Chapter 5

68 5 0
                                    


Chapter 5
***


Napapikit ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. Bumukas rin ang aking mga pakpak dahil sa panandaliang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon.

"Hansel, bakit mo naman ako kinuha agad? Hindi pa ako handa, gusto ko pa siyang makasama."

Agad kumislop ang aking mga pakpak ng marinig ko ang mga hinaing niya. Nagpapaalala kasi ito sa dapat kong gawin. Kumalas rin ako mula sa pagkakayakap niya.

"Hansel, magsalita ka naman. Kailangan ko ng tulong mo."

Muli siyang nagsalita pero nanatili akong tahimik habang nakatingin ng deretso sa kanyang mga mata.

"Hansel..."

Pero hindi ko matiis ang mga tingin niyang nagpupumilit, kaya sinabi ko ang mga salitang magpapagaan ng loob niya.

"Tutulungan kitang makabalik sa mundo ng mga buhay..." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko na ang aking pakay.

"Talaga!" Agad kumurba ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ko. Nanggigigil rin niyang pinisil ang aking mga kamay. Hindi siguro siya makapaniwala sa sinabi ko.

Napatango na lang ako ng makita ko siyang masaya. Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya pa talagang bumalik sa mundong iniwan niya.

"Pero lahat ng tulong may kaakibat na kabayaran." Nagsalubong ang kanyang kilay pagkatapos ay bumitaw siya sa mga kamay ko.

Pasensya na talaga, Lucky.

"Dahil tutulungan mo naman
ako..." umakto siya na parang nagiisip. Pinili niya pa talaga niyang magbiro kahit nahihirapan na siya."Sige payag na ako."

Nginitian ko siya pagkatapos ay binukas kong muli ang aking mga pakpak. Sana maintindihan niya ang ipinapahiwatig ko.

"Lucky," mula sa aking palad ay lumabas ang kwintas na may desisenyong bote at sa loob nito ay may papel na naglalaman ng mga kasunduan. Ginagamit namin ito sa mga kaluluwang nangangailangan. Ito rin ang kasunduan na magiging gabay niya kapag nabuhay siyang muli.

"Sa oras na kunin mo 'to magsisimula ang kasunduan. Bago rin kita tulungan, gusto kong tanggapin mo na patay ka na para makapagsimula ka ulit."

Nawala ang pagkakunot noo niya at napalitan ito ng tingin na may pagtataka.

"Pero hindi pa ako handa. Ayoko pang bumitaw dahil hindi ko alam ang mga mangyayari."

Napabuga na lang ako ng hangin pagkatapos ay hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. Gusto ko lang na maging panatag siya. Para rin naman sa kanya ang ginagawa ko.

"Magtiwala ka lang at manalig na mabubuhay kang muli. Nandito lang ako, ang bahagharing pumapagitna sa dilim ng ulan at liwanag ng araw. Gawin mo ang sinasabi ko para sa kanya."

Alam kong natigilan siya sa sinabi ko. Sinasabi ko na, siya ang kahinaan niya. Siya pa rin.

"Para sa kanya..." napapikit siya at sa muling pagdilat ng mga mata niya nakita ko ang determinasyon nito makamtan lang ang ikalawang pagkakataon. "Handa na ako."

Inalis ko ang aking mga kamay sa balikat niya at marahan kong hinawakan ang kanyang palad. Dahan dahan ko itong ibinukas at ipanatong doon ang kwintas.

Sa gitna naming dalawa tumubo ang isang puno na may matayog na sanga at lilang mga dahon.

"Pagmamahal ang naging susi para isakatuparan ang 'yung minimithi. Makakabalik ka na sa mundo ng mga buhay. Isang daang araw, kailangang hindi magbago ang pagmamahal niya para sayo. Kapag nabigo ka sa pagpapanatili ng pagmamahal niya...Babalik ka rito para harapin ang kabayaran na ibibigay ko sayo." Mahabang paliwanag ko habang nakatingin parin ng deretso sa kanyang mga mata.

"Kahit ilang araw, linggo, at taon ang ibigay mong palugit. Alam ko na mahal na mahal niya ako, kampante ako sa nilalaman ng puso niya."

Pumatak ang kanyang mga luha pagkatapos niyang magsalita. Binigyan niya rin ako ng isang mapait na ngiti. Ngiting nagpapahiwatig na hindi siya sigurado sa kanyang gagawin. Isinuot niya ang kwintas.

