LAST PART :: End Of Game

2.8K 102 28
                                    

"Aahhhh!" Walang nagagawa si Hazen kundi ang pumalahaw, pumikit nang mariin, at umiyak ng marami sa ginagawang pagpapahirap sa kanya ng killer.

"Oh? Masakit ba?" akala mo ay nang-aasar lang na tanong ng killer sa dalaga. Ilang sandali ay sumeryoso rin ito. "Sing sakit ba ng ginagawa niyong pambu-bully kay Jane? Sing sakit ba ng nararamdaman ni Jane kapag pinaglalaruan at pinagtatawanan niyo siya noon?"

"Sinabi ko na iyo hindi po ako kasama sa kanila!" Hazen yelled with all she might. Nakapikit siya habang humahagulhol at tinitiis niya ang hapdi na nadarama.

"Hwak!" Paminsan-minsan ay naduduwal din siya gawa ng nalalasahan niya na sariling dugo.

Tumawa ng malutong ang killer. "Hindi na mahalaga kung kasama ka o hindi. Basta isa ka sa mga nang-iwan sa kanya noong nabangga siya," tapos ay sabi nito na ang seryoso na naman. Umayos na ito ng tayo.

"Aaahhh!" hiyaw ulit ni Hazen. Hindi niya kinakaya ang hapding nadarama gawa ng mga sugat lalo na sa may hiwa niyang pisngi at ilong. Kulang na lang ay mahimatay na siya. Sobrang kinig ng katawan niya at sobrang pawis.

"Mamaaaa!" iyak pa niya na tinatawag ang ina. Nakapikit niyang iniling-iling ang mukha. Masakit! Sobrang sakit!

Hindi na niya nakikita ang nakangising killer habang may dinudukot ito sa bulsa ng pantalon nito. At nang ilabas ay isang matibay na transparent na plastic bag.

Namalayan na lang ni Hazen na nasa likuran na niya ang killer nang may ibinulong ito sa punong tainga niya. "Dahil ikaw ang gusto kong i-MARRY ay may regalo nga pala ako sa iyo aking bride."

Mas nabalot ng matinding takot ang dalaga. "H-huwag po! M-maawa po kayo sa 'kin!" gayunman ay nagawa niya na ipakiusap. Sobrang kumikinig ang boses niya.

"Ikumusta mo na lang ako kay Jane. Pakisabi sa kanya tapos na ang laro natin." Pagkasabi niyon ng killer ay itinaklob na nito ang plastic bag sa ulo ni Hazen na animo'y iyon ang belo ng bride sa kanilang kasal dahil ang dalaga ang napili nitong i-marry sa nilalaro nitong game na KISS, MARRY, KILL.

Ikinawag-kawag ni Hazen ang ulo pati na ang katawan para hindi sana maipasok ang plastic sa ulo nito.

"Huwaaaagggg poooo!" at palahaw niya. Nanlaban pa rin siya sa abot ng makakaya niya. Iniwas-iwas niya ang ulo. Subalit mabilis ang killer. Nailusot nito ang plastic sa ulo ng dalaga nang walang kahirap-hirap. Tapos ay buong lakas na hinila mula sa likod dahilan para dumikit nang husto sa mukha ni Hazen ang plastic.

"Mmmmpppp!" Saglit lang ay agaw na ni Hazen ang hininga. Iniling-iling niya ang ulo. Sinubukang makasinghap kahit konting hangin pero wala talagang hangin. Nag-stop na ang paghinga niya. At kahit natatakpan ng plastic ay makikita ang pagkulay pula ng mukha ng dalaga, hindi lang dahil sa dugo kundi dahil wala na. Wala nang hangin talaga.

Mas hinigpitan ng killer ang pagkakahila sa plastic kahit hindi na nito maramdaman ang pagpupumiglas ni Hazen.

At ang dalaga, nakatitig na lamang sa bangkay ni Prince habang unti-unti nang pumipikit at nanlulupay hanggang sa nawalan ng buhay.

"Game over, Jane. Sana matahimik ka na kung nasa'n ka man. Naipaghiganti ka na namin." Malademonyo pa rin ang naging ngisi ng killer nang sabihin iyon kasabay nang dahan-dahang pagbitaw ng plastic. Ni hindi ito nag-abalang tanggalin ang plastik sa ulo ni Hazen. Sa halip sinulatan niya lamang ng MARRY ang plastik na pinangpatay niya sa dalaga bago tumalikod. Itinapon ang marker at umalis na.

4:00 AM: Isang guwardya ang rerelyibo sana ng duty sa kapalitan nito pero nagulantang na lang ito nang makitang patay na sa guard house ang kasama.

4:10 AM: Dumagsa ang tao sa Sanchi High at mga nasindak sa nakitang krimen na nagyari sa loob ng school. Ang daming patay!

5:30 AM: Isinara ang school at kinordunan. Tanging mga pulis at mga taong may katungkulan sa school ang nakakapasok. Busy na ang mga pulis sa pag-iimbestiga.

6:00 AM: Ibinabalita na ng mga reporter sa TV ang karumaldumal na nangyaring patayan sa Sanchi High. Napag-alamang anim na guwardya ang patay, tatlong janitor at labing tatlo na esyudyante, kasama na roon ang limang dancer ng school na kung tawagin ay THE Matrix Dancers.

7:00 AM: Inaalam pa rin ng mga pulis kung ano ang motibo sa naganap na malagim na patayan. At kung ano ang ibig sabihin ng KISS MARRY KILL na mga salitang na nakasulat sa mga bangkay ng limang dancer na kabataang pinatay.

.

.

.

"Anak, gising!"

"Huh!" Bigla siyang bangon. She was scared and sweaty.

"What's the matter, Anak? Binangungot ka ba? Ungol ka kasi nang ungol saka baling nang baling ang ulo mo habang natutulog?"

Her eyes are full of fear as she looked at her mother. Sa tingin nga niya ay binangungot siya. Pero bakit parang totoo ang lahat ng nakakahindik na mga nangyari sa bangungot na 'yon?

"Are you okay, Anak?" tanong pa ng mama niya. Pinunas-punas ng mama niya ang pawis niya sa noo gamit ang palad nito.

Napalunok siya. Gayunman ay salamat dahil bangungot lang pala iyon. Akala niya ay totoo na kasi.

"Rosemarie, Anak!" Hanggang sa natatarantang bungad ng papa niya. Halos pabaligbag pa ang pagbukas nito ng pinto. "Your friends in the Philippines! They are all dead!"

Unti-unti ay bumakas sa mukha ni Rosemarie Planta ang pagkabigla at takot. Siya ang isa sa mga member noon ng The Matrix Dancers na naroon na sa State.

-THE END-

KISS, MARRY, KILL ( Soon to be published under HBP)Where stories live. Discover now