Chapter 2

120 6 0
                                    

Chapter 2

***

Masaya kong pinagmamasdan ang digital camera kung saan naka-save ang mga litrato namin ni Lucky. Siya mismo ang kumuha ng mga pictures na 'to noong anniversary namin. Ang gusto niya kasi ay makunan ang lahat ng mga importanteng pangyayari sa buhay naming dalawa.

I'm literally lucky to have Lucky. She made me feel the love that I never had. Kapag nawala siya, hindi ko siguro kakayanin. Mahal na mahal ko ang babaeng yun, e.

"Siguradong matutuwa ka sa sorpresa ko mahal."

Kinuha ko ang twelve white rose na nakapatong sa ibabaw ng kama ko. Inamoy ko ito upang masiguro na magugustuhan talaga ito ng girlfriend ko.

Dahil hindi na ako makapaghintay na sorpresahin si Lucky, kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ko na siya. Sigurado akong tulog mantika pa siya sa mga oras na ito. Well, she's not a morning person like me. Ito ang isa sa pagkakaiba naming dalawa.

Napakunot noo ako ng makita ko ang call history ng cellphone ko. Naka-sampung missed called si tita, nakakapagtaka. Nakaramdam ako ng pag-aalala kaya tinawagan ko muna siya.

Hindi ko maipaliwanag pero parang bumigat ang dibdib ko habang tinatawagan ko siya. May nangyari kayang masama?

"Christian..."
malungkot niyang bungad.


"Tita, bakit?" Nag-umpisa akong kabahan dahil sa tono ng pananalita niya. "May problema po ba?" Mas itinutok ko pa sa aking tenga ang cellphone ko. I'm just being attentive, kailangan kong maging handa sa sasabihin niya. Ngayon lang kasi siya tumawag ng ganito kaaga.

"Christian..." mas nagsalubong ang kilay ko dahil sa napansin ko sa boses ni tita, para bang paos na paos ito at parang kagagaling niya lang sa pag-iyak.

"Tita?" Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone. Napatayo rin ako sa aking kinauupuan.

"Si Lucky..."

Napakunot noo ako nang marinig ko ang pangalan ni Lucky at ang impit na paghagulhol niya.

"Tita, anong nangyari kay Lucky?" Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang hinihintay ko ang sagot ni tita.

"Pumunta ka ngayon sa ospital namin...mas mabuting ikaw mismo ang makasagot sa tanong mo."

Natigilan ako dahil sa sinabi ni tita na naging sanhi para mabitawan ko ang bulaklak na dapat sana ay ibibigay ko kay Lucky.

Nanginginig kong ibinaba ang tawag. Hindi na rin ako nagsayang ng oras. Puno ng pangamba akong pumunta sa ospital.

***

Halos hindi na sumayad ang paa ko sa sahig ng Acevedo Medical Center dahil sa bilis ng aking pagtakbo. Wala na akong sinayang na pagkakataon agad kong tinanong ang nurse na nakita ko.

"Anong room si Lucky Acevedo?"

Inip na inip akong tumingin sa nurse. Habang ito naman ay pinagmasdan lang ako.

"Miss, nagmamadali ako. Huwag mo na akong titigan. Just answer my fucking question!" Hindi ko na napigilan ang sigawan siya. Nagpa-panic lang talaga ako.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa nurse. "Ahm...kaano-ano niya po kayo?"

Matalim kong tiningnan ang nurse. She's getting into my nerves! Dahil sa inis madiin kong hinawakan ang kaliwang braso niya.

"Sir, nasasaktan po ako," reklamo niya. Pinilit niya ring magpumiglas sa pagkakahawak ko pero hindi siya nagtagumpay.

"Kapag tinatanong ka sagutin mo ng maayos, ha!"

Your LoveWhere stories live. Discover now