Fistday We Met

3 0 0
                                    

June 9, 2014 nung nag start yung class sa college life ko, panibagong kaba, wala akong kilala, panibagong simula, adjusment at kung ano pa. Di ko alam pano ako makikisalamuha kasi parati akong nahihiya sa simula, kasama ko pa si ate habang naghihintay sa mga bago kong magiging kaklase, natatakot ako puno ng kaba yung dibdib ko ayokong iwan nya kong mag isa sa kinatatayuan ko, then we saw you you're standing behind us,sa RT yun sa may entrance. tatlo kayo at naghahanap din kayo ng mga kasection niyo, we approach you.

"Excuse me, anong section niyo?" Tanong ni ate sa inyo.

"1I g2" sagot nung dalawa.

Kumapit ako sa braso ni ate sabay sabing "e ate g2 sila ,g1 ako"

"G1 ako" sagot mo kasabay ng sabi nilang "G1 sya" sabay turo nila sayo

"Ayon pala e may kasama ka na,sumama ka na sa kanila" sabi ni ate

"Teka lang te di pa ko tinotoyo" sabi ko kay ate

"Toyoin ka na ,tanga may klase pako maiwan ka na dito" sabi naman nya

Umalis sila at naiwan ako sa inyo, yung feeling ko non para akong bagong recruite sa gang tapos ihahazing  😂 nagpunta tayo sa unang room natin sa RT non ,nakaupo lang tayo habang naghihintay sa iba pa nating kaklase kinausap niyo ko bla bla bla. Tapos sobrang tahimik na. Nagsalita ka "wag kang mahiya samin" tas sumagot ako "hindi naman ako nahihiya, pag tinoyo ako dadaldal ako" tapos kinuha mo yung number ko, kinuha ko naman yung number niyong tatlo. Ikaw si REIN,nilagay ko sa phone ko yung number at pangalan mo "ganyan?", "R E I N" sabi mo ,sya si cristine at sya si mikay. Kasama ko kayong tatlo sa minor subject. Si tin lagi ang kasabay kong maglakad tapos kayong dalawa ni mikay, naalala ko pa unang kain natin sa school ng magkakasama nag aya kayong bumili ng burger sa gilid ng law building. Bacon with egg pa ata yung order mo non. Tapos inorder ko den kung anong order mo. Nanjan na yung order ng lahat kumakain tayo hanggang sa bumara sa lalamunan ko yung bacon ayaw matanggal at di ko sya manguya. Di ko alam pano sasabihin sa inyo kase nahihiya pa ko,pinilit kong lunukin yung bacon the rest ng pagkain ko tinapon ko 😂 yun pa ata papatay sakin  😂 ang ending gutom ang kawawang tin. Habang sarap na sarap kayo sa kinakain niyo  😂

Fast forward

Dumating na yung time na maghihiwalay na tayong tatlo at ikaw nalang ang makakasama ko. Hays dun na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko 😂 hahaha charot. Di ko alam kung anong nangyare, bakit parang ang bilis ng oras bakit wala nakong matandaan basta bigla nalang tayong nag click. Nung una naiiwan pako kase marami kang boys na kaibigan ayoko pa kasing sumasama sa boys non kaya nagpapaiwan ako,mayat maya lalaki ang kasama mo, kaya minsan naiinis ako. Sabi ko pa nga "puro lalaki naman kasama nito" hanggang sa lumipas ang mga araw, habang tumatagal hindi na tayo naghihiwalay kahit kaibigan na natin sila aira adel at jacq. Tayo parati yung magkasama. Unggoy !! Tangina yan yung tawag natin sa isat isa, sa loob ng class room ,sa labas, sa kainan, sa laruan, malakas man o mahina "unggoy!!" Di na yun bago sa panrinig nila. Wala ng hiya, wala ng kaba, komportable na tayong magkasama. Linggo ang lumipas, buwan, at taon. Tangina nasa kalbaryo pa rin yung buhay ko  😂 ikaw pa din ang kasama ko, sa group project ,group presentation, group assignment basta groupings magkasama tayo ! Depende kung prof ang pipili. Ilan na silang nagbalak pag hiwalayin tayo walang nag tagumpay ,inis na inis na silang sa mga groupings di tayo naghihiwalay. Hindi ka nga papasok pag di ako papasok, di ako papasok pag di ka papasok, madalas pag late ako late ka den kase nagpaaphintay ako hahaha,yung mga tulakan natin kung sino unang papasok sa room pag late tayo? Ako kakatok ikaw magsasalita. Yung pag nag cutting ka mag cacutting din ako ooops first time ko mag cutting non ,sa english di tayo pumasok kase may report 😂 yung mga gala "pag sumama si tin sasama ako" " tanungin niyo si rein, pag sumama sya sasama ako" yung pag wala ka wala ako, pag wala ako wala ka, tas pag nasa galaan na tayo bigla tayong mawawala pareho manghihiram tayo ng bike magbabike lang tayo kahit di natin alam san tayo pupunta

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RoofTopWhere stories live. Discover now