~~~~~~Dos~~~~~~~~

11K 132 7
                                    

Magdamag syang binagabag ng alalahanin tungkol kay Miguel. Nag-aalala syang Baka isipin nito na bastos sya at walang isang salita dahil sa biglaan nyang pag-alis kagabi.

Maaga din syang pumasok hoping na makakasalubong o makita man lang ito dahil halos katapat lang naman ng building ng engineering ang building ng archi kaya lang, hindi nya naman nakita ni anino nito.

"Ay ang gwapo ni kuya!"
"Shet mems! Jowa ko yan, ako hinihintay nyan teka wait and see"

Curious siyang napatingin sa mga kaklase nyang halos nakadungaw lahat sa pintuan ng classroom nila na Parang may pinagkakaguluhang artista.

"Oy, ano yun?" Tanong nya sa papalapit na si Jhesy. She rolled her eyes in frustration.

"Ay naku, ayun, hinaharass nila yung lalaking nakatayo sa tapat ng classroom natin... Ang gwapo day!"

Naiiling nyang iniligpit ang mga gamit.
"Hayaan mo na sila, konti lang kase ang gwapo dito sa classroom.' Pabulong niyang wika. " Tara, lunch na tayo, gutom na ko eh ."

Magkasunod silang naglakad patungo sa pintuan. Nacurious din sya bigla sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga kaklase nya kaya agad itong hinanap ng mga mata nya matapos tuluyang makalabas.

At para na naman syang nabatubalani ng tuluyang masilayan at makilala kung sino ito. It was none other than the guy who kept running on her mind the whole night. Miguel smiled when he finally noticed her.

 Miguel smiled when he finally noticed her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi!" Anito saka kumaway sa kanya.

Automatiko namang nag-init ang kanyang mga pisngi lalo na't aware sya sa mga matang nakatuon sa kanya ngayon.

"H-hi. A-anong ginagawa mo dito?" Aniya na hindi alam kung paano itatago ang kaba sa kanyang tinig.

"Here." Mula sa bulsa ay inilabas nito ang panyong ipinahiram nya dito kahapon. "Nalabhan ko na yan. I've been meaning to return this kanina pang umaga kaya lang medyo naging busy ako. Thank you nga pala."

That same mind boggling smile was still plastered on his face. And she just can't help but blush again. This guy has this effect on her, something she has never experienced before.

"Ehemmm...hmmmm." Narinig nyang kunway pag-ubo ni Jhesy na ngayoy hindi maitago ang nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Ah, sorry. Si Jhesy nga pala, bestfriend ko."
Patago nyang siniko ang kaibigan.

"Miguel. Nice to meet you jhesy."
"Ano kase Miguel, maglalunch sana kami. Gusto mo bang sumama?" Kahit kelan talaga, hindi nito mapreno ang sarili.

"Bes, Baka busy si Miguel." Binalingan nya ang kaibigan at pinandilatan ito ng mata.

"No, it's okay. Lunch ko na rin naman. Sabay na ko sa inyo if you don't mind"

Mr. Man In my dreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon