I did Everything

28 5 0
                                        

"Not sure if you know this when we were First met. 

I got so nervous. I couldn't speak

In that very moment, I found the One and my life had found its missing piece~"


Ito na talaga, this is it. The moment I met him,biglang nagslow motion yung paligid. Parang ung  Pinakagwapo sa lahat ng mga nakita ko at nakilala ko. Yung bang di mo talaga makalimutan yung pagmumukha niya hahahaha. Ngayon ito, nakatingin sa kanya habang naglalakad papunta kung saan lahat ng nagmamahalan dito magbibigayan ng salitang "Oo" . Naiiyak sa bawat hakbang papalapit sa kanya, ito na talaga shemay kinikilig na ako. Pero bakit? sa paghakbang ko papalapit sa kanya, mga mata niyang lumuluha ay parang hindi mga matang lumuluhang may halong ligaya kundi mga matang sobrang lungkot. Bakit mahal? tanong na gusto kong itanong kapag ako ay nakalapit na kanya. Pero... isa na namang pero. Bakit? Bakit sa bawat paghakbang ko parang ang bigat bigla ng dinadala ko? Lalo na naman akong naiiyak.


This time yung pag luha ko may halo ng kaba at lungkot.


Papalapit na ako sa kanya pero bakit parang unti-unti siyang tumatakbo papalayo. Ano to? iiwan na ba nya ako? Hindi ako ready. "JEEEEF!" pagtawag ko sa kanya hinahabol ko na siya pero di parin siya tumitigil sa pagtakbo. Kitang kita sa mga mukha ng mga naririto ang pagkagulat. 


Hinahabol ko parin sya pero, bigla nalang ....


"JEFFREY!!!!!.. JUSKO WAG MOKONG IIWAN! IKAKASAL PA TAYO HUHUHUHU PLEASEEE."

"J--ane, I'm Sorr---"

Di ko alam yung gagawin ko, nanginginig ako. Hinahabol ko lang siya ng bigla siyang nasagasaan. Wala ako nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Sumisigaw at Humihingi ng tulong. Marami ng taong bumubuhat sa kanya. Pagyakap mula sa aking Papa ang naramdaman ko. 


"Shh... wala na siya Jeng" sabi ni papa habang yakap niya ako. Ramdam ko ang lungkot ng papa ko. Pero Mas malungkot ako huhuhuh nakakainis. "Papa hindi pwede, ikakasal pa kami eh" 


pumunta agad kami ng Hospital pero ng pagkarating namin dun...

Wala na daw sya.... 


Ayaw ko talaga maniwala hanggat di ko nakikita ang katawan niya. Pero ayun na nga totoo na talaga to Whyyyyy? iyak na ako ng iyak di ko tanggap yun. Wala akong nagawa kundi sumigaw ng sumigaw. 


Wala na talaga yung lalaking pinaka mamahal ko.


After 3 Months.. 

Tatlong buwan na pala ang nakalipas... pero ang sakit parin. 

tatlong buwan na nga ang nakalipas pero ang dami paring tanong sa isip ko.Bakit siya tumakbo ng mismong araw ng kasal namin eh bago ang kasal namin sabi pa niya goodnight and i love you. For that moment I felt everything is fine and then ganun nalang bigla? Naku, kung buhay pa siya kinotongan ko na siya at tatanungin ko talaga siya kung bakit niya ginawa yun. 


Kaso wala na pala siya. Para akong tanga hahahaha . Dapat pala nagpabuntis na ako sa kanya bago pa kami ikasal edi sana meron ako remembrance sa pag Good bye niya sakin nung mismong kasal ko,pero joke lang. Ikakasal na nga kami eh, kaso di naman natuloy kasi nawala na siya. Shet hahahaha ang gaga ko talaga. Nagpabook pa naman kami ng Flight para sa Honeymoon namin tapos ganun nalang? Nakakainis lang hahahaha.Galing talaga .


Gusto ko na move on pero di naman ganun kabilis yun. Sariwa parin siya jusko. Gusto ko na ibenta tong nararamdaman ko kasi ang fresh niya pa kaya. Sigi titigil nako.






I did EverythingWhere stories live. Discover now