"H-huh? A, Sige kung hindi makakaabala sayo." She smiled back at him. Well, a part of her is still hesitating pero majority of her conscience ,heart and mind is happy to see him again.
Miguel was such a gentleman. He insisted to carry their bags for them. Kahit nahihiya ay wala naman na syang nagawa dahil halos ipagtulakan sya dito ni Jhesy. Mama-san lang ang peg ni bruha.
Halos puno ang cafeteria dahil malakas pa rin ang ulan sa labas. Mabuti na nga lang at nakakuha pa sila ng mauupuan. Miguel again insisted to buy the food for them kaya naiwan sila ni Jhesy para bantayan ang pwesto nila. At syempre hindi pinalagpas ng bruha niyang kaibigan Ang pagkakataong ito para kulitin sya.
"Ikaw ha. Hindi mo sinasabi may manliligaw ka palang heartthrob. Kelan ka pa natutong maglihim sa kin huh?"
"Tse! Wag ka ngang OA, hindi ko manliligaw yun no. Nakilala ko lang kahapon. Malisyosa ka lang talaga." Sagot nya habang ang mga mata'y nakatuon pa rin sa lalaking nakapila sa di kalayuan.
"Sus kunwari ka pa. Crush mo din yun no, halata naman. Kanina ka pa nagbblush, chosera!"
"Uy?! Hindi nga???" She was alarmed when she realized na baka nahalata din ng lalaki ang mandalas nyang pamumula at pagkataranta sa presensya nito.
"Kita mo na! Alam mo, wala kang malilihim sa kin bes. Tsaka ano namang problema kung magkagusto ka sa kanya. Eh nalaglag nga din panty ko sa kanya kanina eh, kung wala lang akong boyfriend sinulot ko na sayo yan he he" Sabagay, talaga namang napakalakas ng dating nito sa mga Babae. Gwapo, matangkad, Maputi, matangos ang I long, mabango at may magagandang pares ng mga mata. He was almost similar to the man who kept on showing in her dreams.
"Ang tanong na lang ngayon, baka naman may girlfriend na yan." Sa huling sinabi ni Jhesy sya nakaramdam ng kung ano. Her heart felt heavy in a sudden.
"Sorry, ang haba ng pila." Miguel said saka ibinaba sa mesa nila ang 3 set ng mga pagkain. And to her surprise, lahat ng dala nito ay pawang mga paborito nya. She was amazed dahil wala naman silang nabanggit dito na gusto nilang kainin in a particular.
"Wow grabe ha, siguro stalker ka nito ni Gab ano? Halos lahat to paborito nya eh." Hindi na naman napigilan ni Jhesy ang bibig kaya palihim niya itong sinipa.
"Ganun ba? Well that's good then. Paborito ko rin kase to kaya naisip ko na baka magustuhan nyo." He innocently smiled dismissing the fact that Jhesy accused him of being a stalker.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Shoot! Guys.. I need to go, something came up with boyfie." Out of nowhere ay biglang wika ni Jhesy. Akma itong tatayo na pero mabilis nya itong nahawakan sa braso.
"Oy teka, teka.. Sobra ka naman, mamaya na yan!" Aniya na may kasamang pandidilat sa kaibigan.
"Sorry bes, andyan naman si baby Miggy. I love you! Itetext kita!" Hindi rin ito nagpapigil, kaya wala ba syang nagawa kung hindi ngitian si Miguel matapos sila nitong iwan.