~~~~~~Dos~~~~~~~~

Start from the beginning
                                        

"Pasensya ka na ha..lukaret talaga yun eh."

"That's okay. Nakakatuwa nga kayong tingnan. In fact, I should be the one to apologize."

"Huh? Bakit naman?"

"Alam mo na, out of nowhere I'm here. Intruding your life. Hindi ko man lang naisip na baka magmukha akong stalker at creepy." He said. And a part of her heart pounded again.

"Honestly, nung una, medyo creepy, imagine, nagkakilala tayo ng halos bumabagyo at madilim pa. Pero, I can feel naman na mabuti kang tao." With all sincerity she said that while looking directly at his eyes. And there she goes again, that feeling that she knew him longer than she knows.

"Thank you. Teka, wala bang magagalit sayo kung makita tayong dalawa ngayon? Baka may bigla na lang sumapak sa kin dito ha."

Natatawa syang umiling.
"Wala no, wala naman akong boyfriend eh" sa totoong buhay wala, sa panaginip meron. Idudugtong pa sana nya pero hindi na nya itinuloy pa. "Ikaw kaya, baka naman sa kin may biglang sumabunot dito? Hindi pa naman ako prepared." Aniya saka tumingin tingin sa paligid.

"Well, wala din akong girlfriend so safe ka pa for now." Anito.

May mga ilang bagay pa silang napag-usapan like  their favorite foods, hobbies at kung ano-ano pa. She enjoyed the conversation. Miguel is simply amazing in every aspect. Nalaman nya na bukod sa taglay nitong kagwapuhan ay matalino rin ang lalaki.  And she admire every thing about him. They exchanged numbers pagkatapos nilang kumain, hinatid din sya nito sa classroom bago tuluyang nagpaalam.

"So." Bumungad sa kanya ang nakangiting si Jhesy na halatang excited na sumagap ng tsismis. "How was your lunch date with Mr. Handsome?"

"Date ka dyan. Tse!" Nilagpasan niya ito at direchong umupo sa seat nya. At nilang isang dakilang tsismosa ay syempre alam nyang hindi sya tatantanan ng kaibigan.

"Arte! Dali na, ano, kamusta?"

"Okay naman. Kumaen kami ng marami dahil iniwan mo yung pagkain mo" aniya.

"Gabriella Tomenio! Hindi naman yan ang gusto kong malaman noh. So, manliligaw daw ba sya?"

"Hindi."
"Huh? Bakit daw? May girlfriend na?"

"Wala."
"Eh bakit nga? Don't tell me ,bakla sya?"
"Ano ka ba, hindi no." Natatawa nya itong hinampas sa braso. "We're just friends. Tsaka I just met him"

Parang  mas nalungkot pa ito kesa sa kanya.

"Wew..sayang naman, akala ko pa naman sya na yung makakapag balik sayo sa earth. Biruin mo gwapo, mukhang disente at mabait pa..sayang. Akala ko nga baka sya na yung sinasabi mong man of your dreams eh."

"Honestly, akala ko din. Pero okay lang yun, we're friends na din naman. At isa pa, diba nangako akong hindi magboboyfriend hanggat hindi ko nakikita si Mr. Man of my dreams until graduation?"

"Sus, good luck with that. Hindi sa kontrabida ako ha, ang akin lang kase....andyan na yung totoong ulam eh, naghahanap ka pa nung Dish na hindi pa naiimbento..diba?!"

"Ewan ko sayo friend, dami mong sinasabi." May sasabihin pa sana sya pero hindi na nya naituloy ng biglang tumunog ang cellphone nya.

From Miguel:

It was an honor to get to know you, Gab.

She smiled matapos mabasa iyon. Agad naman din syang tumipa ng mensahe para dito.

To Miguel:
Same here. Next time siguro kung mapapadaan ka dito sa classroom namin it would be best to wear a mask.

Mr. Man In my dreamsWhere stories live. Discover now