"Paalam at salamat."

Huling salitang narinig ko mula sa kanya bago siya sakupin ng puting liwanag.

"Mahanap mo sana ang katotohanan."

Nakuntento na lang akong pagmasdan siyang muli na mawala sa harapan ko. Nang hindi ko na siya makita ay tuluyan na akong napuluhod. Napakapit rin ako ng mahigpit sa damong na sa harapan ko dahil sa sakit na nararamdaman ng buo kong kalamnan.

Alam ko na malaking sakripisyo ang ginawa ko pero hindi ako nanghihinayang. Alam kong tama ang desisyon ko.

"Ahhh!" Sigaw ko para kahit papaano mawala ang kirot na nararamdaman ng likod ko.

Napatingala ako sa punong katutubo pa lang nang hindi ko na kayanin ang bigat ng dibdib ko.

"Maibabalik na ang lahat..." Sa pagbanggit ko ng mga salitang 'yun ay siya ring pagpatak ng luha ko.

***

"Babalitaan na lang kita tungkol sa nangyari. Kapag may nakalap akong impormasyon at kapag umusad na ang imbestigasyon tatawagan kita. Huwag ka ring magalala dahil hindi ito makakalabas sa media at sa publiko."

"Salamat po Tito Bobby. Sige po."
Malungkot kong ibinaba ang tawag. Bigo na naman kasi ako. Hindi pa nahuhuli ang taong may gawa sa kanya nito.

Bagsak ang balikat ko ng muli akong maupo sa mono-block. Malalim rin akong napabuntong hininga ng makita ko ang maamo niyang mukha. Napakapit rin ako ng mahigpit sa kamay niya.

"Pasensya ka na." Sa pagkakataong 'yon ay tuluyan na ngang rumagasa ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Kasalan niya ito, kung hindi dahil sa kanya wala ka sana sa kalagayang ito. Pinapangako ko na magbabayad siya ng malaki sa oras na makilala ko siya."

Ang paghihinagpis ko ang nangibabaw sa loob ng kwarto. Marahan ko ring hinaplos ang mukha niya period kasabay nun ay ang malakas na pagtunog ng monitor. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa kamay niya. Nanatili akong nakatitig rito. Wala na akong magagawa, hindi ko na kailangang tumawag ng Doktor dahil pinirmahan ko na ang waiver. Matagal na kaming handa.

"Mukhang oras mo na..." Tuluyan ng lumakas ang tunog ng monitor. Senyales na unti-unti ng bumabagal ang pagtibok ng puso niya.

Pinunas ko ang luha ko at pagkatapos ay binitawan ko na ang malamig niyang kamay na hawak ko.

Sa huling pagkakataon ay tinapunan ko siya ng malungkot na tingin. Akmang tatayo na ako para tawagin ang Doktor ngunit...

Ngunit...

Isang napaka-lalim na paghinga ang pumigil sa akin. Nagulat ako sa aking nakita. Bigla kasing dumilat ang mga mata niya. Aaminin ko, nakaramdam ako ng tuwa sa nasaksihan ko.

Ang buong akala ko ay patay na siya. Napaka-imposible na mabuhay itong muli pero...posible ang himala. May himala sa kabila ng mga natamo niyang sugat.

Hindi ko malaman ang gagawin kaya hinaplos ko na lamang ito sa mukha. Bawat anggulo ay hinawakan ko. Wala akong pinapalagpas dahil na-miss ko talaga siya ng sobra.

"Audrey," masayang tawag ko rito.
Walang habas ko ring pinaghahalikan sa noo at pisnge si Audrey. Hindi parin talaga ako makapaniwala na buhay pa ito.

Yayakapin ko sana ito pero may napansin ako. Ito ang walang expresyon niyang pagtitig sa akin. She just give me an unfamiliar gaze. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ng mapansin ko 'to kay Audrey. Galit pa siguro siya sa akin.

"Sino ka?"

Ang taong na ito ang naging dahilan ng muling pagpatak ng luha ko. Kaya pala. Kaya pala malamig ang mga titig niya sa akin. Hindi niya ako nakikilala.

Nasasaktan man pinilit ko pa ring sagutin ang tanong ni Audrey.

"I'm Laura your sister..."

Itutuloy...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Your LoveWhere stories live. Discover now