CHAPTER 17: I'll be watching you. (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Pero hindi ko sinagot yung tanong niya, hinila ko siya.

“Hey! Bitiwan mo nga ko!” – sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

Isinakay ko siya sa kotse. Pero akmang lalabas siya, kaya naman hinablot ko yung cellphone niya.

“Hoy cellphone ko yan!” – sigaw niya.

“Kaya nga kinuha ko diba? Ibabalik ko rin sayo ‘to mamaya bago umuwi.” – sagot ko.

Bago pa siya makapag salita sinarado ko na yung pinto ng kotse at sumakay na rin ako. Habang nagdadrive ako.

“Saan mo ba ko dadalhin?” – tanong niya.

“Gusto mo magpakasaya diba?” – tanong ko.

Tumango naman siya.

“Were going back to Laguna!” – sabi ko.

“Matthew!” – sigaw niya.

“Seryoso ako Alex.” – sabi ko.

“Arggghhhhh!!” – sigaw niya.

“Don’t shout.” – sabi ko.

Inirapan niya ko.. hindi ko naman talaga gusto gawin ‘to eh.. napilitan lang ako dahil naaawa ako sakanya.. nakausap ko na kanina si Tj, pag  uwi ko sa bahay namin nandun siya.. sinabi niya sakin na alagaan ko daw ‘tong babae na ‘to hanggat wala pa siya.. sabi ko naman ang gago niya.. bubuntisin niya yung Nezza na yon tapos pababayaan yung talagang girlfriend niya?! Tapos malalaman ko na hindi pala siya yung ama nung nasa tiyan nung babae na yon. Kundi si Darryl, tangna talaga hindi pa rin nagmamature yung utak nung kapatid niya.. kapag gumagawa ng katarantaduhan pinapasa lagi sa Kuya niya.

“Matthew! Ang layo layo ng Laguna.” – sabi niya na inis na inis na..

“2 hours lang biyahe Alex.” – sabi ko.

Numb is inWhere stories live. Discover now