~~~~~~Dos~~~~~~~~

Start from the beginning
                                        

From Miguel:
Huh? Bakit naman? Ang panget ko ba?

To Miguel:   Haha hindi no. Pinagkakaguluhan ka kase ng mga kaklase ko, ang gwapo mo daw.

From Miguel:  Hindi naman. Sakto lang. Ikaw, if ever na makita ka ng mga kaibigan ko, pwede bang pakitago ng cuteness mo?

OMG! Para syang tinamaan ng ilang libong voltage ng kidlat matapos mabasa ang huling sinabi nito. She tried her best to hide her smiles from her friend pero hindi iyon nakaligtas sa kanya.

"Ano yan? Para kang naiihi na Ewan. Patingin nga." Agad nitong hinablot ang cellphone mula sa kanya at just like what she's expecting from her, parang gaga itong nagtitili dahil sa kilig.

"Naku friend, manliligaw na yan! For sure! Ipupusta ko yung paborito kong panty, beshu ipush mo na yan"

"Sira ka talaga! Hindi sya manliligaw. Wag tayong assuming okay?"

Muling tumunog ang cellphone nya kaya mabilis nya rin iyong inagaw mula sa kaibigan.

Miguel Calling
Accept|Decline

"Sus, kunwari pa ayaw eh halata namang hanggang tinggil ang kilig. Don't me beshu, don't me" natatawang komento ni Jhesy habang pinipilit nya namang itago ang excitement na nararamdaman ng mga Sandaling iyon.

"Hi ulet." Narinig nyang wika ng lalaki sa kabilang linya matapos nyang sagutin ang tawag nito.

"Hi din..napatawag ka? Wala ka pa bang class?"

"Meron na, may nakalimutan lang ako kaya tinawagan muna kita."

"Huh? Ano yun?"

"Pwede ka bang tumingin sa kaliwa mo sa may bintana?"

Napakunot ang noo nya sa sinabi nito pero automatiko ring pumaling ang kanyang ulo sa kaliwa.

And there , sa kabilang building na katapat ng building nila. There he was, smiling and waving at her.

"Nakalimutan ko magbaon ng smile mo.. Pwede bang ngumiti ka naman? Please?"

Waaaahhhh.. Her heart pounded fast against her chest again. He cheeks turned hot and red and she just can't do anything about it. Kahit pa may kalayuan ang diatansya nila ngayon, pakiramdam nya ay parang magkatabi lang sila at nakatitig sa isa't-isa.

"A-ano ka ba? Parang kang sira." She shyly said and covered her eyes with a hand habang umiiling. Parang yelong natutunaw ang self.confidence na taglay nya dahil sa ngiti nito.

"Ano kase...ah, ang gaan kase sa pakiramdam nung smile mo... Ewan ko ba, basta tingin ka sa kin"

She smiled saka muling tiningnan ang lalaki. He was staring straight at her, with eyes pleading. Those eyes na again, she knew she'd seen somewhere.

"Ngiti ka na please..."

"Alam mo..para kang sira." She said pero hindi pa rin nya napigilan ang pag ngiti. And  right there and then, he smiled.

 And  right there and then, he smiled

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"There. Thank you"
"Miguel..."

"Hoy, tama na yan! Ikaw na lang hinihintay sa loob oh!"   Nakita nyang nilapitan ito ng isang lalaki na sa tingin nya'y kaibigan din nito. Inakbayan sya nito saka pinipilit na hilahin papasok sa loob ng classroom pero bago pa man ito tuluyang mawala sa kanyang paningin ay nagawa pa nitong kumaway sa kanya.

"Sauce! Para kayong matamis na sauce ng fishball na naiwang nakabukas at nilanggam..hindi daw nanliligaw, eh ano yun?"


"Ewan.. Basta!"

Mr. Man In my dreamsWhere stories live. Discover now