Chapter 11:

4.7K 103 1
                                    

Mabigat ang katawan ni Queenie na nilisan ang tahanan ng mag-asawang Jane at Sakong. Nagpaalam siyang uuwi muna upang mapaglingkuran din ang mga nangangailangan ng kanyang tulong na dumadayo sa kanyang tahanan. Nangako naman itong babalik pagkatapos niyang maserbisyunan ang kanyang mga pasyente. At kailangan pa niyang dumaan sa Baranggay Kapitana upang ipaalam ang naganap sa tahanan nina Manong Sakong.

Punong-puno ng pagiging guilty ang kanyang puso. Napuno ito ng paninibugho ng panahon ng kanyang kabataan dahil sa kanilang ama. Oo, bunga ng pagkakamali ng kanyang ama si Sakong ngunit mas naging malapit ang kanyang ama dito kaysa sa kanya. Lahat ng pangangailangan nito ay naiibibigay ng ama ngunit ang sa kanya? Kailangan pa niyang iyakan bago makuha...

She was in Sequijor for more than a month for a training noong mga panahong nagkasakit ang kanyang ama. Dinala siya ng kanyang lola doon upang sanayin, upang maging magaling na Albularya kagaya ng kanyang lola. Sa kanya nito ipinasa ang pagiging Albularya ng pamilya...

Umuwi agad sila ng mabalitaang nagiging malala na ang kalagayan ng kanilang ama, nadatnan niya itong nakahiga na lamang sa papag na inaalagaan ng kanyang ina.

"Mabuti naman at nakauwi ka na anak." ang bati ng kanyang ama ng makita ito. Nagmano siya at pumatak ang luha sa kanyang mga mata.

"Tay... Gagamutin kita 'pag naging magaling na akong Albularya. Labanan mo 'yan, Tay!"

"Salamat, Anak. Patawad sa lahat ng naging kakulangan ko sa'yo. Sa inyo ng Nanay mo. Alam kong nagkamali ako minsan at nasaktan ko kayo ng husto, patawad anak."

"Tay, pinapatawad na po kita... Pero Tay magpagaling ka ha? Susunduin ko si Sakong ngayon din para mabuo tayo."

"Salamat, Anak. Sana alagaan mo ang kapatid mo ha? Mahalin mo kagaya sa pagmamahal ko." ang bilin sa kanya ng kanyang ama. She's just 20 years old that time and Manong Sakong was 10 years old...

Masakit man sa loob ng ina ni Queenie na tumapak sa pamamahay niya si Manong Sakong ngunit pinagbigyan niya ito para na lamang sa asawang may karamdaman.

"Sakong, Anak. Patawarin mo si Tatay ha? Naging bunga ka ng kabaluktutan ng aking isipan. Huwag mong tularan ang Tatay, Anak ha." ang lumuluhang bilin ng ama nila kay Sakong. At saka binigay dito ang isang kwintas.

Masyadong nasaktan si Queenie no'ng mga panahong yaon, doon niya nakita ang sobrang pagmamahal ng ama kay Sakong. Nang hanggang sa mga sandaling naghihirap na ito ay ang kaligtasan pa rin ng kapatid niya sa labas ang iniisip nito.

"Queenie, anak! Lumapit ka." ang tawag sa kanya ng kanyang ama nang akma siyang lumabas.

"Bakit po 'Tay?" ang mahinahon niyang tugon.

"Alam kong tingin mo sa akin isang masamang ama, dahil nakikita mong mas binibigyan ko ng pagpapahalaga ang kapatid mo..." mukhang nabasa ng ama ang iniisip niya. "Nagkakamali ka, anak. Binanawi ko lang ang lahat ng aking pagkakasala sa kanila. Hindi ko siya pwedeng pabayaan dahil galing din siya sa akin.... At bunga ng aking pagkamaka-sarili, Mahal Kita Queenie. At alam kong magiging ligtas ka dahil sa daang tinatahak mo. Mamahalin ka ng mga tao dahil sa magiging kontribusyon mo sa lipunan." ang mahabang pahayag ni Mang Rodrigo.

Lumisan ang kanilang ama ng maayos dahil na rin sa pagpapatawad nila...

**

Pinuntahan ni Queenie ang Baranggay Hall na bukas na sa mga oras na iyon upang bigyan ng babala sa nagkakalat na kasamaan.

"Magandang Umaga, Kapitana." ang bati ni Queenie kay Kapitana Jhanel na sa oras na iyon ay nakaupo sa kanyang mesa at humihigop ng mainit na kape.

"Magandang Umaga naman Queenie. Ang aga mo ata? Anong atin?" si Jhanel.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Kapitana. Mahalaga ang bawat minuto, gusto ko lang ipaabot sa inyo ang nangyari kagabi sa mag-asawang Jane at Sakong..."

"Bakit? Anong nangyari sa kanila?" ang biglang natanong ni Jhanel.

"Pinasok ng mag-asawang ang nagdadalang taong si Jane sa kanilang bahay."

"A-A-Aswang?? Nagbibiro ka ba Queenie?"

"Mukha ba akong nagbibiro, Kapitana?"

"Hindi nga? Pwedeng paki-kwento ang buong nangyari?" tumutok na rin ang Baranggay Secretary dahil sa narinig.

"Maricel, i-Record mo ang lahat!" utos ni Jhanel sa Baranggay Secretary.

"Masusunod po, Kapitana."

Isinalaysay ni Queenie ang buong pangyayari. Nanindig ang lahat ng balahibo ni Jhanel sa pakikinig. Hindi niya lubos maisip na may mangyayaring ganun sa kanilang lugar.

"Mahabaging Diyos!" ang naituran ni Kapitana.

"Narito ako upang hingin ang tulong niyo at kailangan ding ipalaganap ninyo ang naganap upang maging maingat ang lahat ng mamamayan."ang seryosong turan ni Queenie. Pakiramdam niya sa mga kamay niya nakasalalay ang lahat. Pero paano kung di niya kayang labanan ang kasamaan?

Hindi nila matukoy kung sino ang mga iyon dahil na rin sa mga anyo ng mga ito ang tanging segurado lang sila ay mag-asawang aswang ang kanilang nakalaban...

Unang beses itong nangyari sa kanilang Baranggay, maliban sa pagnanakaw, panggagahasa at iba pang klaseng gawain ng mamamayan pero kakaiba itong kaso ng mga aswang...

"Mauna na ako, Kapitana. Sana po mag-Ronda ang mga Baranggay Tanod niyo gabi-gabi at magdala ng kanya-kanyang panlaban sa Aswang." ang huling bilin ni Queenie saka umalis.

Nagdalawang isip si Kapitana Jhanel sa mga nailahad ni Queenie gayunpaman ay kailangan niyang paghandain ang kanyang mga tauhan kung sakaling totoo nga ang lahat. "Kailangan kong mapuntahan ang bahay ng mag-asawang Manong Sakong at Jane." ang naituran ni Jhanel at ipinatawag niya ang lider ng kanyang Tanod.

Kumalat sa buong Baranggay ang nangyari at halos lahat ay di makapaniwala ngunit kailangan nilang maging maingat at handa sa lahat ng oras. Makikita sa bawat tahanan ang panlaban sa Aswang, naglagay ang mga maybahay ng nakabitin na Crucifix sa bawat pintuan ng tahanan at may nakabitin na bugkos ng bawang sa bawat bintana, iyon ang isa sa bilin ni Queenie Albularya upang manatiling ligtas kapag nasa loob ng tahanan...

Hapon na ng magsiuwian ang huling naging pasyente ni Queenie. Ang dami niyang ginawa, tinawas pa niya ito at nakipaglaban sa nagkulam rito. Nakaidlip siya sa papag sa loob ng kanyang mumunting tahanan at nagising siyang nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Dali-dali siyang nag-ayos, naalala niyang babalik pala siya sa tahanan ng kapatid upang seguraduhing di na babalik ang mga aswang.

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon