CHAPTER 6

4.9K 113 2
                                    

Hindi maintindihan ni Jane ang kanyang nararamdaman as she touches Ella's palm.

'Purya Usog.' ang piping turan ni Jane. 

Iba ang titig ng babae sa kanyang tiyan. At laking pagtataka niya kung paano nito nalaman ang pagdadalang-tao niya lalo pa't hindi naman niya ito nakita sa loob ng Brgy. Health Center kanina.

"Ah, may nagkwento lang sa akin diyan sa labas." ang balisang tugon ni Ella. She can't handle herself anymore lalo pa't naglapat ang kanilang mga palad ni Jane. Amoy na amoy niya ang masarap na pagkain dala-dala ni Jane sa kanyang sinapupunan. Halos magiging bato na siya sa pagpipigil sa kanyang sarili. She has to leave Kapitana's home upang makapagpigil siya.

"Ah, Jhanel. I have to leave, biglang sumama ang pakiramdam ko." hawak-hawak ni Ella ang kanyang tiyan. She has to find a reason to walk-out. 

"Pe-ro...." hindi na naituloy ni Kapitana Jhanel ang gusto nitong sabihin nang mabilisang lumisan si Ella.

"Anong nangyari doon, Kapitana?" kapagkuwa'y tanong ni Jane.

"Ewan ko ba doon."

Hindi na nagtagal si Jane sa bahay ng Kapitana. Bigla din kasing sumama ang pakiramdam niya, kakaibang pakiramdam. Pinagpapawisan siya ngunit pakiramdam niya'y ang lamig-lamig. Hindi pa niya naipaalam sa kanyang asawa ang kanyang pagdadalang-tao. Plano kasi niyang sorpresahin ito mamayang gabi.

"Pa! Pa!" malakas na tawag niya sa kanyang asawa nang pagsampa pa lang niya sa kanilang kubo. Agad siyang naghanap ng kumot at tumalukbong. 

"Ma! Anong nangyari?" ang nag-aalalang boses ni Manong Sakong nang lumabas ito sa munting kusina ng kanilang dampa.

"Ni-nilalamig ako!" ang nanginginig na boses ni Jane.

"Bakit? Saan ka ba galing? Anong ginawa mo?" ang sunod-sunod na tanong ng asawa.

"Sa-Sa Brgy. Health Center." 

"Anong ginawa mo doon?"

"Ma-mahal! Buntis ako!" ang nakangiting sambit ni Jane kahit nanginging siya sa lamig.

"Buntis? Ikaw buntis? Magkakaanak na tayo? Buntis ka?" ang di makapaniwalang tanong ni Manong Sakong.

"Paulit-ulit? Oo, magiging magulang na tayo!"

"YES! MAGIGING TATAY NA AKO!!!!!!" ang di matawarang kasiyahang naramdaman ni Manong Sakong. He hugged her tight, he kissed her forehead and thanked her.

"Hindi ako makahinga, Pa! At nilalamig pa ako ng husto, umusog ka nga!" ang saway ni Jane sa asawa.

"Gusto mong mainitan? Kayang-kaya kong gawin 'yan!"

"Ano ba Mahal puro ka kalokohan eh! Ang sama na nga ng pakiramdaman ko eh."

"Ano bang dapat kong gawin? Pinunasan na naman kita ng maligamgam na tubig ah."

"Dalhin mo ako kay Queenie o kaya'y sunduin mo siya."

"Kay Queenie? Yong Albularya? Bakit?"

"Basta lang, Pa. Bigla lang siyang sumagi sa isip ko, kaya sunduin mo siya Pa."

************

Hindi mapalagay si Ella. Paroo't-parito ang kanyang ginagawa sa loob ng kanilang tahanan. "Takipsilim! Magtakipsilim na! Grrrrr!!!" ang naiinip niyang sambit. Simula nang lumabas siya sa tahanan ng Kapitana ng Baranggay ay di na mapalagay ang kanyang kalooban. Hinintay din niyang makaalis si Jane sa tahanang iyon at kanya itong sinundan kung saan ito naninirahan. 

She's craving for babies blood. Ang sariwang dugo ng mga bata ay nagbibigay sa kanila ng pambihirang lakas. Lakas na di mapantayan.

"Mommy! Anong nangyayari sa'yo?" ang puna sa kanya ni Thess.

"Ah wala, anak. Hinihintay ko lang ang Daddy mo." ang rason niya sa anak.

"Pero bakit mukhang balisa kayo?" 

"Wala anak. Huwag ka ng makulit diyan! Akyat ka na sa kwarto mo." hindi na makatiis si Ella. Hindi pa bumababa ang araw at inip na inip na siya sa paghihintay. 

Humakbang na siyang palabas ng pinto. "Mahal! Saan ang iyong tungo?" biglang dumating si Koko ang kanyang asawa.

"Mahal, makakatikim tayo ng masarap na dinner ngayong gabi!" ang takam na takam na wika nito.

"Talaga, Mommy?" ang biglang sabat ni Thess sa naituran ng ina.

"Thess, anak. Akyat ka na sa taas!" nakangusong umakyat si Thess sa kanyang kwarto.

"Bat biglang uminit ang ulo mo Ella?" ang pagtataka ni Koko.

"Ang tagal kasing dumilim! Grrr!"

"Bakit? Bat biglang umiba ka ngayong araw? Noon, lagi mong sinasabi na sana 'wag ng dumilim dahil sa ayaw mo ng mamiktima. Eh ngayon bat atat na atat ka?"

"Mahal, tanggap ko na, na wala na tayong pag-asang magbago pa. At nakakita ako ng isang ina na makapagbibigay sa atin ng ibayong lakas. Ang bata sa kanyang sinapupunan! bwahahahahahaha!"

*******

Mabilis na nilisan ni Manong Sakong ang kanilang tahanan. Iniwan niya si Jane upang sunduin si Queenie, ang isang Albularya upang mapatingnan ang kanyang maybahay. Medyo may kalayuan ang tinitirhan nito sa kanila kaya kailangan niyang magmadali bago pa kumagat ang dilim. Halos magkanda-sugat-sugat na ang likod ni Damulag ang kanyang kalabaw sa kanyang pagpalo upang mapadali lamang ang pagparoon niya sa tahanan ni Queenie. Hindi siya mapalagay sa mga panahong yaon dahil naiwan niyang nasa di mabuting kalagayan si Jane.

Kumagat na ang dilim ngunit wala pa rin si Manong Sakong.

"Pa! Nandiyan ka na ba?" ang tawag ni Jane ng makarinig siya ng kaluskos sa likuran ng kanilang bahay. Wala siyang narinig na sagot sa kanyang pagtawag.

"Pa! Pa! Nandiyan ka na ba?"ang kinakabahan niyang pag-uulit. Lumabas siya sa kumot upang bumangon nang biglang may lumabas na dila mula sa kanilang bubungan!

HIWAGA by Cory_KhongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon