"Ray kausapin mo naman ako oh"
Ilang araw na akong naghihintay na makausap sya. Ilang araw na din akong nagbabakasakaling may pag asa pa. Kahit alam ko sa sarili kong matagal na akong umaasa.
"Ayaw mo na ba talaga?"
Ayuko man itong itanong pero gusto ko ng sagot. O baka naman yung mga tanong ko matagal ng nasagot, ako lang itong ayaw tanggapin kasi sobrang natatakot.
"Sorry Ricia...pero pwede bang friends na lang tayo?"
Hindi ko mabilang kung ilang segundo huminto ang paligid ko. Kung ilang segundo hindi gumalaw ang katawan ko. Ilang segundong tumigil sa pagpintig ang puso ko.
"Ricia..."
Dati gustong gusto kong tinatawag mo ang pangalan ko kasi ang sarap sa feeling pero bakit ngayon sakit ang nararamdaman ko. Hindi lang dahil sa sinabi mo kundi pati narin sa katotohanang ito na ang huling beses na maririnig ko ang boses mo.
Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong maging matatag sa harapan mo. Pinilit kong makipaglaban sa mga luha ko. Pero isa lang ang alam ko, hindi ko kayang makipaglaban sa kung sino man yang nilalaman ng puso mo.
"Yun ba talaga ang gusto mo?"
"I'm so sorry"
Ngayon, hindi ko na maramdaman ang pag aalala sa tono ng pananalita at mukha mo. Nakakamiss alalahanin pero masyadong mapanakit kung tutuosin.p
"No Ray, it's okay. Ibibigay ko yung gusto mo. Papalayain kita kasi mahal kita. Mahal kita kaya gusto kong maging masaya ka. Pero kung kaya ko lang ibalik ang oras, hihilingin ko na kung pwede lang sana iahon mo muna ako sa pagkakahulog ko."
Yung akala kong may kasabay ako sa pagkakahulog ko pero kailan ma'y di magkakatotoo. Yung hinanap ko yung kamay mo kasi nagbabakasakali akong tulungan mo pero isang masakit na katotohanan ang pumukaw sa akin kasi iba na pala ang may hawak nito.
"I'm so sorry Ricia. Pero kailangan ko ng umalis."
Sana pala, nung binigay ko yung sobrang pagmamahal ko sa hiyo sinabihan kita ng "Keep the change" para hindi na ako umasa na may isusukli ka. Kasi sobra din yung
binigay mo eh, hindi pagmamahal kundi luha at sakit. Sobrang sakit.
Wala akong ibang nararamdaman kundi ang paghampas ng malamig na hangin mula sa labas ng bintana. At ang bawat pagpatak ng ulan ang tanging namamayani sa loob ng tahimik ng lugar.
"Ms. Ricia Iane Lantos please present your spoken poetry."
Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko. Kulang na lang ata ay madala ko yung upuan ko sa pagkakatayo. Shemssss. Bakit diko kasi namalayan na ako na pala yung sunod.
"Ready kana ba?"
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid bago humarap kay Sir. Sunod sunod na pag tango ang sinagot ko sa tanong nya.
Dahan dahan akong humakbang papunta sa harapan ng mga kaklase at guro ko. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago magsalita.
"HILING"
Nagising ako ng madaling araw
Nang maalala kong wala ng ako at ikaw
Habang sa bintana'y nakatanaw
Naghihintay na baka May bumagsak na bulalakaw
