga mahal nya na ito, pero she never stole him from anybody.
"Excuse me." Tumayo sya sa kinauupuan at hinarap ang dalawang babae. "Ako ba yung pinag-uusapan nyo kanina?"
Batid nya ang gulat sa mga mukha nito pati na rin kay Jhesy pero she just can't stand being misunderstood by anybody.
"Wala akong inagaw dahil wala naman kaming relasyon ni Miguel. We're friends and that's it. May boyfriend ako kaya wala akong planong mang agaw ng boyfriend ng kung sino-sino." She said and left. Hindi na nya napansin ang pagtaas ng Boses nya, o kung aware man sya ay wala naman din syang pakialam. Dumiretso sya sa classroom at dahil nakalunch pa rin ang lahat ay walang tao duon ngayon.
She wanted to cry but she was just stronger than that.
"Bes!" Worried na lumapit sa kanya ang kaibigan. "What's wrong? Gusto mo ba awayin ko sila?"
Marahas siyang umiling habang pinipigil pa rin ang pagiyak.
"Ikaw naman kase, bakit kinikimkim mo? Andito lang ako oh. You can tell me anything. You can cry on me. Dahil kapag kinikim mo yan, mas lalong sasakit."
Sa sinabing iyon ng kaibigan ,tuluyan ng lumabas ang lahat ng sakit na itinago nya sa dibdib. She cried her heart out sa balikat ng kaibigan.
Sigurado na sya ngayon, mahal nya si Miguel. Nahulog sya sa isang lalaking pa-fall at mabait sa lahat ng babaeng kakilala nito. Ang masakit pa nito, he did nothing wrong but befriend her. Sya ang may problema dahil sya yung nahulog.
Miguel Calling.... accept|decline
Hindi nya iyon sinagot. Ni isa sa mga text nito ay hindi nya nireplyan. Pinilit nya ring iwasan yung mga lugar na Alam nyang posibleng puntahan ng lalaki.
Masyado kaseng masakit. Masakit malamang ang lalaking mahal mo ay pag-aari na pala ng iba. Masakit tanggapin na hindi ka pwedeng magalit sa kanya dahil wala naman syang kasalanan. Kailangan nya munang umiwas. Kailangan nya munang pagalingin ang puso nyang nadurog ng husto na parang liver spread.